Nicole's Pov
Naglalakad lakad lang ako nang mapansin ko na wala na pala sila JJ sa likod ko. Hinayaan ko nalang dahil gusto ko rin naman na mapag isa kasi sobrang stress ako at kabuwanan ko pa ngayon kaya mas mabilis akong mainis.
Biglang humangin ng malakas kaya naman napayakap ako sa sarili ko at kinuha yung jacket ni Alex sa bag ko at sinuot ito. Hiniram ko ito sakanya bago ako umalis dahil expected ko na, na malamig ang simoy ng hangin dito.
"Aish.. Bakit naman kasi biglang humangin dito?" tanong ko sa sarili ko. Napalingon lingon ako sa paligid ko.
"Ikaw may kasalanan nito eh." Narinig kong sigaw ni Jj kaya naman napatingin ako sa banda kung saan ko iyon narinig.
Lumakad ako papunta doon. Dito kasi sa woods, puro puno talaga as in yung tipong wala ka talagang makikita kahit na malapit na ito sayo.
"Pwede ba? Wala nang sisihan." Narinig ko namang sigaw ni Christine. Papalapit na sana ako sa pwesto nila nang biglang..
"AAAHHHH!!!!!!!!!!" Napalingon ako sa sumigaw. Malapit lang siya dito kaya naman tumakbo na ako agad agad.
"What the eff?!" Sigaw ko dahil bumalik lang ako sa pwesto ko kanina. Alam kong pwesto ko ito kanina dahil meron ditong Apple tree.
"AAAAHHH!!!!!!!!" Sinundan ko ang boses ng tili hanggang sa marating ko ang isang bangin. Napatigil ako sa pagtakbo dahil mahuhulog ako dito kung pagpapatuloy ko. Napalingon lingon ako sa paligid ko. Napatigil ako ng lingon nang may naaninag ako sa isang lugar hindi kalayuan dito.
"M-Monica?" Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa lumabas rito. Bakit..
"Nickie.." Halos tumalon ang puso ko dahil sa malamig na kamay na humawak sa braso ko. Napatingin ako sakanya.
Si Ramon lang pala.
"TULOOONG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Napalingon kami dahil sumisigaw si Leah papunta saamin.
Kasooo..
"LEAHH!!!!!!!!!!!" Nahulog siya sa bangin.
"Sa pagkakaalam ko. 15 ft ang lalim ng bangin na yan. At sa pagkakaalam ko, pag nahulog ka dyan imposible nang mabuhay ka pa." Tumulo nanaman ang luha ko.
Dumating si Jules, Wayne at Adam. Sila ang magkakasama dahil sila ang mag kaka-grupo. Sandali, ngayon ko lang napansin. Bakit nga pala dalawa ang grupo na may apat na myembro? Hindi ba dapat.. isang grupo lang dahil wala na nga si Arnold kaya naman 34 nalang kami.
Napalingon ulit ako kung saan ko nakita ang babaeng nakauniform kanina. Nandun parin siya.. Pero may kasama siya.
Papalapit..
Nang papalapit..
"AAAHHH!!!!!!!!!!!"
--
Jules' Pov
"NICKIE!!!!!" Agad na nakuha ni Ramon ang kamay ni Nickie. Mabuti nalang dahil nakakapit siya sa isang kahoy doon sa may bangin.
"Hold on tight." Sabi ni Ramon sakanya.
"AAAHHH!!! RAMON MUMULTUHIN KITA PAG AKO BINITAWAN MO!!!" Humanap kami ng pwedeng makapitan ni Nickie para makaahon siya.
"MAMAMATAY MUNA AKO BAGO KITA BIBITAWAN!" Sigaw naman ni Ramon.
"HOY IBA NA YAN! WAG MUNA YAN! TULUNGAN NIYO MUNA SI NICKIE MAKA AHON!!!" Sigaw ni Wayne.
Nagtulungan kaming buhatin si Nickie at successfully naman namin siyang nai-ahon.
"Nawalan nanaman tayo ng classmate." Umiiyak na sabi ni Nickie. Nagsi datingan na din ang iba dahil na rin siguro narinig nila ang sigaw ni Leah.
"Leah's gone." Sabi ni JJ. Lahat sila nanlaki ang mata.
Siguro ganun talaga. Pag time mo na, time mo na.
**
Sabay sabay kaming bumalik ng cottage. Nakita namin si Mrs Grace na naghihintay doon. Nakangiti siyang nakatingin saamin.
"Oh? How was your Quest?" She asked. Tumingin kami sakanya.
"Leah's Gone, mrs Grace. Nahulog po siya sa isang bangin na 15 ft ang lalim." Hindi nagbago ang expresyon ng mukha ni Mrs Grace.
"Matulog na kayo at meron pa tayong activity bukas ng umaga." Sabi ni Mrs Grace at pinapasok na kami sa rest house. Why is that?
"Ano? Parang wala lang sakanya?" Gigil na tanong ni Mikay nang makapasok kami sa loob.
"Chill Mikay." Pag awat sakanya ni Micole.
"Hindi eh! May mali talaga eh! Ibang iba yung mga dapat mangyari sa mga nangyayari ngayon!" Pag lalaban ni Mikay.
"Ibang iba talaga!" Pag agree ni Rocena. Totoo iyon. Ibang iba ang mga nangyayari ngayon sa ine-expect naming mangyari.
Parang walang pakielamanan na. Parang ganon.
"Kamusta na nga pala si Mrs Eva?" Tanong kong bigla. Nandito kasi kami ngayon sa sala ng rest house dahil napag desisyunan namin na manood muna ng horror movie bago matulog.
Ang horror movie na pinapanood namin ay Alone. Sobrang nakakatakot siya dahil kwento siya ng kambal na magkadikit pero dahil sa pagmamahal ay nagdesisyon ang isa na maghiwalay silang dalawa. Kaso namatay yung kakambal niya sa operasyon kaya ngayon ay binabalikan siya ng kakambal niya.
"Nagising na siya. Ayun ang update saakin." Sabi naman ni Jj. Napatango tango naman ako.
"Paano natin ie-explain ito?" Tanong ni Yvonne saamin.
"Hindi ko din alam Yvonne. Pero sa ngayon, sana maging maayos na ang lahat sa huling araw natin dito. Sana maging maayos na ang lahat bukas at sana wala nang mapahamak." Sagot ni Jovelyn.
"Sana nga tapos na." Sabi naman ni Emeliz. Sana nga.. Sana nga matapos na. Hindi na kasi namin alam ang gagawin namin kung meron pang susunod. Hindi namin kakayanin kung maubos kaming lahat. Parang ang hirap tanggapin na dalawa na ang nawawala saamin.
"Maaayos din ang lahat. Tiwala lang." Pag chi-cheer ni JJ. kanina, Iyak ng iyak si Yra. Yra Imperial dahil syempre best friend niya si Leah. Pinatulog na namin ang iba at kami kami nalang ang nandito.
May mga bagay talaga na hindi mo inaakala na mangyayari pero mangyayari at mangyayari parin talaga. Kahit na sabihin mo na hindi ka pa handa, mangyayari parin kasi syempre everything comes unexpectedly. Sana lang... Eto na yung huli. Hindi lang para sa Mendel kundi para narin sa Wesher University. Baka kasi pag nalaman nila ang nangyari ay hindi nila makaya. Bakit ganun? Bakit kahit na hindi naman masyado naging malapit sayo ang isang tao, hindi mo parin maiwasang malungkot?
Ang lungkot lang kasi hindi pa namin naipakita ang pagmamahal namin sakanila bago sila kunin saamin. Ang lungkot lang kasi hindi na namin sila makakasama at makakatawanan. Ang lungkot lang kasi lahat ng bagay kailangan matapos.
**
Nagising kami ng maaga dahil pumunta kami sa may bakuran at nag tirik ng dalawang kandila. Nag alay kami ng dasal para kay Arnold at Leah. Nakakaawa sila. Wala naman silang kasalanan.
"Bago ako mahulog sa patalim. Nakita ko siya Jj.." Seryosong sabi ni Nickie saamin. Tumingin kami sakanya.
"Sino?" Tanong ko sakanya. Umiyak si Nickie.
"Nakita ko si Bella s***h Monica. Kasama niya si Leah.. Papalapit sila saatin!!! Pero nahulog ako dahil naramdaman kong may tumulak saakin. JJ!! Ako na yung sunod niya!" Niyakap namin si Nickie.
"Hindi kami papayag okay?" Ngumiti kami sakanya.
Hindi na dapat. Wala na dapat sumunod. Hindi man si Nickie, hindi parin dapat. Tama na ang dalawa. Tama na.
Hindi ako naniniwala sa Curse pero kailangan. Kailangan kong maniwala.
Kailangan naming lahat maniwala.
~~
A/n: Okay update tayo! Hi Ulit. Hindi ko alam, at wala akong pakielam xD Ang daming issue na nangyayari. Puro inggit nalang. Mendel nalang palagi may kasalanan. Buti nalang maganda ako xD Dejoke.
Hi Guys. Para ma-good mood naman kayo. Eto na yung Update mwa mwa :*