Mikay's Pov
Ngayon nag s-start na akong kabahan. Kinakabahan akong matulog dahil baka mapanaginipan ko din siya. Kaya naman heto ako, sumiksik ako sa ate ko. At least alam kong may kasama akong matulog.
Nagdasal pa ako ng ilang beses para lang hindi ako bangungutin.
"Mikay, matulog ka na nga!" Sabi ni Ate kaya naman unti unti ko nang pinikit ang mata ko.
"Tulungan niyo ako.." Bulong ng isang babae.
"Tulungan niyo ako....." Paulit ulit siya.
"Sabi niyo.. tutulungan niyo ako.." Galit ang tono ng boses niya.
"Tulungan niyo ako.." Biglang nag pop up ang mukha ng babaeng nasa picture.
Napabangon ako sa higaan ko. Nasa kwarto ko.. AKO?
"Ano baaa.. Tigilan mo koooo." Sigaw ko. Naihi naman ako sandali kaya naman bumaba ako para umihi.
"Please.. please tigilan mo ako." Dasal ako ng dasal. Natapos akong umihi. Madilim na syempre. Chineck ko ang oras.
3:02 na pala ng umaga..
Pabalik na sana ako sa kwarto nang bigla akong may marinig na iyak..
Iyak ng isang babae.
"Alam ko na yan!!! Tigilan mo ako babae ka!!" Sigaw ko at tumakbo paakyat pero hindi pa ako nakakahakbang ng isang hagdan ay nakita ko na ang babaeng nasa picture na nag aabang saakin sa taas.
"Tulungan niyo ako..." Nakakatakot ang itsura niya.
Pero wala na akong time para i-describe pa siya dahil...
"AAAAAHHH!!!!!! WALA AKONG SINABING TUTULUNGAN KITA!!!!!" Sigaw ko at tumalikod para umalis pero nakita ko nanaman siya sa may banyo.
"SABI NIYO TUTULUNGAN NIYO AKO!" May galit sa kanyang boses.
"Kung hindi niyo ako tutulungan.... Mabuti pang.. MAMATAY NALANG KAYO!!!!" Nagulat ako nang bumilis ang lakad niya at hinahabol ako. Muli akong humakbang paakyat pero nandun nanaman siya.
Nagpabalik balik ako pero nandun parin siya.
"TIGILAN MO AKOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"MIKAAAAAAYYYY!!!!!!!!" Napaupo ako at habol hininga. Dreaming in my dreams? How could that be?
"Mikay okay ka lang?" Napayakap ako kay ate. Hindi ko kinaya ang dream ko. Masyadong... ewan.
**
Pumasok ako sa school ng wala sa sarili. Dapat nga ay hindi na ako papasok dahil sa hindi ko talaga kaya ang napanaginipan ko.
"Mikay? Mikay!! MIKAAAAYY" Pag gising saakin ni Jovelyn. Tumingin ako sakanya.
Ginuide niya ako papuntang upuan niya. Hindi niya ako pinaupo sa upuan ko.
"What happened?" Tanong ni Nicole.
"Napanaginipan ko siya sa panaginip ng panaginip ko." Nagtataka naman sila sa sinabi ko.
"Teka-- alam ko yan! Dream within a dream or false awakening." Sabi ni Micole.
Siya si Annmicole Pabustan. Isa sa mga queen bee sa Mendel.
Ang mendel kasi ay nahahati sa iba't ibang klase ng estudyante.
Ang Nerdies. Queen Bees. Selfie lords. Rich Kid. Middle Class at syempre ang Walang Pake sa Buhay A.K.A WPB.
Kabilang sa Nerdies sila..
Arnold Baron. Leah Lorenzo. Nelson Batangon. Rei Buhain. Yra Imperial at si Lorenz Lorbes. Pag sinabi mong Nerdies, hindi naman sobrang nerd na puro libro ang hawak, marunong naman sila makisama pero sila yung tipo na kapag seryoso na sa school, seryoso na talaga.
Ang mga Queen bees naman ay sila..
Emeliz De Guzman, Virginia Magtira, Annmicole Pabustan, Catherine Salarza at ako.
Selfie Lords, oo lahat kami qualified sa grupo na yan pero nangunguna talaga rito ay sila..
Jovelyn Acosta, Kristine Basas, Abegail Caraan, Rocena Feliciano, Necaella Telin at si Bea Valdez.
Rich Kids. Sila yung lagi naming inaasahan sa libre. Syempre rich kids nga hindi ba? Kaya pag nandyan sila, umasa ka na sa libre talaga.
Jules Atun, Wayne Camacho, Joseph Cherriguine, Francis Milanco, Ronzion Nuñez at si Rishielene Cruz.
Ang Middle Class squad, hindi mayaman, hindi rin naman mahirap. May kaya? Oo pwede pero maaasahan mo rin naman sila sa mga panahong nangangailangan ka.
Jayve Barliso, Ramon De Guzman, Nicole Adduru, Christine Adolfo, Yvonne Patio at si Agile Reyes.
At Syempre sa isang klase, hindi mawawala ang mga walang pake sa mundo o buhay.
At Syempre leading ang boys namin dyan.
Kyle Agua, Julius Alma, Harley Anosa, Adam Diaz, Vearnie Lei at si Jerobe Manalastas.
Ayan. Napakilala ko na sainyo ang Mendel.
Goodluck kung maalala niyo lahat ng pangalan nila.
"Yung False awakenings? Hindi ba.. sabi nila.. Masama daw pag nangyari sayo yun?" Sabi ni Yvonne kaya naman nakuha niya ang attention ko.
"Bakit daw?" Tanong ko sakanya.
"Isang beses kasi, nagkaron ako ng false awakenings tapos kinwento ko kay mommy tapos sabi niya masama daw iyon. Hindi ko alam kung binibiro niya lang ako pero parang seryoso siya." Pag e-explain niya.
"Nakakatakot siya Jov." Sabi ko habang umiiyak.
"Shh! Wag mo daw ik-kwento ang panaginip mo sa iba. May masamang mangyayari." Awat ni Micole. Niyakap ako nila Jov. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin ko.
"I know." Sabi ni Jov.
"Nagpapatulong siya saakin Nicole!!! Sinabi daw natin na tutulungan natin siya!!!" Sigaw ko.
"Kasalanan ko yun." Sabi ni Tine. Napatingin naman kami sakanya.
"Bakit? Paano?" Tanong namin sakanya.
"Napanaginipan ko siya. Humihingi siya ng tulong saakin. Akala ko kasi.. Akala ko isa lang siyang ordinaryong estudyante dito sa Wesher kaya nilapitan ko siya at sinabi kong tutulungan ko siya." Hindi ko alam. Pero parang gusto kong magalit sakanya.
"Ano ka ba naman Tine!" Reklamo ni Micole.
"Wait-- alam mo ito Micole?" Tanong ko sakanya. Tumango siya.
"Shinare ko ang picture." Sabi ni Micole.
"Pwede pa naman nating mabago ang future diba?" Napatingin kaming lahat kay Joseph.
"Sa paanong paraan Jj?" Jj ang tawag namin sakanya dahil masyadong Mahaba ang Joseph at dahil na rin sa Joseph Jeffrey ang pangalan niya.
"Sabi naman diba? If you didn't share within 9 weeks? Wala pa namang 9 weeks eh." Sabi ni Jj.
Napatingin kaming lahat sakanya.
Hindi kaya..
Tama siya?
Matitigil ang curse.. Pag shinare namin ang picture.
Tama!
--
Jovelyn's Pov
Napag decide namin na mag overnight kanila Nickie para sama sama kaming ish-share ang picture.
"So eto na.. It will end here. I'm sure." Paninigurado ni Nicole.
"Sana nga." Sabi ni Mikay.
Nag scroll down kami sa newsfeed at hinanap ang picture pero hindi namin ito makita.
"Why not, tignan mo sa mga wall ng mga nag share katulad ni Emeliz at Micole?" Suggest ni Christine.
Chineck namin ang wall ni Emeliz or Micole pero hindi parin namin nakita ang picture.
"Nasan naa?!!!" Sigaw ni Nicole.
"Kumalma ka." Awat ko naman sakanya. Halos ibato niya na yung MacBook Air niya dahil hindi niya makita ang picture. Kahit anong scroll niya.
Kinuha niya ang phone niya at dinial ang number ni Emeliz.
(Hello?) In-on niya ang speaker para marinig namin siya.
"Girl, diba shinare mo yung picture?" Tanong ko sakanya.
(Oo, nandun sa wall ko. Bakit?) Nagpatuloy lang sa pag scroll si Nickie pero hindi niya makita.
"Hindi namin makita ang picture!!!" Sigaw ni Nickie sa inis.
(Girl try mo kay Yvonne, shinare niya din yata ang picture.) Inend na namin ang call at vinisit ang wall ni Yvonne.
PERO WALA. WALANG PICTURE.
"Sh*t! Don't make fun of us you b*tch!" Bwiset na sigaw ni Nickie na akala mo eh maririnig siya nung picture at bigla nalang mag a-appear sa screen
"Chill yourself girl." Sabi ni Mikay.
"We only have 8 weeks left." Sabi ni Nickie. 1 week na din ang nakalipas simula nang hindi namin shinare ang picture tapos ngayon ay ayaw pang magpakita saamin.
Curse? I don't believe in curse pero ngayon? Mukhang mapapaniwala niya ako.
--
Joseph's Pov
3 weeks na ang lumipas. Ang bilis ng panahon pero hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang mystery na bumabalot sa Mendel. We never tell anyone. Kahit ang adviser namin ay walang alam o kahit sinong malapit saamin sa ibang section. We decided to keep it in ourselves.
"Okay class, settle down. I have an announcement to make." Sabi ni Ma'am Legada. Adviser namin.
Nagsibalikan naman sa klase ang mga classmates ko, pati na rin ako.
"Jj.. May sasabihin ako sayo." Tumingin ako kay Ramon. Kumunot ang noo ko.
"Ano?" Halata sa mukha niya ang takot.
"Nakita ko din ang picture.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Shinare mo?" Umiling siya.
"Bago pa mangyari ang lahat, bago pa makita ni Nickie ang picture. Bago pa sabihin ni Christine na tutulungan niya ang babae. Nakita ko na yung picture. Week ago bago mangyari ang lahat." Pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"Let's talk later." Sabi ko sakanya.
"Okay, alam naman nating lahat na exam week na next week. Hindi ba?" Sumagot naman ang mga classmates namin.
"So.. napag desisyunan namin ng mga teachers niyo na pagkatapos ng exam week ay magkakaron tayo ng fieldtrip!!!" Nagsi-sigawan naman ang mga classmates namin.
"Etong fieldtrip na ito ay exclusive lang para sa mga myembro ng special science class katulad niyo. Dahil alam namin na stress na stress na kayo sa buhay niyo." Nagtawanan naman sila.
"Sana lahat kayo makasama. Ibibigay ko kay Valdez ang mga permit mamaya at idi-distribute niya ito." Sabi ni Ma'am. Tumaas naman ang kamay ni Nicole.
"Yes, Adduru?" Nakangiting tanong ni Ma'am.
"Ma'am diba po next next week, sembreak na?" Tanong ni Nicole.
"Yes, After ng fieldtrip. Sembreak niyo na. Kaya galingan niyo sa exam week! Goodluck! Hindi na ako mag tuturo. Mag linis nalang kayo ng classroom." Yun lang at umalis na siya.
Hinila ko kaagad si Ramon palabas ng room.
"JJ!" Narinig kong habol ni Nickie.
"Yes?" Tanong ko na parang walang pag uusap na mangyayari.
"Saan kayo pupunta?" Nanahimik ako sandali.
"Dyan lang! Sige bye!" Yun lang at tumakbo na kami ni Ramon sa may playground ng Wesher University. Umupo kami sa may swing.
"Jj wala naman akong ibang naramdaman!" Sabi ni Ramon. Nagsimula na siya.
"You mean, no nightmares or what?" Umiling iling si Ramon.
"Hindi kaya dahil.. ikaw ang nauna?" Napatingin siya saakin.
"Hindi ko alam Jj. Pero ayokong sabihin kanila Nicole ito." Sabi ni Ramon.
"Ililihim mo pa?" Nagulat kami pareho dahil biglang lumabas si Nicole somewhere. Geez, sinundan niya kami.
"Nickie..." Galit ang mukha ni Nickie.
"Bakit hindi mo sinabi agad?" Tanong niya kay Ramon.
"Ayokong makadagdag." Simpleng sagot ni Ramon.
"We Only have 6 weeks. At hanggang ngayon hindi namin mahanap yung picture." Nabaling naman saakin ang tingin ni Nickie.
"Wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na kata---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumigaw siya.
"STOP! WALANG MAMAMATAY!" Sinamaan niya ako ng tingin.
Ayaw man namin o gusto. Pareho pareho naming alam ang curse.
Curse? Hindi ako naniniwala sa curse pero sa panahon ngayon, wala kang magagawa kundi paniwalaan nalang ito.
~~
A/n: Hiii Ayan na. Lahat na nabanggit ko dyan pero hindi parin lahat eh may POV or line. Abangan niyo nalang sa next updates.
At baka etong story na to ay short story lang kung hindi ko siya maiisipan ng major major twist choss. Ewan basta hahaha.
Dedicated nga pala kay Joseph Cherriguine na president ng Mendel! Hiiii Jj!! :)))