Chapter 3: NAGTATAMPO

1452 Words
BUMALIKWAS ng bangon si Ica. Napalinga siya sa paligid. Nagtaka siya, parang hindi pamilyar sa kanya ang kuwarto kung nasaan siya. Sinuri niya ang buong kuwarto. Maganda at malinis. May isang bed na maliit at lamesa na may computer at mga libro. May isang bintana at kulay puting kurtina. "Hala! Nasaaan ako? Pa'no ako nakapunta dito?" Bulalas niya sa isip. Sinuyod niya ng tingin ang sarili. Napahawak siya sa kanyang sintido. 'Di ito ang suot niya kagabing pumunta sila sa bar. T-shirt na kulay puti at underwear lang ang suot niya. Sinong nagbihis sa kanya? Napasuklay siya ng kanyang buhok. Nang bumukas ang pintuan, kaagad siyang napahiga sa kama sabay talukbong ng kumot. Marahas na napabuntong hininga si Nirvana. Huling huli na niya pero tulug tulugan pa rin. Naglakad siya palapit sa dalagabg walang kagalaw galaw na nakahiga. Dala niya ang tray na may pagkain na niluto niyang almusal para sa dalaga. Maigi na lamang Linggo ngayon, walang pasok sa clinic. "Gising na, Miss cute," sambit niya na inilapag ang tray sa lamesa pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama. "Lalamig ang pagkain. Kumain ka na at maligo. Baka hinahanap ka na sa inyo." Natauhan si Ica at mabilis na tinanggal ang kumot sa kanya. "Sino ka?! Bakit ako andito sa kuwarto mo? Sa'yo ba talaga itong kuwartong 'to? Kidnapper ka, no?" Sunod sunod na mga tanong ni Ica. Pinanlakihan niya ng kanyang mata ang lalaki at dinuduro. Kumunot ang noo ni Nirvana. "Nakalimutan mo atang girlfriend na kita. Nanalo ako sa pustahan natin. Kaya simula sa araw na 'to, boyfriend mo na ako at girlfriend na kita." Mas nanlaki ang mga mata ni Ica habang nakaawang ang kanyang bibig. At nang makahuma ay kinuha niya ang unan ang ibinato ito sa binata. "H'wag mo akong pinagloloko! Sinong may sabi sayong girlfriend mo ako, hindi nga kita kilala? Mayroon kang hidden agenda kaya sinasabi mo 'yan. May nangyari ba sa atin kagabi?!" Malakas na sigaw ni Ica. Hingal na hingal sa ginawang pagbato ng unan. Naggagalaiti siya sa sobrang galit sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama. Tumawa ng malakas si Nirvana at ni hindi ininda ang pagtama ng unan sa kanyang mukha. "Ang sweet naman ng babe ko. Kumain ka na at mamaya ka na magalit. At tungkol doon sa tanong mo, mas maiging busog ka kapag sinagot ko ang tanong mo," sagot niya at kumindat pa kay Ica, na mas lalong ikinagalit ng huli. "P*ta! Sagutin mo na kasi. Gusto kong malaman kung may nangyari sa atin habang andito ako sa kuwarto mo. Wala talaga akong matandaan!" Naghe-hysterical si Ica. Gusto niyang malaman ang totoo. Dahil sa sobrang kalasingan ay naging mahimbing ang tulog niya. Wala namang pakialam si Nirvana at hindi pinansin ang pag-aalburuto ni Ica. Kinuha niya ang tray at ipinatong ito sa ibabaw ng lamesa. "Just eat. Later, we will continue this talk." Malambing na pangunumbinsi niya. "Masarap akong magtimpla ng kape. Kape pampabuhay ng dugo sa umaga." Itinaas niya ang tasa na may kape at ibinibigay kay Ica. Napairap ang dalaga at humalukipkip. Nanghahaba ang nguso na tumingin sa ibang direksyon. Marahas na napabuntong hininga si Nirvana. "Alright. Lalabas na ako. Ubusin mo lahat ang inihanda ko para sa'yo. May bagong sabon at shampoo sa banyo, may towel na rin. Tuyo na rin ang damit mo, nasa banyo naka-hanger." Natigilan si Ica parang lumambot ang puso niya sa narinig. Ginawa niya iyon para sa kanya? Napaayos siya ng upo nang lumundo ang kama, tumayo ang binata. Narinig niya ang mga hakbang na palayo sa kanya. Napakibit siya ng kanyang balikat at humarap. Nadatnan na lang niya na isinasarado na ng binata ang pintuan. Natuon ang kanyang tingin sa tray. May tatlong pirasong longganisa, pritong itlog at fried rice. May mainit na kape sa tasa. Nagmamadali siyang bumaba sa kama at pumunta ng banyo para sandaling makaligo. "KUMUSTA si Miss cute? Gising na ba?" Mga tanong ni Gilbert nang makapasok sa kusina si Nirvana. Mahinang tinapik ni Nirvana sa ulo ang kaibigan at boardmate. Nagtatrabaho sa isang kompanya si Gilbert bilang staff. Madalas ay every weekend lamang sila nagkakasama dahil pareho silang abala sa kani kanilang trabaho. "Gising na. Iyon nagwala na naman," nangingiting sagot ni Nirvana. "Ewan ko ba sayo. Desperado ka na bang magka-syota kaya ginagawa mo 'yan? Bakit hindi ka na lang manligaw? Ang daming magagandang girls dito sa Manila. Mukhang nene pa 'yong babaeng nakuha mo," sabi ni Gilbert, umupo ito sa stool at humigop ng kanyang tinimplang kape. "Hindi na siya nene. And I think she's 18. Legal na. Eh, ano ngayon kung mukhang nene? Kita ko naman na mabait siya." Pagtatanggol ni Nirvana sa dalaga. Wala pa siyang alam tungkol sa babaeng kasama niya dahil sa ayaw naman nitong sabihin. Pero alam niya na makukuha rin niya ang loob nito. "Ano nga uling pangalan nung girl?" tanong ni Gilbert na tumaas baba ang kilay kay Nirvana at nakapameywang pa. Hindi nakasagot si Nirvana. Nag-iisip niya ng puwedeng idahilan sa kaibigan. Mapapahiya siya kay Gilbert 'pag nalaman nitong 'di niya kilala ang dalagang dinala sa kanilang boarding house. "Sinong girl ang sinasabi mo?" Untag ni Ica. Nagpapalit lipat ng tingin siya sa dalawang binata na nasa kusina. Sabay na napatayo sina Nirvana at Gilbert nang makita ang dalaga. Suot ang damit na hapit na hapit sa katawan at sobrang iksi pa. "A-Ah, wala," sagot ni Nirvana na lumapit sa dalaga at kinuha ang dala na tray na may pinagkainan. Inilapag niya ito sa kitchen sink at muling nilapitan ang dalaga. Napaangat ang tingin ni Ica sa binata nang akbayan siya nito. "Uuwi na ako sa amin. Baka hinahanap na ako sa amin," paalam ni Ica. "Sandali, babe. Mamaya ka na lang kaya umuwi." Makahulugang tumingin si Nirvana sa dalaga. Parang nahiya si Ica sa itinawag sa kanya ng binata. Napatingin sa kaibigan nito. Pinipigilan naman ni Gilbert ang bumunghalit ng tawa. Sobrang cheesy ng kaibigan niya. Babe talaga. "Ahmm... Gilbert nga pala. And you are?" Pakilala niya sa sarili at inilahad ang kamay para makipagkamay. Mabilis na inagaw ni Nirvana ang kamay ni Ica nang makitang makikipagkamay ito sa kanya kaibigan. "Ano ba!" Singhal ni Ica na pinandilatan ng mata ang binata. Napatingin siya sa kaibigan nito. "Pasensiya ka na. I'm Ica, and it was nice meeting you, Gilbert." Hingi niya ng pasensiya at pakilala na rin sa kanyang sarili. Parang sumama ang loob ni Nirvana na kagabi pa niya gustong makuha ang pangalan ng dalaga. Ngunit ayaw nitong ibigay. Pagkatapos kay Gilbert ay walang alinlangan itong nagpakilala ng sarili. Dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga. Naramdaman naman iyon ni Ica at nagtataka siyang napabaling kay Nirvana. "Maiwan ko na kayo. Doon na muna ako sa kuwarto ko," paalam ni Gilbert, may namumuo kasing tensyon sa pagitan nina Nirvana at girlfriend ng kaibigan. Mukhang may selosan. Bago siya umalis sa kusina ay tinapik niya muna sa balikat si Nirvana. Nang makaalis si Gilbert ay masamang tinignan ni Ica si Nirvana. "Anong problema mo?" Untag niya. Pinapakunsensiya pa siya sa hindi malamang dahilan. Tumalikod si Nirvana at pumunta sa kitchen sink. Hinugasan ang tray na may lamang pinagkainan ni Ica. Napasapo si Ica sa kanyang sariling noo. Tsaka, napabuntong hininga. "Ano ngang problema mo? At nagkakaganyan ka na!" "Gusto mo nang umalis, di ba? Sige na. Magkita na lang tayo sa mata, kung magkikita pa tayo," balik na tanong ni Nirvana na may lungkot sa tono ng kanyang boses. Masama ang loob niya dahil hindi sinasabi ni Ica ang tungkol sa kanya. Nakakatampo na mas madali lamang itong nagpakilala sa kaibigan niya. "Gusto mo na akong umalis?" Muling tanong ni Ica. Dahan dahang umiling si Nirvana. Nagpatuloy ito sa paghuhugas ng mga pinggan at baso. Sinusundan naman ni Ica ng mata niya ang bawat galaw ng binata. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ang maririnig lamang ay ang tunog ng mga kubyertos na hinugasan ni Nirvana. Nang matapos ang binata sa paghuhugas ng mga pinagkainan ay umalis siya ng kusina. Napaamang si Ica, 'di siya pinapansin ng binata na dumiretso lamang palabas. Padabog na sinundan niya si Nirvana. Pumunta ang binata sa kuwarto niya. Iniisip niyang nakaalis na si Ica. Kung iadya ng tadhana na muli silang magkita na dalawa natitiyak niya na para sa sila sa isa't isa. At kung hindi, baka sadya lang sila nagkatagpo. Isa pa, hindi pa naman siya sigurado sa kanyang nararamdaman at alam niya din na walang nararamdaman ang dalaga para sa kanya. Naghubad siya ng kanyang damit, wala siyang itinira at iniwan lamang sa sahig. "Ano ba yan! Bakit ka na lang naghuhubad?!" Matinis na sigaw ni Ica na ikinalingon bigla ni Nirvana sa kanyang likuran. "Sh*t!" Malakas na mura ni Nirvana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD