"HALA ka, Ica! Galit na galit kaya ang mommy at daddy mo sa amin. Nang malaman nilang wala ka pala sa kuwarto mo. Grabe ka! Ipinahamak mo pa talaga kami ni Lacey," iritado si Diamond sa ginawang pag-iwan ni Ica sa kanila sa bar.
"Sorry na. May nangyari lang kasi at hindi ko kayo iniwan. Nakatulog kayo sa lamesa at may tatlong lalaki ang pilit akong isinasama sa kanila. Pero nalusutan ko naman na iyon kay mommy. Kaya wala nang problema." Sagot ni Ica na kuwento sa dalawang kaibigan.
"Ha? Totoo ba 'yon, Ica?" Untag ni Lacey at napatingin kay Diamond. Tsaka muling napaharap sa kaibigan nila.
"Totoo nga. May nagligtas sa akin at boyfriend ko na siya ngayon." Namumungay ang mga mata ni Ica na muling sagot kay Diamond. 'Di pa nga lang siya tinatawagan ni Nirvana ngayon. Nag-iwan siya ng phone number niya bago lumabas ng kuwarto ng binata.
Napaawang ng malaki ang bibig nila Lacey at Diamond.
"May boyfriend ka na! Kailan pa?!" Sabay sabay na tanong nina Lacey at Diamond.
Napalakas ang sabi ng dalawang kaibigan niya at napatingin sa paligid. Natuon ang tingin ng mga tao sa loob ng coffee shop.
Mas inilapit ni Ica ang mukha sa dalawa at sinenyasan sina Lacey at Diamond na lumapit din sa kanya. "Hinaan niyo nga ang mga boses niyo. Baka may makarinig, pagtatawanan lang nila ako." Napaayos siya ng upo at uminom ng kanyang paboritong coffee latte.
Napatikhim si Diamond. Para kasing may nakaharang sa kanyang lalamunan. First time nilang marinig ni Lacey na mayroon nang boyfriend ang manang nilang kaibigan. Kahit sa university ay walang nagtatangkang manligaw dahil sa taste sa pananamit.
"We're friends, best of friends pa nga. Wala ka namang ibang kaibigan bukod sa amin, Ica. Pero, anak ng pusa naman! 'Wag mo kaming i-prank," wika ni Diamond
Sunod sunod naman na tumango si Lacey na sumasang-ayon sa sinabi ni Diamond.
Kumibot ang labi ni Ica. Marahas siyang napabuntong hininga. Maganda ang araw niya at hindi niya gustong masira iyon.
"So, ayaw ninyong maniwala na may boyfriend na ako? Parang gusto ninyong ipahiwatig na nagsisinungaling ako. Mukha ba akong sinungaling?"
Lacey and Diamond crossed their arms and nodded, their expressions skeptical.
Napahawak si Ica sa kanyang ulo at napayuko. Yeah, ilang beses na rin siyang nagsinungaling. Pero, ngayon nagsasabi siya ng totoo.
Biglang napaangat ang ulo ni Ica, furrowing her brows as she stared at her friends. "Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko? This time, nagsasabi ako ng totoo. Iniligtas niya ako sa tatlong manyakis na mga lalaking 'yon. Pagkatapos, nagpustahan sila at nanalo si Nirvana. Girlfriend na niya ako at boyfriend ko na siya."
Nagkatinognan muli sina Lacey at Diamond. Hindi talagan convincing na may boyfriend na nga si Ica. Nerdy siya sa university at sa harap ng mga taong nakakakilala sa kanya. Pero diyosa siya sa tuwing lumalabas sila sa gabi at pumupunta sa bar. Walang nakakaalam na ginagawa ni Ica ang pagpapanggap kundi sila lamang dalawa ni Lacey at Diamond.
Hinawakan ni Lacey ang mga kamay ni Ica na nakapatong sa lamesa. "Friend, alam ko na desperado ka nang magkaroon ng boyfriend. Pero hindi mo kailangan gumawa ng kuwento para palabasing may boyfriend ka na. Kung ipagpapatuloy mo ang pagiging diyosa hanggang sa university, tiyak marami ang magkakandarapa sa'yo."
Napaamang si Ica. Hindi makapaniwala na iniisip ng mga kaibigan niya na gawa gawa lang niya ang tungkol sa boyfriend niya.
"Kung gusto mo irereto kita sa friend ng boyfriend ko. Or puwede kang makipag-blind date," segunda naman ni Diamond.
Napabuga ng hangin si Ica. Ipagpipilitan pa ba niya na may boyfriend na nga siya? Wala rin siyang maipakitang pruweba na totoo ang lahat ng sinasabi niya.
"Look, kung ayaw ninyong maniwala sa akin. Eh, 'di h'wag kayong maniwala." Napagod na rin si Ica na ipaliwanag ang mga nangyari kagabi. Hinayaan na lamang niya kung ano ang gusto nilang paniwalaan. "Basta ipinaalam ko sa inyo na may boyfriend na ako. Ayokong maglihim sa inyong dalawa at kayo lamang ang kaibigan ko sa buong buhay ko."
Seryosong napatitig sina Lacey at Diamond. "We're sorry, Ica," apologetic na sabi ni Diamond. "Hindi lang talaga kami makapaniwala ni Lacey ba may boyfriend ka na. At pumayag ka sa deal na 'yon, ha. Parang ang OA naman ata nun sa bilis. Sa isang iglap may boyfriend ka na."
Nalukot ang mukha ni Ica. Hindi na nga naniniwala ang mga kaibigan niya, wala ring tiwala ang mga ito sa kanya.
"Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo. Parang hinuhusgahan niyo na rin ako kagaya ng iba d'yan. Sabi niyo, we're friends. Bakit ganyan kayo magsalita? Masyado na ba akong pangit para hindi magustuhan? Nakakasama naman kayo ng loob." Impit na umiyak si Ica. Natutop niya ang mukha at itinago ang pag-iyak.
"Sorry talaga kung na-offend ka namin. You're pretty pero itinatago mo sa ganyang klaseng damit," sabi ni Lacey na hinawakan pa ang blouse ni Ica.
"Alam niyo naman na hindi ako ang may gusto nito. Si mom ang may gustong ganito ang suotin ko in public. 'Di ko sila masuway dahil magulang ko pa rin sila."
Ano bang laban niya para suwayin niya ang mommy at daddy niya? Hawak na siya sa leeg ng mga ito. Pati ang kanyang pananmit ang idinidikta nila. Hindi rin siya puwedeng mag-boyfriend sa ngayon. Sila ang magsasabi kung kailan at anong edad siya puwedeng magkaroon ng boyfriend.
Ang unfair. Dahil hindi niya magawa ang lahat ng gusto niya. Walang laya sa sarili niyang mundo.
Nqpatigil si Ica nang mag-ring ang kanyang phone sa loob ng bag niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.
"Hello. Sino 'to?" Bungad niyang tanong sa kabilang linya. Unregistered number ang tumatawag sa kanya.
"I-Ica, si Nirvana 'to. I'm just checking on you. Tinitingnan ko lang kung tama yung binigay mong number. Alam mo na..."
Hindi nakapagsalita si Ica. Napabaling siya ng tingin sa kanyang mga kaibigan. Nang makahuma siya ay sinenyasan niya sina Lacey at Diamond.
"Ang boyfriend ko," mahinang bulong niya na nilayo ng kaunti ang phone.
Nagkatinginan sina Lacey at Diamond at mabilis na lumipat sa tabi ni Ica. Sinenyasan siya ng mga kaibigan na kausapin ang nasa kabilang linya.
Napatikhim si Ica, pinapakalma ang sarili. 'Di niya maintindihan kung bakit ang bilis ng t***k ng puso niya—parang kinikilig siya. Gusto niyang sumigaw dahil sa nag-uumapaw na saya. Kanina pa niya hinihintay ang tawag ni Nirvana.
Paksh*t! In love ba siya? Kung nagmamahal na nga siya, sana'y totoo na.
"B-Babe, andyan ka pa ba?" untag ni Nirvana. Nanahimik kasi si Ica.
Napaismid naman sina Lacey at Diamond, parang may pang-uuyam ang tingin kay Ica.
"Oo, b-babe," sagot ni Ica na medyo nauutal.
"Kumain ka na ba? Hindi ba galit sa'yo ang parents mo, hapon ka na nakauwi sa inyo?"
"Hindi naman. Nagtaka lang sila na hindi ako agad umuwi. Pero okay lang, walang problema sa kanila," tugon ni Ica.
"Gusto ko sanang sunduin ka after school. Puwede ba? Let's have a date tomorrow. You can bring your friends, if you want." Wika ni Nirvana sa kabilang linya.
Hindi malaman ni Ica ang itutugon sa sinabi ni Nirvana. Sasabihin niya kung saang university siya tapos makikita nito ang suot niya. Ibang iba siya sa unang pagkakakilala ng binata sa kanya.
"Go! Makipag-date ka," mahinang sabi ni Diamond. Inuudyukan niyang makipag-date si Ica para maranasan kung paano makipag-date sa boyfriend. Mabilis na umiling si Ica. Napatampal naman si Diamond sa kanyang sariling noo.
"H-Hindi puwede. N-Naalala ko may gagawin pala ako bukas. Tsaka, kasama kong aalis ang parents ko tomorrow." 'Di niya pagpayag na makipagkita kay Nirvana. Kahit na sa loob niya ay gustong gusto niyang makasama ang binata.
"Ganoon ba? Maybe some other time. Marami pa namang chance na makapag-date tayo. Just keep in touch. I’ll text you, babe," sabi ni Nirvana, pero halata ni Ica ang pagbaba ng tono ng boses niya.
Gustuhin man ni Ica na makipagkita kay Nirvana, 'di talaga puwede. Ayaw niya ring may makakita sa kanila at makarating sa parents niya na may lalaki siyang kasama. Malaking gulo ang mangyayari kung magkagayon.
"Yeah. Marami pa naman tayong ibang pagkakataon para mag-date," saad niya na may lamlam ang boses.
She misses Nirvana. Agad agad, namiss niya ito. Samantalang magkasama pa sila kaninang umaga.
"Mag-iingat ka at kumain on time, babe. I’ll text you after work. Take care," bilin ni Nirvana.
"Thank you. You too, mag-iingat ka. I’ll wait for your text," sabi ni Ica na tila kinikilig. Napakislot siya nang maramdaman ang mahinang kurot ni Lacey sa tagiliran niya.
Nang matapos ang usapan nila Ica at Nirvana, nagpapalit palit siya ng tingin sa dalawang kaibigan. Tumaas ang dalawang kilay niya, hinihintay na may sabihin ang mga ito.
"Anak ng pusang gala! Congratulations! You’re not single anymore. We’re happy for you, Ica. Sobrang masaya kami ni Lacey. I hope na 'di ka sasaktan ng Nirvana na 'yan. First heartbreak is the most painful," sabi ni Diamond.
"Totoo 'yan, Ica. Nagpapaalala lang kami ni Diamond. Sobrang hirap ma-broken sa first love at first boyfriend, kaya guard your heart," segunda ni Lacey.