Chapter 9: SWERTE

1500 Words
TAHIMIK na pumasok sa university si Ica. Mayroon ding nakasunod sa kanya na dalawang bantay para hindi siya makalapit sa mga kaibigan. Gustuhin man niyang sabihan sina Lacey at Diamond ay 'di niya magawa dahil sa takot. "Ica, anong nangyayari sayo? Nag-date lang kayo ni Nirvana naging weird ka na," tanong ni Lacey nang makaupo si Ica sa seat niya. "Ano ka ba, Lacey, matagal nang weird 'yang kaibigan natin? Nagtatanong ka pa," sabi naman ng tila nagtatampong si Dianond. "H'wag kayong maingay. May bantay ako sa labas ng classroom. Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo ang nangyari," mahinang bulong ni Ica, tamang naririnig lamang nina Lacey at Diamond. Palihim na napatingin si Lacey labas ng kanilang silid. May isang lalaki ang nakatayo malapit sa pintuan at ang isa namang lalaki nasa kabila, nakasandal sa pader at ang mga mata ay nasa loob ng classroom nila. "Sh*t! Oo nga...." pabulong din na sabi ni Lacey. "Grabe naman talaga sa pagka-overprotective 'yang nanay mo. OA na masyado. Hindi ka na talaga palalayain sa saya niya," wika rin ni Diamond. Napayuko na lang si Ica. Pigil na pigil ang sarili na umiyak. "Paano na 'yan? Hindi ka na ba makikipagkita kay Nirvana?" Sunod sunod na tanong ni Lacey. "Hindi pa kami nakakapag-usap ni Nirvana ngayon. Wala akong phone, kinuha ni mommy. Kaya nga hindi ko kayo masabihan na 'wag niyo muna akong lalapitan. Pati kayo ay pinagbawalan ni mommy na lumapit sa akin." Napaamang ang dalawang kaibigan niya. "Sobra naman. Wala naman kaming ginagawang masama sayo. 'Di rin kami BI na mga kaibigan. Mas maloko ka pa nga sa amin. Hindi lang nila alam." Saad ni Diamond. "Matanan na lang kaya kayo ni Nirvana. Nang matauhan 'yang nanay mo. Tignan ko lang kung hindi maging tuliro 'yon," ani ni Lacey. "Tulungan niyo naman ako na ma-contact ko si Nirvana, oh. Please..." Nagkatinginan sina Lacey at Diamond. "Pano kung malaman ng mommy mo na may boyfriend ka na? At nagpapanggap ka pa sa kanya na ganyan talaga ang ayos mo palagi. Mas maganda rin siguro sabihin mo sa mommy mo na may sarili kang isip. Lumaban ka naman, Ica. Hindi naman porke sexy ang pananamit mo ay maglalandi ka ng maaga. I-explain mo sa parents mo na dapat ka nilang pagkatiwalaan. Hindi iyong ganyan, ginagawa ka nilang preso," sabi ni Diamond. Sa ngayon, wala pa sa plano ni Ica na umamin sa kanyang mga magulang. Maigi na itago na lamang niya si Nirvana at ang kaniyang katauhan sa kanila. Alam niyang hindi nila maiintindihan ang kanyang paliwanag. Masaya ang buhay niya simula noong makilala ang nobyo st hindi niya planong strain ang kanyang kaligayahan. May kinuha si Lacey sa loob ng kanyang bag. Pasimple niyang ibinigay ang phone niya kay Ica. "Sa iyo na muna itong lumang phone ko. Tutal, mayroon pa naman akong isang ginagamit na bago. Nakasave na d'yan ang phone numbers namin ni Diamond. Diyan mo na lang kami pansamantala na kontakin." Napangiti si Ica. Kahit na parang masama ang kanyang loob, nagawa niya pa ring ngumiti ng bahagya. "Ingatan mo 'yan na 'di makumpiska ng nanay mong hindi maintindihan ang utak." "She's still my mom. Ganoon man siya, mahal ko pa rin siya. Irespeto niyo pa rin siya para sa akin na lang," pagtatanggol ni Ica sa kanyang ina sa mga kaibigan. "Wala kaming intensyon na masama sa mommy mo. Inirerespeto namin siya dahil sa mas matanda siya sa amin. Pero 'di namin gusto ang ginagawa niya sa'yo. Pagkatapos ipinagtatanggol mo pa talaga. Ayaw mong kontrahin ang mga ginagawa niya sayo. Nagmamalasakit lang naman kami sayo ni Lacey. Sana'y makita mo ang mga mali sa ginagawa ng magulang mo sa'yo," habang litanya ni Diamond na tila nagtatampo kay Ica at tumayo siya patungo sa ibang upuan. Sinundan naman ng tingin ni Ica ang kanyang kaibigan. "Hayaan mo na muna. Nagtatampo lang 'yon. Siyempre, gusto namin na makita kang masaya at umakto ka ng isang normal na babaeng kagaya namin. Walang nagdidikta ng lahat ng sasabihin mo o gagawin," sabi ni Lacey. Napahinto sila nang pumasok sa loob ng classroom ang kanilang professor. Sandaling oras na nakalimutan ni Ica ang problema niya. Oras ng uwian, naglalakad si Ica na nasa likuran niya nakasunod ang dalawa niyang bantay. Pinagtitinginan siya ng ibang mga estudyante sa university. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang bag. She felt loneliness. Mahirap mamujay na mag-isa, dahil sa kanyang pagiging kaiba sa ibang mga kabataan na katulad niya. Walang ibang lumalapit at kumakausap sa kanya kundi ang kanyang dalawang kaibigan, sina Diamond at Lacey. Pero sa ginagawa ng ina ay unti unting lalayo ang mga kaibigan niya sa kanya. Sa kanila lamang siya nagiging totoo sa kanyang sarili. Pati na rin kay Nirvana, nagiging masaya ang puso niya kasama ang binata. "Ica, hija, maaga ka ata ngayon," napatingjn ang dalaga sa daddy niya. "I'm grounded, dad. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil kung hindi ay makakatikim ako ng sermon kay mommy." "Ano ba kasing ginawa mo?" Tumayo si Nathan at nilapitan ang kanyang anak. "Nothing. Dahil late na naman po akong nakauwi sa bahay," sagot ni Ica sa ama. "Oh, eh, may kasalanan ka pala." Inakbayan ni Nathan ang anak at pinaupo sa sopa. "Intindihin mo na lang siya. Nag-aalala lang ng sobra ang mommy. You are the only one child we had. Alam mong namatayan na ang kami ng mommy mo ng isang anak. Na-trauma siya dahil doon kaya sobra siyang protective sayo." "Naiintindihan ko po si mommy. Pero sana intindihin din niya ang damdamin ko. May sarili po akong buhay. Gusto ko naman pong mabuhay at maging malaya katulad ng mga kaedad ko. Sana po naiintindihan din niyo po ako, dad." Hindi niya hawak ang sariling buhay niya. 'Di siya hinahayaang gawin ang lahat. Ang nangyari sa kapatid niyang namatay ay wala naman may kagustuhan. Siguro'y hanggang doon na lang ang buhay niya. Walang may kasalanan ng mga nangyari kung bakit ito namatay. Sana'y mapayagan na siya ng kanyang mga magulang na ilabas ang totoong siya. "NIRVANA, may masama akong balita na sasabihin sayo. Ipapasara ko na ang negosyo kong ito. Alam mo naman na mag-isa na lang ako dito sa Pilipinas. Gusto na akong ipetisyon ng parents ko sa America. Pero makakaasa ka naman na ibibigay ko sayo ang compensation mo, buong buo," sabi ni Ingrid. Parang nanlamig si Nirvana. Mapapaaga ata ang pag-uwi niya sa Wawa sa oras na mawalan siya ng trabaho. "Kailan niyo naman po balak umalis?" "After three months. May mga papeles pa akong aayusin dito. Pati na ang pagbebenta ng property na 'to," sagot ni Ingrid. Napamahal na rin kay Nirvana ang trabaho niya bilang assistant ng matandang dalaga na si Ingrid. Dito siya natuto at nagmahal ng mga hayup na kanilang inaalagaan. "Anong plano mo?" dagdag na tanong ni Ingrid. Napailing si Nirvana. "Hindi ko pa po alam ang plano ko. Matagal na rin akong pinapauwi nina mama at papa sa Wawa. May trabaho rin pong maghihintay sa akin doon, sa Avalon Farm." "Maganda 'yon, hijo. At least, kasama mo ang pamilya mo. Siguro kaya ka nalulungkot, may maiiwan ka dito sa Manila. Ano?" Panunukso ni Ingrid sa kanyang pinakamatagal na tauhan. Mabait na bata itong si Nirvana. Kahit na mababa lang ang kanyang pasahod ay naging matapat niya itong katuwang sa clinic. "May girlfriend na po ako," sabi ni Nirvana na may ngiting sumilay sa kanyang mukha. "Oh, 'di, isama mo sa inyo. Kung mahal mo pakasalan mo. 'Wag ka nang gumaya sa akin na nalipasan na ng panahon. Ito, nagsisisi dahil hindi ko pinili ang lalaking mahal ko. Pero masaya naman ako na mag-isa lamang sa buhay. Andiyan ang mga kapatid ko at buhay pa naman ang mga magulang ko." "Parang hindi pa po puwede. Nag-aaral pa po siya at medyo bata po ng sampung taon sa akin," napapakamot na amin ni Nirvana. Natawa si Ingrid. "Wala namang problema doon. Kaya mo nang bumuhay ng pamilya. Marunong ka sa buhay at alam ko na magiging responsable kang asawa at ama." "Naku, Doc. Ingrid, sobra naman po ang papuri niyo sa akin." "Oh, bakit? Totoo naman, ah. Parang ikaw lamang ang lalaking kilala ko na walang bisyo, hindi babaero at magalang. Aba'y maswerte ang girlfriend mo sayo, Nirvana." "Maswerte rin po ako sa kanya," tugon niya na ngumiti nang maalala si Ica. Maswerte siya dahil tinanggap siya ng dalaga. Kahit na nakuha niya sa pilit ito, masaya siyang natagpuan niya si Ica sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Paano niya kaya sasabihin kay Ica na uuwi na siya sa kanila? Kung ayain niya kaya ng kasal ang nobya, papayag kaya ito? Habang si Ica ay kanina pa palakad lakad, pabalik balik. Hindi siya mapakali. 'Di niya malaman kung itutuloy niya ang kanyang plano. Napabuntong hininga siya. Napatingin sa hawak na phone, ibinigay sa kanya ni Diamond. Mabuti na lamang ay hindi niya memoryado niya ang phone number ni Nirvana. Nag-aalalangan siya kung tatawagan ba niya ito para makipagkita. Tatakas siya at pupuntahan ang nobyo niya sa boarding house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD