#TMNFABKabanata44 Goodnight MARIA Tinagalan ko talaga ang sarili sa banyo. Hindi naman ako dumumi at parang sira lang akong nakatitig sa harap ng salamin. Akala ko’y paglabas ko wala na si Perseus pero nandoon pa rin siya, nakaupo, at hinihintay pa rin ako. Nakapikit siya at sapu-sapo ang noo niya, pero agad na nagdilat nang marinig ang pagsara ng pinto. Huli na para makaiwas pa ako sa kanya. “Bakit nandito ka pa?” Seryoso ang mukhang pinakatitigan niya lang ako. “Do you want me to ask for medicine? Masakit pa ba ang tiyan mo?” tanong niya kalaunan imbes na sagutin ako. “A-ayos na,” mahina ko namang sagot. Simula yata nang napadpad ako sa poder ng mga Carbonelle, nagpatong-patong na ang mga kasinungalingan ko. “Then, sit here.” “Hindi na nga–” “Are you going to sit here or I’m

