Chapter 25

968 Words
Dumeretso ang dalawa sa Mansion. Pagkakita naman sa kanya ng Senyora ay agad siya nitong niyakap. " iha Sab, nandito ka na!" umiiyak ito pero hinanap nito si Zeth " Iha, nasaan ang apo kung si Zeth, Tyler? Nasaan si Zeth?" tanong nito "lola dito tayo sa kwarto mo! May mahalaga kaming sasabihin sa iyo ni Sab. Pumasok nila , pinaupo nila ang senyora sa kama nito. " Lola, ang sasabihin ko po sa inyo ay baka ikagulat mo pero kailangan mo po itong malaman."wika agad dito ni Tyler "Lola, si Zeth po kasi!" huminto si Tyler dahil nanlaki ang mga mata ng senyora " Lola hindi ko po anak si Zeth!" namumutla ang matanda at napasandal sa headboard ng kama nito " apo nagbibiro ka ba? hindi iyan magandang biro! huhuhu!!" humagulhol ito. Niyakap nila ito. " pero apo ma DNA TEST na ginawa ang papa ni - aaahh niloko nila tayo!" galit na wika ng senyora "Anim na taon apo! niloko nila tayo." galit na galit na wika nito " opo lola pero napamahal na po sa akin Si Zeth, kahit hindi ko siya tunay na anak minahal ko po siya na parang akin." Habang nakikinig sa pag uusap ng dalawa ay hindi rin napigilan ni Sab na umiyak. Kahit siya ang napalapit na din sa mabait na pagkatao ni Zeth. Puno man ng kalungkutan ang kwarto ay pinili nilang tanggapin ang katotohanan. Dito naman napagtanto ni Tyler ang nangyari sa kanila sa Cebu mali man na ungkatin ang kasalanan ng namatay na pero " naalala ko na lola!" biglang nagliwanag ang mga mata ni Tyler " noong nasa Cebu kami! ba-bago ko siya sapilitang ginalaw ibig sabihin! ang lalaking nakahalikan niya noon sa kwarto na ikinadilim ng mga mata ko! Ibig sabihin!" napatigil siya sa pagsasalita! " si- si Lucas iyon!" Napatitig naman sa kanya si Sab "Si Lucas?sigurado ka ba diyan apo?" "Opo lola!" sigurado ako doon napatingin naman uli siya kay Sab na May galit sa mga mata " sige po lola magpahinga na po muna kayo may aasikasuhin lng ako dito sa labas." paalam nito " teka Tyler sasama ako!" "magpapalamig lang ko Sab." " mamaya Sab! saglit lang ako" " pero?" pinigilan siya ng akmang susunod sana siya dito " Apo, hayaan mo na muna si Tyler. Magpapalamig lamang iyon, halika dito" at niyakap siya nito "Kilala ko yan si Tyler Apo, kapag mainit ang ulo niya mag-iikot LNG yan sa Hda. hayaan mo na muna" " pero-" " sssh" wala na ngang nagawa si Sab kundi umiyak. Naisip niya ang nararamdaman nito. Parang pinaglaruan siya ng panahon! dalawa kami babae sa buhay niya pero Si Lucas ang naunang inibig namin! Nalulungkot siya para dito. Umiyak si Sab ng umiyak.! Sana maging okay lang Si Tyler. Dasal ng dalaga. Samantala si Tyler naman ay nag iikot sa Hda. kung saan niya patuluyin ang mga bisita ng ikakasal. Inikot niya ang Chapel kung saan ito ang magsisilbing reception hall pagkatapos ng kasalan sa beach. Pagkaikot niya doon May napansin siya sa likuran nito? sa likod ng altar ay parang may maliit na siwang sa pagkanais na malaman ano iyon ay pilit binuklat niya iyon at nagulantang siya sa nakita. inabot siya ng kalahating oras doon sa pagsisiyasat at ngayon ay nasa labas na siya ng Chapel. Umuwi muna siya sa mansion. Binilang din niya kung ilan ang magiging kwarto sa itaas at sa ibaba at ilang ang po-puwedenh magkasya. Nang mapagtanto na ay tinawag niya si Sab na nasa sala at nanonood lang nang tv malungkot ito kaya nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran kahit nakaupo ito sa sofa. "Sorry if I Walk out an hour ago! Don't worry ikaw parin ang pakakasalan ko!" wika niya dito " okay ka na ba?" tanong nito sa kanya " yup! Halika since dito muna tayo sa mansion punta tayo sa kwarto ko! May pag uusapan tayo doon!" " okay! saan banda iyon?" ngunit hindi sumagot si Tyler tinakpan lamang nito ang mga mata niya " Teka sabihin mo sa akin kung liliko ba ako o didiretso!" " nandito naman ako ei" sabay hinalikan siya nito sa buhok "andito na tayo! mayroon kang bubuksan na pinto okay!" Turan ni Tyler. " okay nasa harap na tayo ng kwarto ko. kapain mo ang doorknob Sab. Wag ka lang mabibigla sa makikita mo.!" sambit nito " o-okay" at binuksan iyon ni Sab! Pagkatanggal ng kamay ni Tyler ay nagtaka si Sab " teka mga picture ko ito ah!, Yong iba stolen pic! Tyler? anong ibig sabihin nito?" "Bakit marami ka nito?" "kasi Sab noon paman nang makita kitang kasa kasama ni Jerick ay nagustuhan na kita. kaso nga lang mas matanda ako sayo at ipinagkasundo ako ni papa. At alam mo na iba ang mahal mo!" hindi uli ito kumibo pero nakaupo ito sa tapat ng computer nito. Nabalot sila ng katahimikan. Nag isip si Sab "noon inlab ako kay Lucas pero ngayon.!" Nilapitan niya ito at umupo sa katabing upuan " Pero ikaw na ngayon ang mahal ko Tyler. Wag na natin siyang pag usapan para hindi ka nasasaktan. Tandaan mo lagi ang nakaraan ay bahagi na lang ng kahapon na lumipas na. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ikaw ang kasalukuyan Tyle," niyakap niya ito " ikaw ang pakakasalan ko at makakasama hanggang tumanda ako!" Napalingon naman dito si Tyler " totoo ba yan Sab?" parang hindi makapaniwala sa tinuran ng kausap. Tinitigan siya ni Sab Sa mata! " totoo lahat ng sinabi ko, Tyler" " wala nang bawian yan ha?" panigurado ni Tyler " wala na bawian, sa tuwa ay niyakap niya ito ng mahigpit. " hinding hindi na kita pakakawalan Sab," niyaya niya itong humiga sa kama at niyakap ng mahigpit. Dahil na rin sa subrang pagod ay nakatulog ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD