Chapter 1
Chapter 1 : The Book
Catania's POV :
Kanina ko pa binabasa itong makapal na storybook na hiniram ko kahapon sa school library. I was sitting down in my bed as i was comfortably reading it.
Weekend ngayon and hobby ko talaga ang magbasa ng storybooks dahil stuck lang naman ako sa bahay at ayoko namang sumama sa galaan ng mga friends ko dahil sa bar lang naman sila pumupunta and hindi ako makasabay sa kanila cause i have low tolerance in alcohol and i don't really like the feeling of having hangovers.
Wala pang kalahati yung nababasa ko dahil malaki at makapal talaga itong libro. Naalala ko pa kung paano ko ito nahanap kahapon.
Nasa school library para maghanap ng storybook na pwede kong pagkaabalahang basahin this weekend.
Habang naglalakad ako palapit sa isang bookshelf ay natalisod ako dahil may kung anong nakaharang sa daanan. Muntik pa akong masubsob mabuti na lang ay nakakapit agad ako sa isang bookshelf.
Nang makarecover ay agad kung tingnan kung ano ba yung nakaharang sa may sahig. Napasimangot ako ng makita ang isang makapal na libro at talagang nasa gitna pa ng daanan sa pagitan ng dalawang bookshelf.
Sino kayang hinayupak ang naglagay ng librong ito rito parang nananadyang makadisgrasya. Medyo madilim pa naman dito at saka dark color pa yung cover ng libro kaya hindi agad mapapansin.
Sa badtrip ko ay dinampot ko na lang ang libro. Ito na lang siguro ang babasahin ko mukha naman siyang storybook dahil sa title at saka mukhang mahaba talaga ang story dahil makapal talaga yung libro parang kalahati ng kapal ng encyclopedia.
Kaninang umaga ko pa binabasa itong libro at hapon na ngayon pero hindi ko pa rin siya tapos. Infairness maganda yung story niya pero kailangan ko ng maligo dahil malapit ng magdinner at ilang saglit na lang ay tatawagin na ako ni Manang Lucy para kumain.
Sinara ko na yung libro at nilapag sa bedside table ko mamaya ko na lang siguro itutuloy basahin bago ako matulog.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pajama pagkatapos ay umupo ako sa harap ng salamin para suklayin ang buhok ko.
Narinig kong kumatok si Manang Lucy. " Nia, kakain na." sambit nito mula sa labas.
" Opo, coming." Nilapag ko na yung suklay at lumabas na at bumaba papuntang kitchen para kumain.
Agad kong nakita si Manang na naghahanda na ng pagkain sa mesa kaya umupo na ako.
" Nasaan po sina Mommy at Daddy?" tanong ko. Tuwing friday ko lang kasi nakakasabay ang parents ko sa dinner at kung minsan ay pumapalya pa silang makauwi ng maaga kaya ako lang din ang mag-isang kumakain.
" Ay naku iha, gagabihin pa ang mommy at daddy mo dahil may dinner meeting daw sila. Binilin nila saking sabihin ko sayo na wag mo na daw silang hintayin at babawi na lang daw sila sayo bukas." pagpaliwanag ni Manang Lucy.
Tumahimik na lang ako hanggang sa matapos akong kumain at nagpaalam na para matulog. Napabuntong hininga na lang ako habang paakyat ng hagdan.
Im disappointed in my parents tonight actually hindi lang naman tonight halos everyday. Only child na nga lang ako pero hindi pa rin ako maasikaso ng parents ko especially my mom. Minsan nga naiisip ko bakit yung ibang nanay naalagaan nila yung anak mga nila kahit sobrang dami nilang anak.
Minsan nga iniisip ko, kung may kapatid kaya ako ganito pa rin ba yung family namin or mas magiging hands-on samin yung parents namin.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay humiga na ako sa kama pero hindi pa ako inaantok kaya kinuha ko ulit yung libro.
Sinubukan kong buklatin yung libro dun sa page kung saan ako tumigil kanina pero hindi na siya mabuksan kaya tinry ko ulit pero kahit yung covers hindi na din maopen. Halos mabaklas na yung kuko ko kakasubok na buksan yung book pero ayaw talaga.
Ano ba naman yan. Di ko pa tapos yung story nabitin ako. Sa sobrang inis ko ay binalibag ko yung libro sa sahig at hindi pa rin talaga ito naopen. Ano bang nangyayari sa librong iyan and its weird kanina naman ok lang siya at maayos na nabubuklat sinilip ko pa nga saglit yung last page pero bakit ngayon parang nakaglue yung mga pages.
Sayang naman maganda pa naman yung story. Kabadtrip kung alam ko lang edi sana tinapos ko na lang agad.
Makatulog na nga lang ayoko nang i-stress yung sarili ko ng dahil lang sa weird na librong iyan. Pinatay ko na ang mga ilaw sa room ko.
Hinayaan ko na lang rin yung libro sa sahig at pumikit na. Bago ako tuluyang makatulog ay may naaninag pa akong liwanag pero dahil sa antok ay hindi ko na pinansin pa iyon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising , pagkamulat ng mata ko ay dumapo agad ito sa libro na nasa sahig pa rin kung saan ko ito hinagis kagabi. Nagdecide akong bumangon at lapitan ang libro para kuhanin.
Sa sobrang inis ko kagabi ay nakalimutan ko na hiniram ko lang pa lang itong libro sa school library. Kaya naman agad kung chineck kung may damage yung libro dahil sa paghagis ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala namang sira yung libro, binuklat ko ulit ito at di gaya kagabi ay nabuklat ko naman ang mga pahina kaya natuwa ako dahil matutuloy ko na siyang basahin.
Nagtungo ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush bago bumaba para mag-almusal. Natuwa naman ako ng madatnan ko sina Mom at Dad sa lamesa na nagsisimula ng magbreakfast.
Nakangiti akong lumapit at bumati sa kanila. " Good Morning." lumapit ako kiniss sila sa pisngi bago umupo sa tabi ni Mommy.
" Pasensya ka na anak kung hindi kami nakauwi kagabi nadelay kasi yung flight namin, hayaan mo babawi kami ng daddy mo sa iyo." sabi ni Mommy.
" Are we going out today?" agad kong tanong at masaya dahil matagal na rin simula ng namasyal kami ng magkakasama.
" Sorry sweetie pero aalis din kami mamaya dahil may isa pang business trip ang Dad mo and i also have an event to attend." napabusangot naman ako dahil sa sinabi niya.
" Huwag ka ng magtampo please. I promise pag natapos lahat ng work namin ng Dad mo were going on a vacation hmm." paglalambing sakin ni Mommy at kiniss ako sa pisngi napatingin din ako kay Dad at nakatingin din siya sakin.
" Promise ? " tanong ko sa kanya.
" Promise , princess." nakangiting sabi niya.
Masaya ang nagbreakfast namin and i enjoyed catching up with my parents pero saglit lang iyon dahil kailangan na nilang umalis at dahil wala na naman sila balik na naman ako sa kwarto ko para magkulong at magbasa ng libro buong araw.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay dinampot ko agad yung libro bago tumalon sa kama at sinimulang magbasa.
Habang tumatagal na binabasa ko itong story im starting to hate the main character cause she's so weak and fragile and she can't even fight back just like the other main characters in most of the cliche novels that i've read before.
Napansin ko na rin na habang nagpoprogress yung story ay wala man lang siyang character development and stayed as what she is ever since the story started. For me she's nothing except being a beauty.
Matatapos ko na ang story and im kinda bored because of her but i kept reading because i loved the villainess. She's also beautiful, fierce, intelligent and strong and her personality is what i wanted to be me being fearless and prangka. Last but not least she also had a lot of development but habang papalapit ang ending ay papalapit na rin ang pagiging doomed niya sa story.
Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman yung apperance nila it's because sa first page ng libro ay nandoon yung mga picture and names ng mga characters with some information about them.
Napabuntong hininga ako nang matapos kong basahin ang buong libro saka ko lang napansin na gabi na pala and nakalimutan ko ng maglunch at dinner. It's almost 12 midnight. Nahooked ako sa story at di ko namalayan na natapos ko na pala yung buong libro. Nag-unat muna ako ng katawan bago nagdecide na maligo bago matulog hindi na ko kakain dahil inaantok na rin ako.
Im satisfied naman sa ending and i think that the book is not that bad but not the best that i've read.
Napatitig pa ko sa libro na nasa bedside table ko bago dahan dahan na napapikit sa antok may napansin din akong liwanag pero hinayaan ko na lang dahil hinihila na talaga ako ng antok hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.