Ramon's Pov
"Nelson.." Simpleng bangit ni Jj ng pangalan niya. Ang sarap masuka sa nakikita namin ngayon.
"Oy dito tayo mangis-- WHAT THE EFF?!" Sigaw ni Rocena.
"Jules, pwede bang padala muna si Nicole sa rest house?" Sabi ko. Tumango naman siya at dinala si Nickie sa rest house. Trying hard naman sila na hindi makita ni Nickie lahat kahit na nag pupumiglas siya.
Gusto niyo bang malaman ang nangyari? Tanggal ang kaliwang mata ni Nelson at tinahi ang kanyang bibig. May mga stabs din siya sa dibdib pero hindi halata katulad nang kay Arnold. Ang dami niyang scars at mga hiwa sa katawan. Ang mga dugo niya ay nagkalat sa puting buhangin.
"Ayusin niyo na yan." Sabi ni Mrs Grace. I looked at her with disbelief. How could she?
"Uuwi na tayo mamayang madaling araw. Mag ayos na kayo ng mga gamit niyo." Habol pa niya. Bakit ganun? Bakit parang hindi siya si Mrs Grace sa inaakto niya? She's different. She's... I don't know.
"Hindi natin siya dapat iniwan." Nagsisisi ang mga boses ni Rocena.
"Hindi dapat tayo pumayag." Sabi naman ni Mikay.
"It's not the right time para mag sisi. Kailangan na nating mag ayos para makauwi na tayo at matapos na ang lahat ng ito." Stress na sabi ni Vearnie.
"Hindi naman natin nasisiguro na sa pag uwi natin ay matatapos na nga ito." Sabi naman ni Adam. Sila yung mga walang pake sa buhay pero sa ngayon ay nakikita ko ang concern nila sa nangyayari. Kahit naman kasi wala kang pake ay mababahala ka talaga sa mga nangyayaring kababalaghan.
Marami parin akong tanong. Bakit? Paano? at Sino? Bakit nangyayari ito? Bakit kailangan may mamatay? Paano nila naaatim na pumatay? Paano nila natitiis ang ganito? Sino ang nasa likod ng lahat? Sino ang may kasalanan? Sino ang dapat sisihin?
**
Nandito na kami ngayon sa kwarto namin. Nag aayos ng mga gamit para sa pag uwi namin mamayang alas kwatro. Hindi ko alam kung matutulog pa ba ako. Natatakot ako na baka pag gising ko ay may mawawala nanaman saamin. Kung maaari ay gusto ko sanang may mag babantay sakanila hanggang sa pag uwi.
"Kahit anong pagbabantay ang gawin natin, hinding hindi natin mako-control ang future. Kung oras na nila, oras na nila." Biglang singit ni Jerobe sa tabi ko. Napabuntong hininga nalang ako. Bakit kailangan may mawala? Bakit kailangan naming mabawasan?
"Kamusta si Nickie, Jules?" Napatingin ako kay Jules nang sabihin ni Jj iyon.
"Nakatulog na sa kakaiyak. Naaawa na ako sa babaeng yun. Sinisisi niya sarili niya. Ang iresponsable niya daw." Sabi ni Jules. Isa nanamang malalim na buntong hininga ang nailabas ko. Bakit kailangan nila sisihin ang sarili nila? Nakakatulong ba iyon sa paghahanap ng tunay na may kasalanan?
"Hayaan niyo na muna siya." Sabi ni Mikay. Kakapasok niya lang din.
"Masyado nang stress si Kambal. Wag niyong hahayaan na ma-stress yun. Mahirap na baka bigla nalang siyang mag collapse eh." Sabi ni Jovelyn. Tapos ko nang ayusin ang lahat ng gamit ko. Inayos na din namin yung mga gamit ni Nelson, Arnold at Leah. Parang ang hirap tignan ng mga gamit nila.
Paano namin mapapaliwanag sa mga magulang nila ang nangyari? Tutulungan ba kami ni Mrs Grace? Paano kung..
"Wag na muna tayo may what ifs." Biglang sabat ni Rishielene.
"Hindi naman maiiwasan ang what ifs eh. Lalo na kung puro misteryoso ang nangyayari. Hindi mo talaga alam ang gagawin mo." Sabi ko naman.
"Oo, hindi natin alam ang gagawin natin pero wag naman sana nating kalimutan maging masaya. Simula nung dumating tayo dito sa fieldtrip na ito, hindi na tayo masaya. Hindi na siya fieldtrip. Hindi na retreat. Walang magandang nangyari satin. Pero hindi iyon rason para manlumo kayo dyan." pag ch-cheer up ni Emeliz. Bakit kahit anong pag ch-cheer up sakin, hindi ko magawang ngumiti man lang? Hindi ko magawang sumaya. O kahit fake smile?
"Sino ba naman kasing matinong tao ang magagawa pang tumawa sa panahon ngayon?" Inis na tanong ni Rishielene.
"Hindi ko naman kasi sinabi na kailangan niyong tumawa, ang sinabi ko lang wag niyong kalimutan maging masaya!" Bato naman sakanya ni Emeliz.
"Wag niyong sabihin na mag aaway pa kayo?" Saway ko sakanila. Badtrip naman kasi eh, nangyayari na nga ang lahat ng ito tapos nakukuha pang mag away! Parang mga tambay sa kanto.
"Nakuha niyo pa talagang magsagutan eh no?" Inis na sabi ni Rocena. Nag palitan naman ng irap silang dalawa.
**
Ilang oras na din ang lumipas. Hindi kami nag hiwa-hiwalay. Nandito lang kaming mag t-tropa sa kwarto nila Nicole. Dahil natutulog siya. Binabantayan namin siya.
"AAAAHHHHH!!!!!" Nakarinig kami ng sigaw sa kabilang kwarto kaya naman napatakbo kami doon.
"YRA!!!!!" May mga laslas si Yra sa pulso at puro mga gamot ang nasa kamay niya.
"What the Eff. Suicide?!" Sigaw ni Rishielene. Nilapitan niya si Yra. Hindi ko na napigilang umiyak.
Hindi ko na napigilang mapaisip nanaman. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko. Saan kami nagkulang? Bakit ganito ang nangyayari?
"Halika na Kids. Uuwi na tayo." Sabi ni Mrs Grace. Bumalik kami sa kwarto nila Nicole para kunin yung mga gamit.
"Don't wake her up. I'll carry her." Sabi ni Wayne. Binuhat niya na si Nickie. Kinuha ko na ang bag ni Nickie at bumaba na kami. Sumulyap muna ako sa kwarto nila Yra, Leah, Nelson at Arnold.
Sa isang linggo. Sa isang linggo.. Apat ang nawala. Sa simpleng fieltrip. Apat ang nabawian ng buhay. Sa simpleng retreat. apat ang pinagkaitan ng magandang kinabukasan.
Nang dahil sa Curse.. Maraming nadamay.
**
Nandito na kami ngayon sa bus. Katabi ko si Jj. Hindi ako makatulog. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Hindi ko kayang iwan sila. Ang hirap lang kasi eh. Yung tipo na alam mong may posibilidad na isang kurap mo lang, may mawawala na agad sainyo.
"Bakit hindi ka pa matulog?" Tanong ni Jj saakin. Umiling iling ako. Napabuntong hininga nanaman ako. Ngayong araw na to, ilang beses na ba akong bumuntong hininga?
"Hindi ako makatulog. Feeling ko anytime, may mawawala nanaman sa Mendel." Sabi ko sakanya nang hindi lumilingon.
"Sana kasi tinulungan niyo ako." Nanlaki ang mata ko dahil lumamig ang mga boses ni Jj at parang naging babae. Unti unti akong lumingon sakanya.
Si..
Si..
MONICA!!!!
"Hi." Ngumiti pa siya saakin.
"AAAHHH!!!!!!!!!"
"Hoy Ramon!" Napabangon ako dahil sa panaginip ko. Nandito kami ngayon sa may..
tapat ng school?
"Nandito na tayo?!" That long? Nakatulog ako ng almost 12 hours?
"Oo! Masyadong napasarap ang tulog mo. Tignan mo oh! Tinuluan mo pa ako ng laway mo!" Inis na sabi ni Jj. Napailing iling nalang ako.
Yung panaginip ko.
Si Monica..
Ako na ba ang susunod?
~~
A/n: Eto na talaga yung update. Dapat kagabi pa ito kaso lang talaga bwiset yung internet. Nung, ip-publish ko na sana, bigla naman nawalan ng net. Kaya ayern. Delayed nanaman.
I hope you like it. <3
Next chapter~
Ano na nga ba ang mangyayari sa pag uwi nila galing retreat?