#TMNFABKabanata37 Honey MARIA “Balik ka dito, Ate? Laro ulit tayo ni Mayi?” pilit na pag-abot ni Mayi sa mukha ko. Yumuko ako at hinaplos ang pisngi ni Mayi. Nagbabadya ang luha sa mga mata niya. “Kapag may libreng oras si Ate dito, dadalaw ako," saad ko at sisiguraduhin kong hindi ko lang siya paaasahin. Kanina'y nakilala din siya ni Perseus at sinabi niyang pwede kami ulit na pumunta dito. “Pamis?” Tumango ako at niyakap siya. “Promise ko, Mayi.” “Pasyal mo labas, Mayi?” Humiwalay ako at hinalikan ang noo niya at pinunasan ang mga luhang namalisbis na sa matambok niyang pisngi. “Oo, Mayi.” “Halika na, Mayi, at lilinisan ka na ni Sister,” pagkuha sa kanya ni Father at binuhat. Lumapit naman sa akin sila Sister Joy at Magdalene. “Mag-ingat kayo sa biyahe, Maria. Kaawaan kayo

