Chapter 26

1373 Words
Alas Kwatro nang hapon nagising ang dalawa. Nagising sila dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Naunang nagising si Sab, niyugyog na lamang niya si Tyler! "Tyler gising, ang ingay sa labas. Tingnan natin kung ano yon.!" Turan niya " ahhh okay!" Tyler Pagkalabas nila ay nagulat si Tyler Ang mama at papa niya! " Ma? Pa?" gulat na gulat siya " Yes anak! Tumawag sa akin ang papa ng Ex wife mo. Maniningil tayo sa panloloko nila sa atin at si Zeth, Sorry anak babawi ako sayo kami ng mama mo. Patawarin mo sana kami anak, Tyler!" maluha luhang sambit ng papa niya. Niyakap siya nito. Labis naman ang tuwang nararamdaman ng senyora. " at mukhang marami na talaga kaming nakaligtaan sa buhay mo anak."! " yes, po papa" nagpunas ito ng mukha. Si Sab po pala Pa, fiancé ko po!" pagpapakilala niya kay Sab " well iha welcome to our family!" at niyakap siya nito. Ganun din ang mama ni Sab na maluha luha pa ang mga mata " ngayong ayos na ang pamilya natin, mabuti pa ay maghapunan na tayo alam kung hindi pa kayo nananghalian an lahat lalo ka na Sab! mukhang magkakaroon na kasi ako ng totoong apo sa tuhod ngayon!" at tumingin ito ng makahulugan kay Tyler. Magsasalita pa sana si Tyler ng hilahin na siya ng mama nito sa kusina. Habang si Sab naman ay hawak ng senyora sa kamay. " Salamat sa iyo Sab ngayon magkakaroon na ng kulay ang buhay ng mga de Villa!" at pumasok na sila sa kusina. Magkatabing nakaupo si Sab at Tyler ganun din sa kabilang lamesa ang mag asawang de Villa. Kumain sila na isang masayang pamilya. Hindi naman makawala si Tyler sa panunukso ng magulang nito! at napag usapan nilang kung ano man ang kahinatnan ng kaso Kay Zeth ay tatanggapin nila ng buong puso. Samantala si Lucas naman labis ang galit na nararamdaman Dahil si Zeth ay walang ibang ginawa kundi umiyak at hinahanap Si Tyler at Sab! " Gusto ko nang umuwi sa Daddy ko! iuwi niyo na po ako!" iyak ng kawawang bata "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na ako ang totoong papa mo at hindi ang Tyler na iyon!" gigil na gigil na si Lucas dito "hindi ayoko ko sayo Bad ka!" sigaw ng bata. Hindi na rin nakapagpigil si Lucas at napalo niya ito. Dahil nasaktan ay lalong umiyak ito! " Clarisse!" tawag niya sa girlfriend. patahanin mo nga ito! nang gigil na ako diyan." sigaw nito. Lumapit si Clarisse na nakasimangot na! " ako!? bakit ako?. kumuha ka ng yaya niyan. Ayoko nga mag alaga ng hindi ko anak! " " anak naman ng tipaklong oh! Ano lang pala ang silbi mo sa akin ha! maliban sa kama!" sigaw nito at hinawakan siya nito sa braso. Nang makita iyon ng Zeth ay kaagad na nagtago ito sa likod ng sofa at doon umiyak ng umiyak kawawang bata! " papa where are you? help me papa?" taimtim na tawag ng bata kay Tyler. Doon nagtago ang bata hanggang makatulog ito Labis na ang paghahanap sa kanya ng dalawa pero hindi nila magawang tingnan ang likod nang sofa..... Nagkagulo na ito. Samantala mayroon isang katulong si Lucas na naaawa sa bata. kung hindi nila kasi ito saktan ay nakakaligtaan pakainin kaya siya na lamang ang nagpapakain dito. Salamat sa kanya ang bata ngayon ay nakakakain na ng maayos. Isang araw, nakita siya ni Lucas na nagpapaligo dito! oh bakit ikaw ikaw ang nagpapaligo diyan? dapat si Clarisse ang gumagawa niyan ah! sir pasensiya na po! naaawa na po kasi ako sa bata, ako na lamang po ang pansamantalang mag aalaga sa kanya!" pakiusap nito. "Oh sige, oo nga pala isama mo yan at bilhan mo ng mga laruan at damit! hindi pa po ba siya mag aaral sir!?" tanong nito " pag iisipan ko kung saan ko yan paaralin! ng maturuan yan na igalang ako!" Tinawag niya ito pero sa halip na lumapit sa kanya ay nagtago ito sa likod ng ginang. " Kita mo? ayaw man lamang lumapit sa akin." " hayaan niyo po sir, u unti untiin ko po ang pagtuturo sa kanya." pagkukusa ng matanda. Umalis na si Lucas Kinausap ng Ginang si Zeth. " May itatanong ako sayo. Sekreto lang natin to ha? Tutulungan kita makauwi sa kumupkop sa iyo basta wala kang ibang pagsasabihan ha?" "po?" nag makuha ng bata ang ibig nitong sabihin ay ibinulong niya dito ang lugar kung saan nakatira sila Tyler. " Sige kapag sinabi niyang ipasyal kita doon tayo tatakas ha?" Mangiyak ngiyak ang bata na tumango tango dito. " ang kailangan mong gawin muna ay magpalakas kumain ka ng marami para kapag tatakbo tayo ay May lakas ka Anak ha!" "okay po!" Sumunod na ginawa ng ginang ay inipon niya ang lahat ng sahod na meron siya at inilagay iyon sa bulsa niya. Para kapag inutusan na siya ni Lucas ay nakahanda na siya! kinabukasan nga ay Inutusan siya nito na ipasyal si Zeth. Noong una ay naglaro sila sa playground ngunit alam niya sa paligid na May nakabantay sa kanila. Pagkapagod ni Zeth ay niyaya siya nitong kumain. Kumain sila sa Fast food na nakita nila. Nang mabusog ito ay niyaya niyang mamili ng mga damit nito ayon sa utos ni Lucas! Dito na gumawa ng hakbang ang ginang. Kumuha siya ng damit na ipapasukat dito pero bihisan niya ito gamit ang mga damit na dala niya para maiba ang bihis nila. At makatakas. sumunod na nangyari ay lumabas na sila ng mall nang malapit na sila sa pintuan mall ay Nakahalata ang mga utusan ni Lucas na napakatagal naman yata nilang mag sukat ng damit. Kaya pinasok na nila ang fitting room. pagbukas nila ng kurtina nagkabungyan pa sila ng ulo. " anak ng tipaklong wala sila dito!" di magkanda ugaga ang dalawa sa paghahanap sa dalawa hindi nila mahanap ang dalawa sa mall. "yari tayo nito kay boss nawawala ang dalawa!" sabi ng isang lalaki " uuwi ba tayo? sigurado hindi na tayo makikita ng mga pamilya natin kapag umuwi tayong wala ang dalawa!" nanginginig sa takot ang pangalawang nagsalita! Samantala si Zeth at ang Ginang naman ay nakasakay na ng taksi papuntang Bataan sa Sa Hda. de Villa!. Habang nasa byahe ay pinatulog muna ng ginang ang Si Zeth. Nagtanong naman sa kanya ang driver " ginang mukhang pagod ang apo mo ah!" tanong nito " oo nauna kasing umuwi ang mga magulang niya kaya ayan ayaw paawat sa kalikutan.! main ako May anak ka bang maliit o di kaya mga apo?" " ay syempre po!" May mga apo na ako.!" " sige ganito na lang lahat ng pinamili namin ibigay mo na lamang iyon sa kanila. Pero sana bilisan mo ang pagmamaneho. Kanina pa kasi nag aalala ang mga magulang nito bakit daw ang tagal naming nakakarating doon sa bahay nila!" pangsisinungaling ng matanda " nako pacensiya na po kayo, kapag pwede tayong magmadali ay gagawin ko ginang.!" mukhang epektibo naman iyon dahil binilisan nga Neto ang pagmamaneho Isang oras at kalahati ay narating na nila ang gate ng Hda. agad naman na bumaba ang ginang at nag abot ng dalawang libo sa driver! " naku ginang ito na lamang po Ang 500 sa akin, sa dami po ng laruan na binigay niyo po ay subra subra na po Neto kaya ibinigay nito ang 1500 sa kanya labis naman ang pasasalamat nito sa kanya . pagkadating sa gate ay kinausap niya agad ang guwardiya. " Iho namumukhaan mo ba ang batang ito? siya si Zeth Del Villa baka pwede mo na kaming papasukin!" wika ng ginang nanlaki naman ang mga ng guwardiya " Senyorito Zeth, naku naku!! tinawag nito ng isa pang guwardiya sa di kalayuan! " hoy ha-halika di-dito tumawag ka nga muna sa mansion sabihin mo hinahatid ko doon Si Senyorito Zeth!" pagmamadali nito! at agad na pinaandar ang motorsiklo ang isa naman ay ginawa ang iniutos nito! Pagdating sa Mansion ay nagkagulo ang lahat at bumaha ng luha pagkakita kay Zeth. Kahit hindi ito tunay na kadugo ng lahat ay labis labis ang kaligayahan nila sa muling pagdating doon ng bata at labis naman ang pasasalamat nito sa ginang na nagmalasakit sa bata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD