Chapter 7: SA PUSO KO MASAYA AKO

1511 Words
BIHIS na bihis si Nirvana. First date nila ni Ica at magkikita sila sa isang restaurant. Tinignan niya ang laman ng pitaka niya, checking his cash. Kailangan na may baon. First date nila ng girlfriend niya kaya dapat siya ang magbabayad. May ipon naman na siya sa ilang taon niyang paghahanap buhay bilang assistant doctor. "Wow! Pusturang pustura, ah. Plantsado ang suot pati buhok. Mukhang may date kayo ni Miss Cute, ano?" Nagugulat na saad ni Gilbert nang makalabas ng kuwarto si Nirvana. Matamis na ngumiti si Nirvana. Ngiti ng parang nagbibinata. "Oo, eh. First date 'to. Kaya, I will make sure na magiging memorable ang araw na 'to para sa amin. Pero, kasama ang mga kaibigan niya." Napaismid si Gilbert. "May chaperon pala kayo. Istorbo sa date 'yan sila." "Hindi naman. Mas gusto ko pa nga dahil makikilala ko ang mga kaibigan niya at maihahanda ko ang sarili ko to meet her parents." Napaawang ng malaki ang bibig ni Gilbert. "Totohanan na ba 'yan? Sigurado ka na ba kay miss cute? Baka naman na amaze ka lang dahil siya ang first mo." "Siguro siya na. Bago pa lang kami, so let's see what happens in the next few months. Ayoko ring mag-assume na kami na hanggang dulo at sa simbahan na kami by next year. Marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya, at ayoko siyang madaliin. Besides, she's only 18." "Pero, hindi ka na bumabata, Nirvana. Kung gusto mong magka-pamilya, secure your future at humanap ka na ng magiging asawa mo." Sumagi na rin sa isip niya ang pag-aasawa. Secure na ang future niya dahil may ipon na siya. Hindi niya kailangang magbigay kina Mama at Papa dahil kumikita naman sila sa pagtatrabaho sa Avalon Farm, at scholar naman si Irish, ang kapatid niya, sa Avalon. Pero parang sa panahon ngayon, ang hirap maghanap ng ideal na babae— yung babaeng papakasalan mo sa lahat ng simbahan o ihaharap mo sa dambana. But he's hoping na si Ica na nga iyon. She will be the first and the last woman he will love for the rest of his life. "I have my own money, Gilbert. May savings na ako at magiging asawa na lamang ang kulang. Kung si Ica na ang ihaharap ko sa dambana, then I will be happy. She's my first and the last woman for me." EXCITED si Ica na makita si Nirvana. Limang araw din silang hindi nagkita. Nangako ito na ipapasyal siya. Day off ng binata sa trabaho at may oras para magkasama silang dalawa. Kahit pa tatlong oras lang. Nag-ayos nang todo si Ica, kasama niya ang kanyang mga kaibigan para ipakilala si Nirvana. Siyempre, hindi mawawala ang baon niyang damit na nasa loob ng compartment ng kotse niya. Hindi rin mawala ang excitement kina Lacey at Diamond dahil finally ma-meet na nila ang boyfriend Ica. Nauna sila ng isang oras kay Nirvana dahil kailangan pa ni Ica na makapagpalit ng damit at makapaghanda na rin. Sana'y walang makakita sa kanya. Iba pa rin kasi kapag nasa bar siya, walang masyadong nakakakilala sa kanya doon. "Kinakabahan ka ba, Ica?" Untag ni Diamond, magkakatabi silang tatlo sa isang mahabang upuan. May private cubicle ang napili nilang restaurant. Siyempre para na rin sa kaligtasan niya at nang walang makakita sa kanya habang kasama si Nirvana. Lalo na ang kanyang kasuotan ay iba. "Hindi. Si Nirvana lang naman ang ime-meet ko. Kinakabahan ako na baka mahuli ako nina mommy at daddy. Or mayroon makakilala sa akin at isumbong ako. Doon ako kabado," sagot ni Ica sa kaibigan. "H'wag mong pakaisipin muna ang tungkol doon. Dapat unahin mo ang sarili mo. Di ba sinusunod mo sila sa lahat ng mga bagay na ayaw mo? Excited na akong makita ang mukha ng boyfriend mo, Ica. Gwapo ba siya, may hot pandesal ba?" Naipilig ni Ica ang ulo at ngumiti. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Marahan siyang tumango na parang nahihiya. Malawak na ngumiti sina Lacey at Diamond. "So, guwapo nga. Kaya magirap tumanggi, no?" Tudyo ni Lacey. "Hindi lang guwapo, daks pa." Nanlaki ang mga mata ng dalawa. "Totoo pati 'yon nakita mo?" Untag ni Diamond. Mabilis na tumango si Ica. Nahihiyang ipinilig ang ulo sa ibang direksyon at ngumiti. "Ang harot mo! Paano mo naman nakita 'yon?" Muling humarap si Ica sa mga kaibigan niya. "Secret. Basta nakita ko na. Mahaba at mataba, daks nga." Hindi naman mapakali sina Lacey at Diamond sa kinauupuan sa sobrang kilig. Mas lalo tuloy silang na-excite makilala ang boyfriend kuno ng kaibigan nila. Napahinto silang tatlo nang mag-ring ang phone ni Ica. Napatingin sina Lacey at Diamond sa phone ng kaibigan nila. "Siya na 'yan. Sagutin mo na, Ica," sabi ni Diamond. Sinagot nga ni Ica ang tawag ni Nirvana. "Hello..." "Babe, andito na ako. Nasaan kayo?" Sinenayasan ni Ica ang dalawa niyang kaibigan na andito na si Nirvana. Gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi ng dalawa. "Nasa loob na. Sabihin mo na lang ang name ng friend ko Diamond. I-guide ka nila papunta sa cubicle namin," sagot ni Ica. "Okay. Papunta na ako." Pinatay ni Nirvana ang tawag. "Good afternoon, sir. Any reservation?" Bungad na tanong ng waiter kay Nirvana. "Meron. Diamond ang name." "Ah, okay po. This way po, sir," sabi ng waiter at dinala na si Nirvana sa cubicle nila Ica. Mayamaya pa ay kumakatok ang waiter sa pinto ng cubicle. Pagkabukas ay bumungad sa kanya si Ica. Nginitian ni Nirvana ang nobya niya. Pagkaalis ng waiter ay pumasok sa loob ang binata. Napabaling ang tingin ni Nirvana sa dalawa pang babae sa loob. Ahad na tumayo naman sina Lacey at Diamond. "Hi. We are best friends of Ica. I'm Diamond," hindi na makahintay na pakilala ni Diamond sa sarili. "I'm Lacey," pakilala din ni Lacey. "Hello sa inyong dalawa. I'm Nirvana Dizon., boyfriend ni Ica," pakilala rin niya sa sarili at nakipagkamay sa dalawang babae. "We're happy to meet you, Nirvana," sabi ni Diamond pagkatapos makipagkamay sa binata. Ang lalawak ng ngiti nilang dalawa ni Lacey. Totoo ngang guwapo itong boylets ng kaibigan niya. "Aalis na rin sila, Nirvana," sabat ni Ica na makahulugang napatingin sa dalawang kaibigan. Nagulat naman sina Lacey at Diamond. Alanganing ngumiti si Lacey. "Ah, oo. Gusto ka lang namin makilala. Pero siyempre gusto naman namin na magkasarilinan kayong dalawa. Enjoy the company together. Ingatan mo ang friend namin, Nirvana," sabi niya na napatingin kay Diamond. Sinenyasan niya ito na aalis na sila. Nginitian lamang ni Diamond si Nirvana at nagmamadali na silang dalawa ni Lacey na lumabas ng cubicle. "Sigurado ba sila? Hindi ba muna sila kakain, babe? Puwede namang dumito muna ang mga kaibigan mo," mga tanong ni Nirvana nang mapabaling sa nobya. "Nakakain na sila kanina. Gusto ka lang nila talaga makilala. So, what do you want to eat?" sagot ni Ica na hinila ang binata na maupo. "Huh? Nakakahiya naman sa kanila. Ni hindi ko sila naalok na kumain. Babe, mga kaibigan mo naman sila. I don't mind kung kasama natin sila sa first date natin." Humanga si Ica sa kababaang loob ni Nirvana. Paunti unti ay nakikilala na niya ang binata, maging ang ugali nito. "It's okay. Don't worry too much. Isa pa date natin 'to. Puwede silang sumama sa atin sa susunod. We can go to the mall or sa beach na kasama sila." Masuyong hinawakan ni Nirvana ang isang kamay ni Ica. Dinala niya iyon sa kanyang labi at hinalikan. "Anything for my one and only. Kung sino ang mahalaga sayo ay mahalaga na rin sa akin. Kaya gusto ko na maging masaya rin sila kapag kasama ako," sinserong sambit ng binata. "Pinapakilig mo ako..." "Babe, I'm sweet as a sugar. Baka magka-diabetes ka sa sobrang sweet ko," tudyong biro ni Nirvana. Mahinang hinampas ni Ica sa balikat ang nobyo saka tumawa ng malakas. "Ikaw talaga masyado kang mapagbiro. Order ka na ng food mo." "Eh, ikaw? Hindi mo ba ako sasabayang kumain?" "Oorder din ako ng pagkain ko. Hinintay kaya kitang dumating." Sagot ni Ica. "Ako na ang oorder para sa ating dalawa," prisinta ni Nirvana. He pressed the red button near the door. Ilang segundo ay kumakatok na ang waiter sa pinto. Sinabi ni Nirvana ang order sa waiter. Pinakatitigan ni Ica ang binata. Napapangiti siya parang ang saya niya na nakasama niyang muli si Nirvana. Palagay na ang kanyang loob dito. Napaka-gentleman pa at sobrang bait. Mukhang 'di siya nagkamali 'nong tinanggap niya itong boyfriend niya kahit na walang ligawang naganap sa kanilang dal'wa. "May dumi ba ako sa mukha? Kanina ko pa napapansing nakatitig ka sa akin," sabi ni Nirvana na ikinabalik ng diwa ni Ica. "H-Huh? W-Wala..." Natawa si Nirvana sa reaksyon ng nobya. Inakbayan niya si Ica at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib. "I'm happy. Dahil kasama kita. Sana hindi ito ang huling magkakasama tayo." "Masaya din ako. 'Di ko pa alam ang nararamdaman ko para sayo pero sa puso ko masaya ako." Napaayos ng upo si Ica at tumitig sa mga mata ng binata. "Seryoso ako. Nararamdaman dito sa puso ko at ayokong mawala ang sayang 'yon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD