#TMNFABKabanata38 Double date MARIA “Sorry.” Napatingin ako kay Perseus nang marinig ang unang salitang sinabi niya para mabasag ang namayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa magmula nang nilisan namin ang studio hanggang sa makaupo dito sa kotse niya. “Para saan?” tanong ko. “For what I did a while ago, I know we should keep our relationship private as much as possible since this isn’t a…longtime one,” papahina nang papahina ang boses na saad niya at kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. “Now, I announced it, they’re talking about you–” “Ayos na ‘yon, Perseus. Kapag natapos na rin naman ang sa a-atin, hindi ko na rin sila makikita. Pero ikaw ba ayos lang sa ‘yo ‘yon?” Kumunot ang noo niya. “Ang?” “Ang malaman na asawa mo ay PA ng kapatid mo? Ni hindi ako propesyo

