IX

1065 Words
Jayve's Pov Dalawa na ang nawawala saamin. Hindi ko mapigilan na isipin ang mga bagay bagay na possible. katulad na lamang ng, totoo nga ba talaga si Monica? Kung hindi, bakit nangyayari ito saamin? I mean, kung hindi siya totoo sino ang nasa likod ng mga ito? "Hindi ko alam ha? Pero pakiramdam ko ay may kinalaman sila Nicole sa mga nangyayari. Alam niyo na, dinadahilan lang nila si Monica para mapagtakpan ang mga ginagawa nila." Sabi ni Micole. "Hindi eh, bakit naman ipapahamak ni Nicole ang sarili niya dun sa patalim na yon?" Tanong ko kay Micole. "Alam niyo, trust no one nga diba?" Sabi naman ni Micole. "Pero tama si Jayve, Micole. Hindi naman siguro baliw si Ate Nicole para ipahamak niya ang sarili niya dun sa patalim diba? Kahit ako, kung ako ang nasa likod ng lahat ng ito, hindi ko gagawin yun para lang mapaniwala kayo na totoo si Monica." Sabi naman ni Catherine. Mali eh. May iba talagang nangyayari sa Mendel na hindi ko maintindihan. At Alam ko, kailangan naming intindihin ang lahat ng ito. Kailangan naming malaman kung ano ba talaga ang totoo. "Oh guys, mag ayos na kayo para sa next activity na gagawin natin!" Sigaw ni Kuya Francis. Nag ayos naman kami kaagad. Sana lang, wala na munang mangyari ngayong araw na ito. ** "Okay ngayon naman ay, pupunta ulit tayo sa woods para mag activity. Kung anong grupo niyo kagabi ay yun din ang grupo niyo ngayon. Mags-spend tayo ng mag damag sa woods para malaman kung paano kayo makakasurvive doon. At dahil injured si Nelson. Dito lang muna siya sa cottage. Kasama ko." Sabi ni Mrs Grace.  "Oy basta sama sama lang tayo ah?" Sabi ni Micole. Magkakaiba kasi kami ng grupo dahil 3 lang naman ang myembro sa isang grupo. Kasama ko si Agile at Catherine samantalang kasama naman ni Micole si Yvonne at Virginia. pero ngayon, dahil survival test naman ang activity ay magsasama sama nalang kami kaysa naman maghiwa-hiwalay pa. "Oo, survival test lang naman pala eh. Okay na yung sama sama tayo." Sabi ni Agile. "Virginia, okay ka lang ba?" Tumango naman si Virginia. Para kasi siyang hindi mapakali kanina pa. "Sana naman, wala nang mangyari." Sabi ni Yvonne. "Bago po tayo pumunta ng woods ay mag dasal po muna tayo. Sa ngalan ng ama, anak, espirito, santo. Amen." Panimula ni Kuya Francis. "Panginoon, nawa'y gabayan niyo po kami sa aming survival test. Muli nanaman po kaming babalik sa gubat kung saan nangyari ang lahat ng kababalaghan kagabi. Nawa po sana'y ang araw na ito ay maging masaya at maging successful. Gabayan niyo po kami sa aming activity ngayon. Kailangan ka po namin sa aming test. Amen." Nag sign of the cross na kami at kanya kanya na ang punta sa Woods. "Walang magbibitaw ah?" Sabi ni Micole. Kumapit naman saakin si Catherine. "Be careful sa mga patalims guys." Paalala ko sakanila. Sabi ni Mrs Grace, kailangan ay malayo layo kami sa beach para naman malaman na survival talaga iyon kaya heto kami, naghahanap ng magandang lugar para sa survival test namin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may mangyayari nanamang hindi maganda saamin ngayon. Sana lang ay hindi ako mag dilang anghel. Ewan ko ba. Bakit naging ganito ka-mysteryoso ang buhay namin ngayon? Bakit naging ganito? Curse? Hindi ako naniniwala sa curse. Pero paano nalang kung totoo pala talaga ito? -- Jj's Pov Magkakasama nanaman kaming apat ngayon. Sana pala ay sinama na namin sila Emeliz para naman maayos ang lahat at sigurado na hindi kami magkakahiwalay. "Eto! Perfect place." Sabi ni Christine. Nag stop kami sa isang part ng woods na sobrang lawak pero lahat ng kakailanganin mo ay kumpleto na. May mga kawayan dito na pwede mong pag gawan ng apoy. Pwede ka rin maglatag ng tent dito. "Hanggang ano oras daw tayo dito?" Tanong ni Ramon. "Hindi ko alam. Siguro ay tatawagin nalang tayo." Sagot ko naman. "Bago tayo umalis, may binigay saakin si Mrs Grace. Hindi ko alam kung ano ito pero malalaman ko din daw balang araw." Sabi ni Nicole. Nilabas niya ang isang maliit na bagay na pag nalalaglag mo ay hindi mo na talaga makikita. Hindi joke lang. Hindi naman siya ganun kaliit pero maliit siya na triangle na may butas sa gitna. Alam niyo ba yung palabas na Coraline? Yung ginamit niya para makita yung mga mata ng ghosts. Alam niyo na? Parang ganun.  "Akin na." Kinuha ko sakanya iyon at sinubukan na tignan ang paligid sa butas. Hindi naman siya nag black and white. Baka mali lang ako ng isip. "Anong ginagawa mo?" Natatawang tanong ni Ramon. "Wala naman." Sagot ko. Pero ang totoo, ayoko lang talaga na malaman nila na nanonood ako ng movie na Coraline. Cartoons at pang babae kasi iyon. "Akala mo yung sa Coraline? Akala ko din eh." Sabi ni Nicole. Nanlaki ang mata ko dahil alam niya. "Isip bata ka talaga." Sabi ko sakanya. Nagtawanan naman kami. Sana ganito nalang palagi. Sana tatawa tawa ka nalang. Sana wala nang problema. Sana maging okay na ang lahat. ** Lumipas ang ilang oras. Itinayo namin ang tent na dala ni Ramon dahil pang anim na tao ang tent niya kaya sure akong kasya kami doon knowing na hindi naman kami masyadong malaki. Nilabas naman ni Nicole ang kanyang Electric fan na de-battery lang. Buti nalang at mga boy scout ang mga kasama ko at naisip nila na dalhin ito. Makakasurvive kami. "Gutom na ako." Reklamo ni Nicole. "Ako din." Sabi ni Christine. Nagsimula na kaming maghakot ng kawayan para sa gagawin naming apoy. Ilang minuto rin ang nakalipas at nakagawa kami ng apoy. Nakakaproud lang. "Anong pagkain natin?" Tanong ni Ramon. Oo nga ano, hinarang pala ang mga can goods na dapat dadalhin namin. "Baka naman pwedeng manghuli ng isda dun sa may Beach?" Nakangusong sabi ni Nicole. Sobrang pahirap naman ito. Lahat hindi pwede eh. Kahit nga yung kaldero para sa paghahain namin ay hinarang din. Mabuti nalang at hinayaan kami sa Tubig at sa bigas. "Tara tara!" Tumakbo kami pabalik ng beach... Pabalik sa Cottage.. "What the eff?" React ni Christine. "Don't look Nicole!!!" Tinakpan ni Ramon ang mata ni Nicole. Sabi ko na.. Sabi ko na hindi talaga dapat. Hindi tama.. "Nelson.." ~~ A/N: Update ulit tayo. Ibalik natin siya sa 70+ or above. Don't forget to vote and comment! Mwa :*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD