#TMNFABKabanata30 Fiveriel MARIA “Ikaw ‘yon…” saad ko nang makahuma sa pagkakagising na may nakatingin na lalaki sa akin. Umalis ako sa kama at agad ding tumalon si Philippe patungo sa harap ko. “You remember me?” ngiting-ngiti na tanong nito at lumapit na pero napasimangot nang kahulan siya ni Philippe. “Tss. Territorial, mana sa amo niya. Come on, Phil, may pasalubong akong treats sa ‘yo,” aniya pero umungol lang ang aso at animo walang narinig na nanatili sa harap ko. “Naaamoy ata ni Philippe ang pagiging manyakis mo kaya todo protekta kay Marie. You brute, sinong nagsabi sa ‘yo na pumasok ka dito. Kwarto ‘to ng hipag mo na asawa ng kuya mo!” sulpot ni Portia na hindi ko napansin ang pagpasok dahil naaliw ako kay Philippe. “Ouch, Portia!” sigaw ng lalaki nang pingutin siya ni

