#TMNFABKabanata29 Home MARIA “Welcome back, Marie! I missed you!” mahigpit na akap sa akin ni Portia nang salubungin kami sa labas ng airport. Ngumiti ako at inakap siya pabalik. “Na-miss din kita, Portia.” Humiwalay siya sa akin at sa pag-angat niya ng shades na suot-suot ay nakuha kaagad niya ang atensyon ng mga tao sa paligid namin. Ang ilan ay kinukuhanan na siya ng picture marahil nakilala na siya bilang isang sikat na artista. “You’re gathering attention, Por. I’m leaving, didiretso ako sa kompanya. Sa bahay na lang tayo magkita,” ani Perseus na tinapik lang sa balikat si Portia at isang simpleng sulyap at tango lang ang ibinigay sa akin bago umalis. Sumalubong sa kanya ang secretary niya na nginitian pa ako pero agad naglaho iyon nang mabilis siyang lagpasan ni Perseus. Ayo

