"NANALO ako. So, akin ka at girlfriend na kita," nabubunying sabi ng lalaki na sa tantiya ni Ica ay halos lampas ng limang taon ang agwat kanilang edad. Gan'on pa man ay masasabi niyang malakas ang dating nito kahit na medyo may kapayatan ang katawan. Malakas itong sumuntok at napatumba niya ang tatlong lalaking nambastos sa kanya.
Nawala talaga ang amats niya. Sa halos isang gabi lang ay ang daming nangyari. "H-Huh? 'Di pa naman natin kilala ang isa't isa. Pagkatapos gusto mo akong maging girlfriend."
Napakamot sa ulo niya si Nirvana saka alanganin na ngumiti. "Iniligtas kita. Kapalit ng pagligtas ko sayo, tayo na."
Nagulantang si Ica. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ng lalaki para sabihin 'yon. "Are you out of your mind? Hindi ako nakikipagrelasyon sa taong 'di ko kilala. Besides, humingi ako tulong sayo pero 'di ko matandaang nakipag-deal ako sa'yo, lalaki."
Napangisi si Nirvana. Matapang naman pala. Pero 'di kayang ipagtanggol ang sarili.
"Sa'yo hindi ako nakipag-deal. Sa taong nambastos sa'yo, siya ang kausap ko. Ikaw ang premyo namin, dapat sa akin ka," pinal na sabi niya na matiim na tumitig sa dalaga.
Sandaling natigilan si Ica. Napaawang ng malaki ang bibig niya.
"Pakitikom ang bibig mo. Baka hindi ako makapagpigil ay mahalikan kita." Babala pa niya sa dalaga.
"I'm not supposed to be talking to you. Babalikan ko na ang mga friends ko sa loob ng bar, tapos uuwi na kami," sabi ni Ica habang tumatalikod sa binata para bumalik sa bar. Hindi na siya lumingon, umaasang hindi na siya susundan nito.
Pero hindi pa siya nakakalayo ay hinuli ng binata ang kanyang kamay at hinila siya sa kung saan.
"Ano ba?! Wala na ang mga nambastos sa akin pagkatapos ay pumalit ka naman! Ano ba ang kailangan mo sa akin? Pera ba? Bibigyan kita kahit magkano. Kabayaran sa ginawa mong pagtulong sa akin!" Singhal ni Ica, nagtatagis ang kanyang bagang sa sobrang galit at inis.
Ayaw pa kasi siyang tantanan. Tapos na ang gulo at nagtakbuhan na ang mga nambastos sa kanya.
Napahawak sa kanyang panga si Nirvana. Ngunit, hindi pa rin niya binibitawan ang dalaga.
"May utang ka sa akin at hindi pera ang gusto kong kabayaran..."
Napatitig si Ica sa lalaki. "Seryoso ka ba sa gusto mong kabayaran mula sa 'kin? Mister, kung anuman ang pinaplano mo 'wag ako. At wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo. Kaya hayaan mo na akong makaalis. Tiyak na naghahanap na ang mga kaibigan ko sa akin na nasa loob ng bar." Pilit niyang binabawi ang kamay pero matigas ang binata. Mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"Babalik ka sa loob. Eh, andoon ang tatlong ugok na bumastos sayo. Baka mamaya niyan kapag nakaalis na ako ay bigla ka na lang isakay sa kotse. Ikaw rin, nakita mong walang naglakas loob na tulungan ka. Dahil teritoryo nila ito."
Napairap si Ica, iritang-irita sa narinig. "Talagang tinatakot mo ako para lang mapilit mo akong maging boyfriend kita? Alam mo, tumulong ka na nga, tapos humihingi ka pa ng kapalit. Masama 'yon."
Biglang tumawa ng malakas si Nirvana. "Please, allow me to introduce myself. I'm Nirvana Dizon, a veterinary doctor. Malapit lang dito ang clinic na pinagtatrabahuhan ko."
Inirapan niya ang binata at muling iniiwas ang tingin, malinaw na ipinapakita ang hindi niya pagkadisgusto rito.
"Ang ayos kong nagpakilala sayo, babe. Di ba, gusto mo nga kilala mo ako? What's your name?" Dagdag ni Nirvana na pinapungay pa ang mata.
Lalo nang kumulo ang dugo ni Ica. Ang taas talaga ng tingin nito sa sarili. "Buwisit ka! Bitawan mo na nga ako!"
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka pumapayag sa napagkasunduan natin. Nanalo ako sa pustahan at akin ka na... Tandaan mo 'yan, miss cute," madidiing sabi ni Nirvana na nagbabaga ang mga mata.
Napatalikod si Ica, pumulupot naman sa beywang niya ang kamay ng binata. Tumatama ang mainit na hininga ni Nirvana sa batok niya. Nakakaramdam tuloy siya ng 'di niya maipaliwanag na sarap.
Napakurap kurap siya ng kanyang mata. Pinagnanasaan niya ang sira ulong gumugulo sa kanya ngayon.
"Ano ba?! Lumayo ka nga!" Reklamo niyang sigaw.
"Pano ako lalayo sayo kung hawak ko ang kamay mo? At ikaw naman ang tumalikod sa akin. Gusto mo lang mayakap kita, di ba? Hindi pa nagsabi."
Naninibugho ang dibdib ni Ica sa sobrang inis. Kung 'di lang masamang burahin ang lalaking ito sa mundo, ginawa na niya. Nang matahimik na siya. Gusto niya ng katahimikan.
"Tantanan mo ako! Bitawan mo na sabi ako. Tatawag ako ng pulis. Ipapakulong kita," desperada na si Ica na makawala kay Nirvana kaya kung ano anong pananakot na lang ang kanyang sinasabi. Pero sadya sigurong walang kinakatakutan ang maangas na 'to. Para tuloy silang mag-jowa na magkayakap sa labas ng bar.
"Mapapagod ka lang ng kasisigaw st kahihingi ng tulong. Sabihin mo sa akin ang pangalan mo at school mo. Bukas susunduin kita."
Nanlaki ang mga mata ni Ica. Hindi maaring malaman ng binata kung saang university siya pumapasok. Magtataka pa ito kung bakit ganito ang pananamit niya pagkatapos sa university ay naka-manang siya. Double identity lang, huhusgahan lang siya nitong nagpapanggap.
Sa ginagawa naman niya ay para na rin siyang nagpapanggap. Ibang katauhan sa harap ng mga taong nakakakilala sa kanya at sa likod nito ay ibang katauhan kapag malayo sa kanyang mga magulang.
"Hindi mo ako mapipilit na magsalita! Patigasan tayong dalawa. Bahala ka ss buhay mo kung ayaw mong akong pakawalan!" Asik niya sa kausap na nasa kanyang likuran.
Mas inilapit pa ni Nirvana ang mukha kay Ica, nararamdaman niya ang init ng hininga nito sa kanyang batok. "Hinahamon mo ba ako? Walang problema. Patagalan tayo. Ang unang bibitaw, talo," bulong niya, may halong lambing at hamon sa boses. "At kapag ikaw ang natalo, akin ka na. Wala nang bawian."
Napakislot si Ica, parang may dumaloy na kuryente sa kanyang katawan mula sa pagbulong ni Nirvana sa kanyang tenga. Bumilis ang kabog ng dibdib niya, ang bawat t***k ay tila mas malakas at mabilis kaysa kanina. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ngunit sa kabila ng takot at kaba, may bahagi sa kanya na hindi makatanggi—isang parte na gustong tanggapin ang hamon.
"S-Sige, papayag ako. Pero kapag natalo ka kakalimutan mo ako at ang gabing ito." Sambit niyang tinanggap ang hamon ng binata. Bakit siya nauutal?
Ramdam ni Ica ang pag-amoy ni Nirvana ng kanyang buhok saka pinaglandas ang palad nito sa kanyang braso. Nangilabot siya at nagtayuan ang kanyang mga balahibong pusa.
"Sh*t!" Napamura siya sa isip. Ang lakas ng epekto ni Nirvana sa kanyang katawan. Bawat pagdampi ng balat nito sa balat niya ay bilyon bilyong boltahe ng kuryente. Idagdag pa na parang mayroong nabubuhay sa kanyang pagnanasa na 'di niya kailanman naramdaman sa ibang lalaki.
Napapikit si Ica, ninanamnam ang higpit ng yakap ni Nirvana sa kanya. Ramdam niya ang init ng katawan nito na tila pinapawi ang lamig ng simoy ng hangin. Sa kabila ng liwanag na nagmumula sa buwan, tila nagiging mas malinaw ang bawat t***k ng puso niya, bawat saglit na lumilipas. Hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal ang sandaling ito, ngunit may bahagi sa puso niya na umaasang hindi na ito matapos—na sana'y manatili si Nirvana sa kanyang tabi.
"Natahimik ka na," bulong ni Nirvana, bahagyang bumaba ang boses. "Nakatulog ka na ba?" tanong nito, may halong pag-aalala at biro sa kanyang tono, habang mas hinigpitan pa ang yakap.
Mahinang hinampas ni Ica ang braso ng binata. "Hindi, ah. Ayoko lang makausap ka. Malakas ang kutob ko na ikaw ang unang susuko sa ating dalawa."
Napangisi si Nirvana at napailing. "Kung ikaw lang ang yayakapin ko magdamag, hinding-hindi ako bibitaw," sabi niya sa seryosong tono.
Palihim na napangiti si Ica, habang naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa sinabi ni Nirvana. Bagong kakilala pa lang niya ang binata, pero tila ang bilis niyang mahulog dito, na para bang may hindi maipaliwanag na koneksyon sa pagitan nila.
"Oppss... that's crazy," nausal niya sa isip, pilit pinipigilan ang kanyang damdamin. "Hinding hindi ako mahuhulog sa lalaking masyadong mataas ang tingin sa sarili. Kung makaangkin sa akin, parang kilalang-kilala na ako," dagdag niya sa kanyang isip, kahit na alam niyang ang mga salitang ito ay hindi tugma sa nararamdaman ng kanyang puso. Mahirap itanggi ang epekto ni Nirvana sa kanya, kahit na gusto niyang magpanggap na hindi siya tinatablan.
Mayamaya, narinig ni Nirvana ang malalim na paghinga ni Ica. Luminga siya at napagtanto na nakatulog na pala ito habang yakap niya. Dahan-dahang binuhat ni Nirvana ang dalaga, siniguradong hindi siya magising sa kanyang paggalaw. Hindi niya alam kung saan nakatira si Ica, kaya't nagpasya siyang dalhin ito sa kanyang boarding house muna.