Chapter 10: PATINGIN AKO

1426 Words
NATIGILAN si Nirvana nang makita si Ica na natayo sa labas ng pinto ng kanilang boarding house ni Gilbert. Galing siya sa trabaho at kauuwi niya lang. Agad niyang nilapitan ang nobya. "Ica, anong ginagawa mo dito sa bahay?" takang tanong niya. Naestawa siya nang yakapin siya ng nobya. "Umalis ako sa amin..." "Huh?" Sabay bitaw niya sa yakap at iniharap sa kanya si Ica. "Doon tayo sa loob. Wala si Gilbert ngayon, may tatlong araw silang team building sa isang resort sa Zambales." Hawak niya ang kamay ni Ica at iginiya ang dalaga paupo sa sopa. "Anong nangyari? Bakit ka naglayas?" Napayuko ng ulo si Ica at impit na umiyak. "Si mommy kasi binabawalan niya akong makipagkita sa mga friends ko. Hindi rin ako puwedeng lumabas. Masyado na siyang nakakasakal. Kinuha niya rin ang phone ko kaya hindi kita matext." Inihilig ni Nirvana ang ulo ni Ica sa kanyang balikat. "Try to understand. She's just protecting you. Lahat naman ng mga magulang ay ganoon, Ica." "Alam ko naman 'yon pero sobra naman na. Wala na akong laya," tugon ni Ica na pinupunasan ang mga luha niya sa mata. "Mas lalong magagalit 'yin sayo kapag nalaman na umalis ka ng bahay niyo. Pinalipas mo na muna sana ang galit ng mommy mo saka mo siya kinausap ng mahinahon. Babe, she's your mother. Kahit na hindi natin gusto ang mga bagay na gusto nilang ipagawa. Irespeto pa rin natin sila," litanya ni Nirvana na pinapangaralan ang nobya. Bata pa nga kasi si Ica. Medyo padalos dalos pa ang desisyon sa buhay at matigas ang ulo. "Gusto ko sana dito muna ako sa'yo. Puwede ba?" Nakikiusap ang tingin ni Ica na tanong niya kay Nirvana. "Babe, hindi sa ayaw ko na makasama ka. Pero ayoko na maging malayo kayo sa isa't isa ng sarili mong ina. Mas gusto ko pa rin na i-guide ka sa tamang daan." Nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Ica. Sumama ang loob niya na hindi man lang siya pinayagan ng nobyo niya sa kanyang boarding house tumuloy pansamantala. "Sige, kina Diamond na lang ako tutuloy muna. Tutal ayaw mo naman ako andito sa boarding house niyo." Humalukipkip ang dalaga at napaiwas ng tingin kay Nirvana. Tumayo siya at hahakbang na sana nang hulihan ni Nirvana ang kamay niya. "Saan ka pupunta?" "Sa mga kaibigan ko. Sa kanila na lang ako magpapalipas ng gabi. Bukas bahala na kung saan ako pupunta," parang batang nagtatampo na sagot ni Ica. Inirapan niya ang binata habang nakataas ang isang kilay. Napabuntong hininga si Nirvana. Mabilis naman magtampo ang nobya niya. Niyakap niya ng mahigpit si Ica at hinalik halikan ang leeg nito. "Nagtatampo naman ang baby ko. Ang cute cute mo talaga," pinanggigilan ni Nirvana ang leeg ni Ica at kinagat. "Ano ba!" Asik ng dalaga. Pilit na tinatanggal ang mga kamay ng nobyo na nakapulupot sa kanya. "Bitiwan mo nga ako!" "Hala, babe! Seryoso ka? Galit ka sa akin?" "Hindi ako galit sa'yo. Nagtatampo lang. Alam ko na hindi mo naman ako talaga gusto kaya okay lang na umalis ako," sagot ni Ica na nanghahaba pa rin ang nguso. Ngingiti ngiti lamang si Nirvana sa inaakto ng kanyang nobya. Iniharap ni Nirvana si Ica sa kanya. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ng dalaga pero mailap ito. Kinulong niya ng dalawang palad ang pisngi ng nobya at tinitigan ito sa mata. "Hindi ako mag-e-effort na makasama ka sa date natin kung hindi kita gusto. Araw araw ikaw lang ang nasa isip ko, Ica. Alam ko na napabilis ng pagiging malapit natin at ang relasyon nating dalawa. Pero ramdam ko sa puso ko na gusto kita. Gustong gusto kita..." Hindi maitago ni Ica ang kilig. Pinamulahan siya ng mukha at pilit pang itinatago ang ngiti sa labi. "G-Gusto din kita..." Nanlaki ang mga mata ni Nirvana. Kinabig niya ng mahigpit na yakap si Ica. At nang bumitaw ay buong puso niyang hinalikan ang dalaga sa labi nito. Kapwa silang dalawa hinihingal nang humiwalay sila sa isa't isa. Napasinghap si Ica nang pinangko siya ni Nirvana. Walang salita na naglakad ang binata habang buhat siya. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok nito. Binuksan ni Nirvana ang pinto ng kanyang kuwarto at ipinasok si Ica sa loob. Dahan dahan pa niyang ibinaba ang dalaga sa kama. "Dito ka sa kama matutulog at d'yan naman ako sa sahig," biglang nasabi ng binata na itinuro ang semento. Napalaglag ang panga ni Ica. Ang inaasahan pa naman niya ay magkatabi silang matutulog sa kama. "Lalamigin ka. Maluwag kaya ang kama mo. Kasya tayong dalawa. Dito ka na sa tabi ko matulog," sabi ni Ica. "Hindi puwede, babe. Nirerespeto pa rin kita. Kaya d'yan ka sa kama, dito ako sa baba. Magpalit ka na rin ng damit mo. Hindi naman puwede na 'yang suot mo ang ipapangtulog mo." Tugon ni Nirvana, sinuyod ng tingin ang kabuuan ni Ica habang ito'y nakahiga sa kama. Sunod sunod siyang napalunok nang bumaba sa hita ni Ica ang kanyang mata. Napaiwas siya ng tingin at pilit pinapakalma ang sarili. Nahilig ni Ica ang kanyang ulo. Parang pinagpawisan ata si Nirvana. "Anong nangyauari sayo?" Napabangon siya sa kama at sinalat ang noo ng binata. "H-Huh? Wala. Mainit lang..." May nakakalokong ngiti si Ica. Mas itinaas pa niya ang suot niyang bestida kalahati sa kanyang hita. Konting konti na lang ay makikita na ni Nirvana ang kanyang pinakatatago. Napaangat ang tingin si Nirvana sa kisame. "K-Kukuha lang ako ng damit mo, babe," sabi niya na iniiwasang tingnan ang nobyo na tila inaakit siya nito. Palihim pa niyang pinunasan ang butil butil niyang pawis sa noo. Natawa ng malakas si Ica. Natataranta ata si Nirvana nang makita ang kanyang makinis na hita. May naisip tuloy siyang kapilyuhan. Alam niyang hindi siya matatanggihan ng nobyo. Binuksan ni Nirvana ang cabinet niya at sinuyod niya ng tingin ang mga damit niyang naka-hanger. Naghahanap ng puwedeng maisuot ng dalaga. Balingkinitan ang katawan ni Ica, kaya tiyak na walang kakasya. Kaya kumuha na lamang siya sa mga nakatuping t-shirt niya. Puwede na siguro kahit na sobrang laki para sa dalaga. "Babe, wala akong maliit na damit. Puwede---" nabitawan niya ang hawak na t-shirt at napatulala. "F*ck!" Malaka na mura niya at mabilis na tumalikod. Agad siyang napatingin sa kanyang pagkal*l*ki na biglang kumislot. "Babe, isuot mo na ang t-shirt ko. Please...." "Why? Don't you like what you see?" "No! I-I mean, g-gusto ko. Pero, babe naman 'wag mo akong pahirapan." Parang namimilipit si Nirvana na pinapakalma niya ang sarili. Maghubad ba naman si Ica sa kanyang harapan. "Pangit ba ako?" tanong ni Ica na may lamlam ang mata. "Hindi sa ganoon, babe. Please, wear something..." nahihirapang sagot ni Nirvana. Kinuha niya ang kanyang t-shirt at iniabot kay Ica na hindi humarap. "Bakit ayaw mo akong tignan?" "Nakahubad ka. Nakakaakit ka. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makagawa ako ng bagay na pareho nating pagsisihan balang araw..." Iginagalang niya si Ica. Hangga't maari kung kaya niyang magpigil ay gagawin niya. Hindi pa napapanahon na gawin nila ang ginagawa ng isang magkarelasyon. Isa pa ay bata pa ang kanyang nobya. "Naakit ka sa akin? Tinatayuan ka ba, Nirvana?" Mariing napapikit si Nirvana. Napahawak na siya sa kanyang pagkal*l*ki. Unti unti nang nabubuhay ito sa loob ng kanya pants. "Yes, babe. Siyempre, seksi ka at maganda. Makinis ang katawan mo. Sino ba nanlmang lalaki ang hindi titigasan sa isang batang batang babae na katulad mo?" "Humarap ka nga. Gusto kong makita..." Talagang hindi titigil si Ica na akitin siya. Napatingala na si Nirvana at nag-antanda. "Babe, magdamit ka muna. Please." "Ayoko! Gusto ko nga ulit makita ang sawa mo! Ipapakita mo ba sa akin o hindi? Sagot!" Sunod sunod na lumunok si Nirvana saka bumaba ang tingin sa kanyang alaga. "Behave ka. Bawal pa. Patapusin mo muna ng pag-aaral niya si Ica bago mo anakan." Kastigo ng kanyang sariling isip. Parang naiinip na si Ica. Walang kakilos kilos si Nirvana at parang walang balak na humarap sa kanya. Nahigit niya ang kanyang paghinga. Sinimulan niya ang birong ito sa binata. Kaya pangatawan niya. Humakbang siya palapit sa kanyang nobyo. Nang makalapit siya kay Nirvana ay hinawakan niya ang kinakabahang binata sa balikat nito. Dahan dahan niyang iniharap ang nobyo. Natatawa siya sa reaksyon nito. Mariing nakapikit ang mga mata ng binata. Kaya ang ginawa niya ay niyakap niya ito. Parang naging tuod si Nirvana habang yakap siya ni Ica. 'Di siya gumaganti ng yakap sa nobya. Dahil alam niya sa oras na matibag ang pisi ng kanyang pasensiya. Padadapain niya sa kama si Ica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD