#TMNFABKabanata39 Mr. and Mrs. Carbonelle MARIA “What do you think of this?” turo ni Lazarus sa dalawang mug na mukhang para sa couple dahil pag pinagdikit ‘yon ay pumoporma iyon ng puso. Imbes na kumain ay napagpasyahan naming maghanap na lang muna ng maireregalo. “Ang dami-dami mong pera tas mug lang ibibigay mo kina Lolo at Lola,” ani Magdalene na kinokontra ang naiisip ni Lazarus na iregalo sa lolo’t-lola niya. “Nagsalita ang may hawak ng t-shirts.” “Eh kasi wala naman akong pera kumpara sa ‘yo,” hampas niya naman sa braso ni Laz na ikinailing ko lang. “Maraming pera sila Lolo at Lola, mas matutuwa pa ang mga ‘yon sa mga simpleng regalong ganito.” “Hays buti pa si Tash, may pa-scarf tapos personal niya pang gawa. Ba’t kasi hindi ako natuto no’n?” “Wala ka kasing tiyaga at t

