III

1104 Words
Jules' Pov At dahil hindi ko shinare ang picture, dasal ako ng dasal ngayong patulog na ako. Hoping na hindi ko siya mapanaginipan. Dumaan pa ako ng simbahan bago ako umuwi at nag rosary pa ako bago ako matulog. "Friend! Ano ka ba... Kumalma ka nga." Kasama ko ngayon si Kristine. Kristine Basas. Tapos na kasi ang exam week at bukas ay fieldtrip na kaya nag decide kami na magkasama kaming matutulog at pupunta ng school. "Hindi ako makakalma friend! Hindi mo naman kasi ako pwedeng samahan sa dreams ko!" Natawa naman si Tin sa sinabi ko. "Basta friend.. kalma lang. Walang mangyayaring masama." Yun lang at natulog na kami. ** Nagising ako nang walang panaginip. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.  "Oh ano friend? Ready ka na?" Tumango ako kay Tin. Paalis na kami ngayon. Lalakarin lang namin ang school tutal walking distance lang naman at chaka mahihirapan kaming kumuha ng taxi dahil maaga pa. Ayoko naman mag jeep dahil marami akong dala. 1 week daw kasi ang fieldtrip. Parang retreat na daw namin yun. "Alam mo girl napapaisip ako minsan kung ginu-good time lang tayo nila Mikay eh. Kasi ako? Wala naman akong napanaginipan." Sabi ko sakanya pero hindi siya nagsasalita. "Tingin mo girl? Gino-good time lang nila tayo?" Hindi parin siya nag sasalita kaya naman tumingin ako sakanya. "Girl?" Nakayuko siya habang nag lalakad. "Uy Friend! Ano ka ba?" Tumigil ako at hinawakan siya sa balikat. Tumingala siya..  "T-tulungan mo ako.." "AAAAHHHH!!!!!!!" Napatakbo ako sa sobrang takot. Hanggang sa marating ko ang meeting place namin. "JULES! HOY JULES?!" May takot sa mata akong tumingin kanila Mikay. Nakita ko si Tin na nakatingin saakin. "Tin?! Bakit hindi mo ako hinintay???" Hawak ko ang magkabilang balikat niya. Kumunot naman ang noo niya. "Friend! Kanina pa ako nandito noh! Mag 3-30 minutes na kaya akong nandito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Pero diba sabay tayong umalis?" Mas lalong kumunot ang noo niya. "Friend! Wala akong kasabay pumunta dito. Okay ka lang ba?" Tumingin saakin si Jovie. "Pero nag overnight ka sa bahay Tin!!! Magkasabay tayong umalis sa bahay!!!!" Niyakap ako nila Mikay. "Sa bahay ako natulog Friend! Anong sinasabi moooo?" Nagsimula na akong umiyak. Kinabahan ng sobra. "Enough Jules." Pagtatahan saakin nila Rocena. Rocena Feliciano. "Nakita ko siya Nicole!! Sabihin niyo saking nananaginip lang ako!" Nagulat ako nang sampalin ako ni Emeliz. "MASAKIT!!!" Sigaw ko. Nasaktan ako. Nasaktan ako.. Ibig sabihin.. "Hindi ka nananaginip." Kalmadong sabi ni Christine. "NAKITA KO SIYA ON MY WAY!! AKALA KO SI TIN SIYA!!! ALL THIS TIME HINDI SI TINE ANG KASAMA KO?!" Sigaw ko sakanila. "Mukhang ganun na nga." Alanganing sabi ni Rocena. "May alam ka din Rocena?" Tanong ni Tine. "Shinare ko.." Sabi ni Rocena.. "Guys. Kailangan natin mag enjoy ngayon. Stop muna sa pag iisip kay Monica." Sabi ni Yvonne. "Monica?" Sabay sabay naming tanong. "Sabi ni Jj, Monica daw ang pangalan niya." Tumingin kaming lahat kay Jj. "Nakakatakot naman ang name na Monica, diba?" Nag aalangan siyang ngumiti. Napailing naman kami. "Mas nakakatakot ang Bella!" Sabi ni Nicole. Nag away pa ang dalawa. "Oh tara na pasok na tayo sa bus." Sabi ni Ma'am Legada. Pumasok na kami sa bus. Dapat masaya. Dapat walang sad moments or takutan moments. Ang fieldtrip ay ginawa para mag saya. Hindi para magluksa. Curse? I don't believe in curse, pero kung kailangan kong maniwala. Maniniwala ako. -- Rocena's Pov Naaawa ako sa mga kaibigan ko. Dapat hindi nalang nauso yang picture curse na yan eh. "Buti nalang shinare mo yung picture, girl." Sabi ni Emeliz saakin. Ang totoo, hindi ko shinare ang picture. Ayoko lang dumagdag pa sa alalahanin nila. Wala akong shine-share na picture. Oo, nabasa ko iyon. Nakita ko ang lahat pero hindi ko shinare.. Siguro dahil hindi ako naniniwala kahit na sabihin nila. Hindi ako naniniwala kasi hindi naman totoo iyon. Pero ngayon, ngayon. Hindi na ako mapakali. Hindi na panaginip ang naranasan ni Jules. TUNAY NA BUHAY NA. At kung titignan mo siya sa mata ay halatang takot na takot siya sa naexperience niya kanina. "Shinare mo din ba?" Tanong ko kay Emeliz. Tumango naman siya. Si Emeliz. Napaka galing ng ginawa niya. Shinare niya ang picture dahil naniniwala siya doon. Pero ako, hindi. Hindi kami naniniwala. Pero hindi rin ako naniniwala na may mamatay saamin. Alam ko naman kasi na hindi kayang pumatay ng tao ang mga multo. Kaya nilang manakot pero hindi nila kayang pumatay. "Okay ka lang?" Tanong ni Kuya Jayve saakin. Jayve Barliso. "Yep." Simple kong sagot. Sasabihin ko bang hindi? Sasabihin ko bang nakita ko din ang picture? ** Nagising ako dahil gabi na. Sinabi na ito saamin na 16 hours daw ang byahe namin papunta dun sa probinsya. Sabi ay sa Bicol daw kaya matagal. Tulog na tulog ang lahat.  Maya maya pa ay biglang lumamig sa loob ng bus. Siguro ay dahil na rin sa malamig sa labas. "Hahahaha!" Napatingin ako sa harapan dahil sa narinig ko. Pero wala namang gising. Nagsimula nang magtayuan ang mga balahibo ko. "HAHAHAHA!!!" Palakas ng palakas ang tawa niya. Nanlaki ang mata ko nang biglang tumigil ang bus sandali pero agad ding umandar. Pero ang mas kinalaki ng mata ko ay nang biglang may pumapasok sa loob ng bus. "HAHAHAHA!!!" Siya yung.. Yung.. "Nakakamiss pala sumama sa fieldtrip ano?" Tumulo ang luha ko. Hindi ako nagsasalita. Nananatili akong tahimik. "Dapat kasama ako dito eh." Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay. "KASO PINAGKAIT NIYO YON!!!!" Sigaw niya at tumingin saakin. "AAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Kinalabit ko si Emeliz. "Emeee!! Eme Gising!!!!" Ginigising ko siya nang biglang.. "SABI NIYO TUTULUNGAN NIYO AKO..." Napatayo ako sa upuan ko. "AAAAHHH!!!!!!" Ginising ko ang iba. "WAYNE WAYNE!!! GUMISING KAAA!!!!!" Sigaw ko naman kay Wayne. Wayne Camacho. "Tulungan niyo ako..." Napaatras ako muli dahil ayun nanaman siya. "Gumising kayo!!!! Ate Cath!!!" Ginigising ko si Ate Cath. Catherine Salarza "Kung tinulungan niyo sana ako.--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sumigaw nanaman ako. "AAAAHHHHHH!!!!!!!!!!!!" "AAAAAAHHHH!!!!" "ROWIIIEE!!!!!!!" Nagising ako at nakita ko na gabi na.. Gabi na... Lumingon ako sa paligid ko. Tulog na sila.. Tumingin ako kay Emeliz. "Okay ka lang girl?" Tanong niya. "H-ha?.. O-oo.. O-okay lang ako." Tinignan niya ako na parang sinusuri pa ako. "Girl.. Shinare mo ba talaga?" Tumingin ako sakanya. "Emeliz hindi ko shinare yung picture!!" Umiyak na ako sakanya.. "Girl!!!" Wala akong masabi dahil alam kong may kasalanan ako.  Curse? Hindi ako naniniwala sa curse pero kailangan ko maniwala ngayon. Kailangan kong maniwala... kailangan NAMING maniwala.. ~~ A/n: Sabaw.. Sabaw hahahahahaha wala akong maisip ngayon eh. MWA MWA :* Sana kahit sabaw, magustuhan niyo <3 . <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD