Vearnie's Pov
Napakilala na ba ako ng mga classmate ko? For sure hindi pa. Bitter kasi sila saakin eh. Ang gwapo ko kasi. Kamukha ko si Alden. De Joke lang.
Ako si Vearnie Evel Lei. Isa ako sa mga myembro ng Walang Pake sa Buhay also known as WPB. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga curse curse na ganyan at sa katunayan ay nakita ko din ang picture na sinasabi nila sa f*******: pero dahil nga hindi ako naniniwala dito ay hindi ko siya shinare.
"Vearnie! Naniniwala ka ba sa sinasabi nila?" Tanong ni Kyle. Kyle Agua.
Sa lahat ng grupo sa mendel. Kaming WPB lang talaga ang nagsama sama dahil most sakanila ay merong isang queen bee, isang selfie lord at isang RK sa tropa nila. Parang.. Hindi sila pare-pareho ng characteristics.
"Alam kong hindi totoo yun pero sige nalang. Wala rin naman akong pakielam eh." Bored na sabi ko.
"Oo nga, kung hindi lang dahil kay Mikay ay hindi naman talaga ako maniniwala." Sabi naman ni Adam Diaz.
Siya ang ka-MU ni Mikay. Nako! Almost Perfect couple na din ang dalawang yan. I swear! Kung titignan mo sila, parang sila yung couple na pinapangarap ng lahat, maging.
"Hoy ano ba kayo? Alam niyo naman na nandito si Vearnie tapos pinag uusapan niyo si Mikay!" Intriga ni Jerobe Manalastas.
Nagustuhan ko kasi dati si Mikay dahil.. Maganda naman talaga siya. Pero syempre bilang kaibigan ni Adam, binigay ko na. Mahal naman nila isa't isa eh at chaka nakita ko naman din ang babaeng para saakin eh.
"Wala na yun sakin! Wag na kayong gumawa ng issue! Tropa tayo dito oh!! At chaka may Samantha na ako." Hindi niyo na kailangan pang makilala si Samantha.
Dahil kahit anong mangyari, hindi siya magiging part ng istoryang ito. Try niyo nalang basahin yung Perfectly Imperfect ni Miss A. Nandun ang kwento ni Levi at Sammy. (A/n: Okay nag promote na ko hahahah xD)
"Oo nga naman! Kayo talaga puro kayo love eh!" Sabi ni Julius Alma. Minsan lang siya makisali sa usapan pero minsan may sense ang sinasabi niya. Isa kasi siyang love expert.
"WOW NAG SALITA!" Amaze na amaze na sigaw ni Harley. Harley Añosa. Siya naman ang hopeless Romantic sa tropa.
Oh siya sige na, ang istoryang ito ay horror/thriller/mystery at hindi Teen fiction!
"Wag niyo ngang inaaway yan si Julius!" Pagtatanggol ni Jerobe.
Aba nag baklaan pa silang dalawa dito. Nakakadiri!!
"Gaysh*t!!!" Sigaw ko at binato sila ng unan. Nandito nga pala kami sa kwarto namin, hindi kasi kami makatulog kaya heto kami, nag k-kwentuhan nalang.
"Oy pero seryoso, gusto kong maniwala sakanila." Sabi ni Julius. Lahat naman kami napatingin dahil kadalasan ay wala naman siyang pake. Kaya nga kami tinawag na WPB diba? Kasi kami yung madalas na walang pake.
"Bakit naman?" Tanong ni Kyle.
"Eh syempre, nakita mo naman kasi kung gaano sila umiyak diba? Si Nicole lang naman yata at Jovelyn ang hindi umiyak sakanila eh." Sabi ni Julius.
"Eh alam mo naman yung kambal na yun, iba sila." Sabat ni Jerobe.
Hindi naman talaga kambal si Jovelyn at Nicole. Nasabi lang na ganun nga dahil parehong pareho sila ng mga gusto at ayaw.
"Bakit Rob? Alien ba sila?" Natatawang tanong ni Adam. Nagtawanan naman kami.
"Ahe! Bhosxz Adam mapagmahal, ikaw lang sapat na." Sabi ni Kyle.
"KAJEJEHAN MO HA!" Siya naman ngayon ang binato ko ng unan.
"Sensei Vearnie! 3 points!" Sigaw naman ni Harley.
"Kung ayaw niyo matulog, magpatulog kayo oy!" Napatingin kami kay Micole. Naka taas ang isang kilay niya at halatang nagising dahil sa ingay namin.
"Sorry na labs!" Tumingin si Micole kay Jerobe with disgust.
"ARAY! MGA TINGINAN OH JEROBE! Kung ako sayo..--" Hindi na natuloy ni Adam ang sasabihin niya dahil sumingit na si Micole.
"ANO?! Sige ituloy mo nang maputol ko yang future niyo ni Mikay." Namutla naman si Adam sa sinabi ni Micole kaya nanahimik nalang siya.
"Bakit ba ang sungit sungit mo labs? Meron ka ba nung ano?" Tanong ni Jerobe at pinalapit si Micole para mayakap niya.
Okay? Sila nga kasi. Sila okay? SILA.
"Anong ano?" Nagtatakang tanong sakanya ni Micole.
"Yung ano yung ano ng mga babae na kailangan lagyan ng pantapal na may pakpak." Napatingin kaming lahat kay Jerobe.
What is he talking about?
"Anong ano ng mga babae? At Anong pantapal na may pakpak?" Inis na tanong ni Micole dahil wala siyang maintindihan sa pinag sasabi ni Micole.
"Yung pantapal na may pakpak pero pwede ding wala." Humiwalay si Micole kay Jerobe.
"Ewan ko sayo! Wala akong naiintindihan sa pinag sasabi mo!" Yun lang at lumabas na si Micole ng kwarto.
After how many minutes of silence.
"Anong pantapal na may pakpak?" sabay sabay naming tanong kay Jerobe.
"Napkin." Simple at cool na sabi niya.
NAPKIN? PANTAPAL NA MAY PAKPAK?
**
"WAKE UP SLEEPY HEADS!!!!!!!!!!!" Napabangon kami dahil sa lakas ng sigaw ni Mikay. Grabe, ang sakit sa tenga.
"Nasa kabilang bundok ba kausap mo?!" Naiirita na tanong ni Kyle.
"HOY KYLE SINISIGAWAN MO YAN?!" Sigaw ni Adam.
"OO BAKIT MASAMA?!" Sigaw pabalik ni Kyle.
"ANG AGA AGA SIGAWAN KAYO NG SIGAWAN!" Iritang sigaw ni Harley.
"EH BAKIT KA SUMISIGAW?!" Sabay na sigaw ni Adam at Kyle.
"Gusto niyo bang salampakan ko yang mga bunganga niyo ng pantapal ng may pakpak?" Pananakot ko sakanila pero imbis na matakot sila ay natawa pa sila.
"What's Pantapal na may pakpak?" Tanong ni Mikay. Nakalimutan namin na nandito pala siya.
"Secret! Boys only." Natatawang sabi ni Jerobe.
"Okay? Fine whatever. Just, go downstairs for breakfast. At mag s-start na daw tayong libutin ang beach! Yay!!!" Natawa ako sa ugali ni Mikay. Ganyan siya, isip bata pero pag dating sa mga bagay bagay, matured siya. Parang yung ugali niya ay naka base sa sitwasyon.
"Tara na bros!" Yaya ni Julius saamin kaya naman sumunod kami sakanya.
Nang makalabas kami sa kwarto ay nakita namin si Lorenz.
Dati siyang myembro ng WPB pero tumiwalag siya at mas pinili ang grupong nerdies. Simula nun ay hindi na namin siya kinausap.
Nilagpasan lang namin siya at nagpatuloy sa baba...
Nabigla kami sa nakita namin..
"MRS. EVA!!!!!!!!"
--