MATAPOS silang kumain, nagkuwentuhan sina Ica at Nirvana. Sa sobrang tuwa ng dalaga ay napahawak siya sa hita ni Nirvana. Parang naging sobrang palagay ang loob ng binata at naramdaman iyon ni Ica. Hindi rin naman mahirap pakisamahan ang dalaga. Wala itong arte sa katawan.
Napatingin si Ica sa kanyang wristwatch. Oras na para maghiwalat sila ni Nirvana.
"Babe, aalis na ako. Magkita na lang tayo ulit," biglang paalam niya. Natigilan si Nirvana.
Parang ang bilis naman ng oras. 'Di niya namalayan na tatlong oras lamang silang magkakasama ni Ica. Sobrang iksi nito at kulang na kulang ang oras nila.
Masuyong hinawakan niya ang panga ni Ica. "Ma-miss na naman kita. Ngayon palang, I'm looking forward sa araw na magkikita tayong muli. Naiintindihan ko na 'di tayo lagi magkikita. You have your own privacy, babe. But I'm always here for you. Happy weeksary pala. I have a gift for you."
'Di nakapagsalita si Ica. Isang maliit na box ang ibinigay ni Nirvana sa kanya. "Ano 'to?"
"Open it. Binili ko talaga 'yan para sayo," nakangiting sagot ni Nirvana.
"Nag-abala ka pa. Puwede namang wala ng regalo." Nawika ni Ica habang binubukssn ang box. Nanlaki ang kanyang mata at napabaling ng tingin sa binata. "Oh, God! Nag-abala ka pa talagang bilhin ang bracelet para sa akin. Ang mahal nito." Mangiyak ngiyal na kinuha iyon ni Ica.
Ang bracelet ay may mga hugos puso na parang nakasabig at may maliliit na bato.
"For you nga. It's a gift for my one and only." Kinuha ni Nirvana ang bracelet mula sa kamay ni Ica at isinuot niya iyon sa palapulsuhan ng dalaga. "It's perfect. Ingatan mo, ha."
Sa sobrang tuwa ni Ica ay bigla niyang niyakap si Nirvana. Hindi nakagalaw ang binata at sa huli ay niyakap niya nang mahigpit ang nobya. Nang bumitaw sila sa isa't isa ay siniil ng banayad na halik ni Nirvana sa labi si Ica.
Her body froze. 'Di kaagad nakaganti si Ica. Halata naman na hindi siya marunong humalik. Mahilig siya mag-bar. Pero hindi siya nakikipaglandian sa iba't ibang lalaki.
"Sundan mo lang ang gagawin ko, babe," sabi ni Nirvana nang tumigil ito sa paghalik kay Ica. Pinagdikit nila ang kanilang noo.
Muling siniil ng halik ng binata sa labi si Ica. Habang abala ang kanilang mga labi, naglulumikot ang kamay ni Nirvana sa katawan ng dalaga, bawat dampi’y tila may sariling isip. Dumapo ang kanyang kamay sa beywang nito, padausdos pababa sa pigi ni Ica, pinipisil pisil na para bang pinaparamdam dito ang pag-aari.
Bumaba ang halik niya sa leeg ng nobya, bawat pagdampi ng labi’y nag-iiwan ng mainit na bakas. Sinimsim ang mabangong amoy ni Ica, puno ng pananabik na para bang ayaw niyang kalimutan ang bawat sandali. Panaka naka'y kinagat kagat niya ang leeg nito, marahang sinisipsip ang malambot na balat. 'Di na makontrol ni Nirvana ang sarili, lalo na’t naririnig niya ang munting ungol ng dalaga. Nag-uumapoy sa init ng pagnanasa ang kanyang katawan, tila nagbabagang damdamin niya para sa kanyanng nobya.
"N-Nirvana," ungol ni Ica nang mas bumaba ang mga halik ng nobyo niya. Nanghihina ang kanyang panlaban sa init na hatid ng katawan.
Itinaas ni Nirvana ang top ni Ica, habang malalim ang paghinga at tinititigan ang kabuuan ng mga dibdib ng nobya. Maingat niyang inihiga ang dalaga sa mahabang upuan. Hindi niya napigilan na isubsob ang mukha sa pagitan ng malalambot at tayong tayong dibdib ni Ica, hinahalikan ang bawat isa habang nilalaro ang isang dibdib. Napaliyad ang katawan ng dalaga, dala ng matinding sensasyon mula sa ginagawa ni Nirvana.
"B-Babe, s-stop," nahihirapang saway ni Ica kay Nirvana. Parang walang narinig ang binata at patuloy na sinusupsop ang kanyang ut*ng. Napakagat-labi siya nang gumapang ang isang kamay ng binata papunta sa kanyang hiyas.
Napahawak na siya sa ulo ni Nirvana. Idinin pa niya ito sa kanyang dibdib.
"Ohhh...." tila nauubusan ng hanging anas ni Ica. Sinasalat ni Nirvana ang kanyang birheng lagusan. Gusto niyang pigilan ang nobyo pero tinatalo siya ang isip ng kanyang katawan.
"Umm... I-Ica..." nagdedeliryong ungol ni Nirvana sa pangalan ng nobya. Ipinasok niya nang dahan dahan ang isang daliri sa loob ng dalaga. Makipot ang daan at medyo nahirapan siya. Tanda ang pagkabirhen ni Ica.
Napatigil siya sa paglalaro sa dibdib ni Ica at napaangat ang tingin sa mukha nito. Habang marahan niyang ipinapasok ang gitnang daliri sa hiyas ng dalaga. Napanganga ng malaki si Ica nang maisagad niya ang daliri sa loob. Nagsimula siyang maglabas pasok ng daliri kaya kaagad itong namasa. Nakapikit ang mga mata ng nobya niya habang nakatitig siya dito.
"Oh, f*ck! A-Ahhh... A-Ahhh..." ungol ni Ica nang mas bilisan ni Nirvana ang paglabas pasok ng daliri sa kanyang pagkab*b*e.
Titig na titig oa rin si Nirvana sa mukha ni Ica. Malalim ang paghinga nito habang binibilisan niya ang paggalaw ng daliri.
Mayamaya'y nanginig ang mga hita ni Ica at napahawak ito sa kanyang balikat. Ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata habang siya'y tila narating ang glorya. Inalis ni Nirvana ang daliri sa pagkab*b*e ni Ica. Tinungo niya ang mukha ng dalaga at siniil ng maalab na halik sa labi. Nagtagal iyon ng ilang minuto, kapwa sila hinihingal nang maghiwalay.
Walang imik na inayos ni Ica ang kanyang damit. Namumula pa ang kanyang mukha at 'fi makatingin ng diretso sa mga mata ni Nirvana.
"Tahimik ka. I'm sorry kung may nagawa akong mali."
Mabilis na umiling si Ica. "W-Wala kang ginawang mali. Kasalanan ko, ang bilis komg bumigay. At nahihiya ako para doon."
Hinawakan ni Nirvanan ang mga kamay ni Ica at dinala sa kanyang labi para halikan. "Alam kong wala ka pang karanasan at hindi ka dapat mahiya dahil sa ginawa natin. Anuman ang mangyari, Ica, pananagutan kita. 'Di ako mawawala sa tabi mo."
Nangilid ang mga luha ni Ica sa kanyang mata. "Totoo ba 'yan? Nirvana, ikaw ang first ko. At kahit na isang linggo palang nating nakikilala ang isa't isa, pakiramdam ko ikaw ang pinakamahalagang parte ng buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan. Ayoko munang pangalanan ang nararamdaman ko sa ngayon. Pero may tamang panahon naman para doon."
"Totoo ang lahat ng sinasabi ko, Ica. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Ikaw lang ang tamang babae para sa akin."
Dumiretso ng uwi si Ica pagkatapos ng date nila ni Nirvana. Medyo tumagal pa silang dalawa dahil sa kanilang pag-uusap. Gumugulo na ang sitwasyon nila. Nababagabag siya na baka mas lumalim ang nararamdaman niya para sa binata. At lumagpas siya sa kanyang limitasyon.
"You're late, Lyrica. Saan ka na naman galing?" tanong ng mommy niya na nabugaran niyang nasa sala at mukhang hinihintay niya.
"Mom, alam niyo po kung sino sino lang ang palagi kong kasama araw araw. Sina Lacey at Diamond lang po. Paminsan minsan gusto ko naman pong maglibang." Walang gana niyang sagot. Bawat kilos niya ay binabantayan ng ina. Hawak na nga siya nito sa leeg pati na ang pagsama niya sa kanyang mga kaibigan ay pupunahin pa nito.
"Sumasagot ka na sa akin ng ganyan, hija. Tandaan mong ako pa rin ang iyong ina. At dapat kung ano ang rules ang ibinigay ko sayo ay iyong susundin. Ayokong matulad ka sa maraming kabataan sa labas na maagang nabubuntis at nagsisipag-asawa. Mataas ang pangarap namin is daddy mo para sa iyo. Nag-iisa ka naming anak kaya iniingatan ka namin."
Palagi na lamsng niyang naririnig ang mga rason na 'yon ng ina. Kaya siya nakapang-manang na damit. Iniiwas nila siya sa mga lalaki. Wala ba siyang sariling isip? Minamanduhan na nila ang bawat kilos niya. Para siyang de susi na manika.
"Ayoko pong makipagtalo ngayon sa inyo. Can you let me in peace, mom?"
Napaamang si Lena sa tinuran ng anak. Bigla siyang tinalikuran nito at akmang aalis sa kanyang harapan.
"Kinakausap pa kita, Lyrica. 'Wag kang bastos! Iyan ba ang napupulot mo sa pakikipagkaibigan mo sa mga pakawalang kaibigan mo? Hindi porke pinapayagan kita ay gagawin mo na ang lahat. Baka gusto mong pati sina Lacey at Diamond ay hindi mo na makasama," may pagbabanta ang tono ng boses ni Lena. Pansin niyanv nagiging bastos na ang nag-iisang anak. Nagiging suwail na din ito na sinusunod ang sariling kagustuhan.
"I'm sorry po. Kung nagiging rude ako. Pero hindi naman na po tama na lahat na lamang ay pakikialaman niyo. Bigyan niyo naman po ako ng kaunting laya. Ayoko pong magsuot ng ganitong old fashion na mga damit! Ayokong nasa bahay lamang ako at gumagawa ng homework ko. Let me be me, mom. Please." Pakiusap ni Ica sa ina.
Mariing napatiim si Lena. "Aning karapatan mo na pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lang kita, Lyrica! Hangga't dala mo ang apelyidong Avalon, susunod ka sa amin ng daddy mo! Umakyat ka na at mgbihis. You're grounded for one month. After school, diretso ng uwi dito sa bahay. No phone, no gadget, no television at hindi ka rin puwedeng makipagkita sa mga kaibigan mo. Give me your phone!"
Nagulantang si Ica sa narinig. Grounded? She's 18 hanggang ngayon ba ganito pa rin ang palaging parusa sa kanya kapag nagkakamali?
"Mom..." labag sa loob na ibinigay niya ang kanyang phone sa ina.
"Lyrica Avalon! Ayoko nang maririnig amg lahat ng sasabihin mo. Ako ang masusunod sa bahay na 'to! Go to your room at 'wag kang lalabas Hangga't hindi ko sinasabi!" Mariing utos ni Lena.
Napatakbo si Ica paakyat ng hagdan. Umiiyak na tumungo sa kanyang kuwarto.
Nang makapasok sa loob ng kuwarto ay padapa siyang umiiyak.
"Sobra naman si mommy. Naiinis ako sa kanya sa ginagawa niya sa akin na parang tau tauhan lang!" Hinanakit niyang sabi sa isip.
Paano na ngayon? Hindi niya makakausap si Nirvana o kaya'y maite-text. Pati ang mga kaibigan niya ay pinagbawalan na rin siyang makipagkita. Ano ang gagawin niya sa apat na sulok ng kuwarto niya?