Chapter 27

408 Words
Samantala sa mansion ay tumawag ang isang guwardiya. Nagmamadaling sinagot sinagot iyon ng papa ni tyler " hello?" " yes po hello po sir, si Senyorito Zeth po Papunta na po diyan!" wika nito " si Zeth?" na itawan niya ang telepono tinawag niya agad si Tyler! " Tyler anak! halika! tumawag ang guwardiya si Zeth daw papunta na dito!" agad naman nagsilapitan sa kanya ang lahat. "Ano Yong sabi mo Pa?" hindi makapaniwala si Tyler sa narinig. Magsasalita pa sana ang Papa ni Zeth marinig nila ang tunog ng motorsiklo nagsilabasan ang lahat sa mansion at maluha luhang hinintay ang pagdating nang bata! Malayo pa lang ay tanaw na nila itong nagkakaway ng kamay at nagsisigaw! " Papa Tyler , tita Sab!". hindi na nakababa si Zeth sa motorsiklo dahil binuhat na agad siya ni Tyler. Niyakap siya nito ng mahigpit habang luhaan ang mga mata. Ang Papa naman ni Tyler ay nilapitan ang guwardiya at ang ginang na kasa kasama ni Zeth. Ang guwardiya ay agad na umalis para bumalik sa puwesto. " Ginang maraming salamat sa paghatid mo sa amin ng Apo namin!" panimula ng papa ni Tyler " wala po iyon sa akin awang awa po kasi ako sa bata. Wala pong araw at gabi na hindi iyan umiiyak! Tawag po siya ng tawag sa papa niya. 'Tyler po ang binabanggit!" kwento ng ginang " at at " umiyak ang ginang pinapabayaan at sinasaktan po siya doon ng dalawa lalo na po si Clarisse, madalas po niya itong paluin at hindi napapakain ng maayos.!" sa wakas ay natapos ng ginang ang sasabihin kahit pautal utal ito. "maraming salamat dumito po kayo at kakailanganin po namin kayo sa kaso. maghahabla po kami. At para din po masiguro natin ang kaligtasan ninyo!" Turan ng papa ni Tyler " nako maraming salamat po!" at iniabot nito ang isang cellphone. " ito po nariyan po lahat ng video na maari niyo Pong gawing ebedinsiya..." nilagay nito iyon sa kamay ng papa ni Tyler " isa pa po matanda na po ako at may sakit!" bigla itong nawalan ng malay. Agad naman na tumawag ang papa ni Tyler sa kakilala niyang doctor para masuri agad ang dalawa. Napakalaki kasi ng ipinagbago ng katawan ng bata at namumula din ito may makikita ka din ditong mga pasa sa katawan. NAG USAP-USAP ang pamilya ni ilihim na nandito ang dalawa. Dadating kasi bukas ang kapatid ni Sab na ikakasal sa Linggo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD