Kabanata 43

2364 Words

#TMNFABKabanata43 Ininsulto MARIA “Oh Philippines never change, traffic pa din,” saad ni Grandma na sinang-ayunan naman nila Tita at Portia samantalang ako’y nanatiling tahimik sa kinauupuan ko. Si Portia ang nagmamaneho, sa front seat ay si Tita Crisanta, at pinapagitnaan naman namin ni Grandma si Ellie. Meron namang nakasunod sa aming sasakyan kung nasaan daw ang mga bodyguards. Napatingin ako sa suot kong dress at ibinaba ang laylayan no’n dahil umaangat at masyadong nahahantad ang hita ko. Pinagbigyan ko si Portia na siyang mamili ng isusuot ko ngayong araw kapalit ng pagtigil niya sa aking tuksuhin ako kay Perseus. Mas pipiliin ko pang gawin niya akong manika na inaayusan kesa sa usisain sa nangyari sa amin ng Kuya niya. Napatingin ako kay Ellie na katabi ko’t kinalabit ako. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD