Nicole's Pov
"MRS EVA!!!!!!" Nakarinig kami ng sigaw mula sa baba kaya naman dali dali kaming tumakbo pababa.
"MRS EVA!!! Guys anong tinitingin tingin niyo dyan?! TUMAWAG KAYO NG TULONG!!!!" Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Naka higa si Mrs Eva sa lapag at may basag na baso sa tabi niya. Meron din siyang mga dugo sa kamay at sa katawan.
Nanghihina ako. Takot ako sa dugo.
"NICKIE!!!" Inalalayan ako ni Ellah pati ni Ishie. Mga best friends ko sila sa Section Aristotle.
"Girl! Wag kang tumingin." Pinilit ni Ishie na mawala ang concentration ko sa dugo. Pinatingin niya ako sakanya.
"Girl?" Lumapit din saakin si Christine.
"Inhale.. Exhale." Ginawa ko naman ang sinabi niya.
Pero nakakapag taka, sinong gumawa nito kay Mrs Eva?
**
Nakatingin kami ngayon kay Ma'am Sabarillo a.k.a Mrs Eva na sinasakay na sa Ambulance. Nasaan ba si Ma'am Legada a.k.a Mrs Grace?
"Sinong gumawa nito kay Mrs Eva?" Nagtatakang tanong ni Jovelyn. Tumingin ako sakanya.
"Naalala mo kahapon? Binanggit niya si Monica. Hindi kaya, may kinalaman siya sa nangyari kay Monica?" Tanong ni Jj.
"MONICA MONICA!! TUMIGIL NA NGA KAYO SA MONICA NA YAN! NA-AKSIDENTE NA SI MRS EVA PERO SI MONICA PARIN YANG INIISIP NIYO! HINDI TOTOO SI MONICA, OKAY?!" Nakatingin lang ako kay Micole habang sinisigaw niya ang mga bagay na iyon. Niyakap siya ni Jerobe.
Hindi sila naniniwala kay Monica...
"OO NGA! TUMIGIL NA KAYO SA KAHIBANGAN NIYO!" Sigaw naman ni Yvonne. Tumulo ang luha ko.
Siguro nga, nahihibang lang kami pare-pareho. Nang dahil sa isang panaginip. Nang dahil sa isang picture.. Napaniwala kami sa curse.
**
Hanggang ngayon ay hindi parin kami maka get over sa nangyari kay Mrs Eva at hanggang ngayon ay no where to be found parin si Mrs Grace.
Nagulat ako nang mag vibrate ang phone ko. Tumatawag yung kapatid-kapatidan ko na si Alex.
"Hello?" Sagot ko
(Wag kakalimutan kumain. Nakakita ka daw ng blood kanina? Yung gamot mo ate wag mong kakalimutan inumin. Alagaan mo naman ang sarili mo dyan ate.) Natawa naman ako sa inakto ng kapatid ko.
"Masyadong concern? Oo sige. Aalagaan ko sarili ko. Oh sha sige bye. Bawal ang phone dito eh." Natatawa kong sabi sakanya.
(Bye ate! Miss na kita. Mwa mwa mwa.) Binaba niya na ang phone
Napabuntong hininga ako. Hindi dapat nangyayari ito eh. Dapat masaya ang fieldtrip na ito eh.
"Dapat masaya tayo eh." Bulong ko pero narinig nila iyon dahil napatingin sila saakin.
"Pwede naman tayong sumaya kung gugustuhin niyo sumaya eh." Sabi ni Ellah.
"Parang love lang yan. Sasaya ka kung iiwanan mo yung mga bagay na nag papalungkot sayo." Sabi namin ni Trisha.
"Hayaan mo Nickie, wala nang maa-aksidenteng sunod. Okay?" Tumango ako.
"ARNOOOOOLLD!!!!!!!!!!" Napatingin kami sa rest house. Nandito kasi kami ngayon sa labas at tinitignan ang beach.
Napatakbo ako at sobrang kinakabahan.
Ano nanamang nangyari?
"What's happening?!" I asked. Hinarang ako ni Jj at Ramon.
"Don't look." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jj.
"WHY?! WHAT HAPPENED?!" Nagsimula nanamang kumarera ang mga luha sa mga mata ko.
"He's.... gone." Simpleng word pero napatingin ako kay Ronzion. Ronzion Nuñez.
"WHAT?!" Pinilit kong sumiksik sa gitna ni Jj at Ramon pero malakas sila kaya hindi ko rin nagawang pumalag. Napaupo ako sa sahig.
"Nickie.." Niyakap ako ni Christine.
"Nasan na ba si Mrs Grace?" Hanggang ngayon ay missing in action parin siya. Dapat nandito siya! Dapat alam niya ang nangyayari.
Dapat siya yung nandito eh.
--
Jj's Pov
Lumabas sandali ang tropa. Naiwanan si Arnold sa loob dahil ayaw niya daw sumama dahil maglalaro siya ng CoC. Kaya hinayaan na namin.
Nag ikot ikot lang kami sa beach dahil wala pa naman si Mrs Grace kaya wala pa yung mga activities na dapat ay gagawin namin.
Pagbalik namin ng rest house...
"ARNOOOOOLLD!!!!!!!!!!" Sigaw kaagad ni Rei. Rei Buhain.
Nakita namin si Arnold. Nakabukas ang mga mata niya at mga bibig niya. May gilit ang leeg niya at pulso.. Mayroon din siyang saksak na tatlo sa bandang dibdib kung saan naka locate ang puso niya.
Parang...
Kinuha ang puso.
"What's happening?!" Narinig kong sigaw ni Nickie kaya dali dali akong lumabas. Sumunod naman si Ramon saakin.
Hinarang namin siya. Malala ang Hemophobia niya. Kung makikita niya ang nangyari kay Arnold ay baka hindi niya kayanin.
"Don't look." Napakunot siya ng noo niya nang sinabi ko iyon. Maybe she's wondering why.
"WHY?! WHAT HAPPENED?!" Nagsimula na siyang umiyak. This is the scene that I hate the most. When a girl is crying.
"He's.... gone." napatingin siya kay Zion. She's really hurt. I can see it in her eyes. Well, who wouldn't be?
"WHAT?!" Pinilit niyang sumiksik sa gitna namin ni Ramon para makadaan siya pero nag matigas kami kaya in the end, sumuko rin siya at napaupo nalang sa sahig.
"Nickie.." Niyakap siya ni Christine.
"Nasan na ba si Mrs Grace?" She whispered. Hinanap ko siya kanina pero hindi ko rin makita si Mrs Grace. I don't know where to find her.
"Tama na Nickie." Pagtatahan ni Christine sakanya. Tumingin si Nickie sakanya.
"I should've known. Ikaw ang may kasalanan ng lahat." Galit at poot ang makikita sa mata ni Nickie.
"What?! WHY ME?!" Nagtatakang tanong ni Christine.
"BECAUSE YOU DIDN'T BELIEVE!!!! You promised Monica that you'll help her! Now what?! SHE'S AFTER US!!! BECAUSE SHE THOUGHT THAT WE WILL HELP HER! YOU PUT US ALL IN TROUBLE!!!" Tinanggal ni Nickie ang pagkakahawak sakanya ni Christine at tumakbo sa kwarto niya.
"Monica doesn't exist!!!" Sigaw naman ni Christine.
"Yeah.. Monica doesn't exist." I simply whispered.
She doesn't exist. Si Monica ay isang imagination lang na nabuo naming lahat. Isang imagination na pinaniwalaan ng karamihan dahil sa mga kababalaghang nangyayari sa Mendel.
Pero kung hindi totoo si Monica, sino ang pumapatay? Anong kasalanan namin sakanya at bakit galit na galit siya saamin? Kung hindi naman niya planong isa isahin kami, bakit si Mrs Eva ang sinunod niya? Hindi kaya may kinalaman din siya sa pagkawala ni Mrs Grace?
Dumating ang ambulance at dinala na sa morge si Arnold. Isa na ang nabawas sa Mendel. Isa na ang nawala. Kasama si Mrs Eva, dalawa na silang nakuha. Pero ano ang intensyon niya? Bakit niya ginagawa ito saamin?
Nasaan si Mrs Grace? Bakit bigla nalang siyang nawala? Bakit sunod sunod ang trahedya? Bakit nangyari ito ngayong fieldtrip pa? Bakit nagsimula ang lahat nang makita namin si Monica? Pero bakit parang wala naman siyang kinalaman dito?
Ang daming tanong. Tanong na kahit sino ay hindi kayang sagutin. Tanong na hindi makukuhaan ng sagot kung tutunganga lang kami at maghihintay ng susunod na mangyayari. Pero paano kung mali pala ako? Paano kung aksidente lang ang lahat nang nangyari?
Pero paano kung...
"Jj..."
~~
A/n: Bitin muna hahahaha. Oh So ayon na nga. May una nang namatay. Sorry talaga kung hindi ako nakapag update ng 2 days. Masyado kasi akong lutang at hindi ko talaga alam ang ilalagay ko dito.
So yung last chapter ay dedicated kay Ellah at Alex. Kaya naman napag isipan ko na isingit lang sila dito. Pero hindi sila part ng story. Baka kasi maguluhan kayo diba? Baka hanapin niyo sila sa iba. So Yon I'm just clearing things out. Ciao~ :)