CHAPTER ONE

1375 Words
Masaya namang sinalubong ni Roman ng yakap si Zoe at tinitigan. “Ikaw nga ang anak ko,” sambit nito habang tinititigan si Zoe sa mga mata. “Kamukhang- kamukha mo ang iyong Ina," anito habang nangingilid na ang mga luha. “Talaga po, Papa?” nakangiti rin turan sa Ama ni Zoe habang nangigilid na rin ang mga luha. Samantala, naglilinis naman sa loob ng bahay si Lilian nang may marinig itong sasakyan na pumarada sa kanilang bakuran. Kaya kaagad itong lumabas para tingnan kung sino ang dumating. “R-Roman?” gulat nitong bulong sa sarili. Nagsisimula na rin mag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang mag-ama. Napatingin na rin sa kanya si Roman. “Lilian!” sambit na ni Roman sa pangalan ng dating minamahal habang nag-uumpisa na ang pag-agos ng kanyang mga luha. At ilang saglit lamang ay dahan-dahan na itong lumapit kay Lilian. Matapos iyon ay isang mahigpit na yakap ang pinakawalan niya sa babaeng ni minsan ay hindi nawaglit sa kanyang isipan. “Patawarin ninyo ako!" hagulgol niya. "Hindi ko man lang kayo naprotektahan noon," dagdag pa nito habang dinadama ang yakap kay Lilian. “Patawarin mo rin ako, Roman," sagot rin ni Lilian habang lalong napapalakas ang kanyang hagulhol. “Naduwag ako, Roman! Naduwag ako!” Paulit-ulit nitong anas habang panay ang pagragasa ng kanyang mga luha. “Sshhh! Nandito na ako, Lilian. At hindi na ako papayag na mawala pa kayo sa piling ko," anas rin nito at hinalikan si Lilian sa noo. Hindi na napigil pa ni Zoe ang pagragasa ng kanyang mga luha dahil sa sayang nararamdaman. Halos gustong tumalon ng puso niya sa tuwa. Natupad na rin ang matagal niyang pangarap, ang makilala at masilayan ang tunay niyang Ama. Subalit sa kabila ng kanilang mainit na pagtatagpo ay isang tinig ang bumasag sa kanilang atensyon. “So, ano? Hindi ba tayo papasok? Ang init-init dito sa labas,” maarteng sabat ng isang boses babae. Kaya sabay-sabay silang napatingin sa direksyon ng tinig. “Violet, stop your nonsense talking! Sabi ko na kasing 'wag ka ng sumama, nagpumilit ka pa,” inis na turan ni Roman. “Fine,” maktol nito at pumasok ulit sa loob ng kotse. Iginiya si Roman nina Lilian at Zoe papasok sa loob ng bahay nila. “Pagpasensyahan mo na lang itong bahay namin, ha?" wika ni Lilian habang inaayos ang uupuan ni Roman. Sinuklian naman ito ng ngiti ni Roman kaya hindi maiwasang mamula ang pisngi ni Lilian. “Ayos lang, Lilian,” wika nito. Ipinakita ni Zoe sa kanyang ama ang mga litrato niya mula sa pagkabata hanggang sa pagdalaga niya. At kaagad naman itong binuklat ni Roman para makita ang litrato ng anak. Naluluha pa ito habang tinitingnan ang litrato ni Zoe. “Pasensya ka na, anak. Hindi ko man lang nasubaybayan ang iyong paglaki. Kung alam ko lang noon pa na buhay kayo, sana noon ko pa kayo hinanap,” usal nito habang tuloy pa rin sa pagsinghap. Masaya ang bawat isa na nag-usap-usap matapos ang mga sandaling iyon. Hanggang sa si Roman nanam ang nag-kuwento ng kanyang pagdurusa nang malaman niyang patay na noon si Lilian. Sinabi rin ni Roman na in-ampon niya si Violete para maibsan ang sakit na nararamdaman niya noong mawala sa buhay niya si Lilian. Pero hindi sinabi ni Lilian kay Roman ang tunay nitong dahilan kung bakit ito umalis at iniwan siya. Gusto na kasing ibaon ni Lilian sa limot ang nakaraan. “Lilian, sumama na kayo ni Zoe sa akin sa Maynila. Ako na ang bahalang magpa-aral kay Zoe,” kuno’t noo nitong sabi kay Lilian na pakiusap sa mga mata. “R-Roman, baka nabibigla ka lang!” nauutal naman na aniya ni Lilian. Hinawakan ni Roman ang kamay ni Lilian kaya nanlaki naman ang mata nito dahil sa mga titig sa kanya si Roman. “Seryoso ako, Lilian! Sumama na kayo ni Zoe sa Maynila. Ibibigay ko lahat ng kailangan niyo. At gusto kong bumawi sa anak natin," pakiusap na nito habang namumuo pa rin ang luha sa mga mata. “Sige na po, Inay! Pumayag na po kayo,” sabat naman ni Zoe na halata ang pagka-excite. “Ganito na lang, Roman, si Zoe muna ang isama mo at susunod na lang ako. Aayusin ko muna rito sa bahay saka kami susunod ni Nanay Conchita,” turan naman ni Lilian. Pumayag naman si Roman sa sinabi niya. Samantala, lingid sa kanilang kaalaman ay may mga mata na kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan nila. Si Violete. Tinawagan agad nito ang mommy nitong si Aurora na nasa ibang bansa. Kaya galit na galit na naman si Aurora. Matapos ang napagkasunduan ng mag-anak ay hinatid muna ni Roman sa isang hotel si Violete para doon magpalipas ng gabi. Si Roman naman ay bumalik sa bahay nina Zoe at Lilian para doon matulog. Gusto niya kasing makasama ang mag-ina niya lalo na si Lilian dahil kinabukasan ay iiwan niya na naman ito. Kaya bakas na sa mukha nito ang lungkot, pero masaya pa rin ito dahil makakasama na nito ang anak na nawalay ng labing pitong taon. At sariling dugo at laman pa nito. “Mag-iingat ka doon anak, ha? Magpapakabait ka sa papa mo," bilin ni Lilian habang inaayos ang mga damit na dadalhin ni Zoe. “Opo, Inay! Mag-iingat po ako. Kayo din po ni lola, mag-iingat din po kayo rito, ha? Sumunod po agad kayo ni lola, Inay,” maluha-luha nitong wika sa ina. Nilapitan ni Lilian ang anak at niyakap ng mahigpit kasabay ang pagbuhos ng luha nito. “Huwag na po kayong malungkot, Inay! Susunod naman po kayo agad ni lola, ‘di po ba?” nakanguso naman wika ni Zoe sa Ina. Tumango lang si Lilian at pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. Mayamaya ay narinig na nila ang busina ng kotse nang kanyang ama. “Oh, nandiyan na ang papa mo at kapatid mo. Sige na,” naluluha pa rin nitong anas. Tumayo na si Zoe para lumabas. Sumunod rin si Lilian sa anak para masulyapan ang pag-alis ng anak. Bumaba si Roman at pinagbukasan ng pinto ng sasakyan si Zoe saka tinapunan ng tingin si Lilian habang lumuluha ito na nakamasid sa kanila. Kaagad itong lumapit kay Lilian at niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Napapikit naman si Lilian habang hindi mapigil ang pag-agos ng luha nito. “Hihintayin kita,” bulong ni Roman kay Lilian. Tumango lang si Lilian kay Roman. At matapos iyon ay tinalikuran na siya ni Roman at agad na sumakay sa magara nitong kotse. Nagbusina pa ito bago tuluyan pinaandar ang sasakyan. Naiwan si Lilian na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Ngayon lang kasi nawalay sa kanya si Zoe. “Dad, can I ask?” basag ni Violete sa Ama habang nagmamaneho. “Yes, sure. What is it?” sagot naman nito. “Why are we with her?” tanong niya at tinapunan ng masamang tingin si Zoe. “Violete, listen. She is your sister kaya kasama natin siya. Be nice to her, naiintindahan mo ba?” kunot-noo nitong sagot kay Violete na kahapon pa nakasimangot. “Fine, dad!” sagot naman nito at inirapan si Zoe saka tumalikod. Hindi naman pinansin ni Zoe ang nagmamaktol na si Violete. Basta ang mahalaga sa kanya ay kasama niya na ang Ama. Hanggang sa hindi na nito namalayan na nakatulog na pala siya. Nagulat na lang siya ng gisingin na siya ni Roman para sumakay sa kanilang private chopper. At namangha agad siya nang makita ang chopper na sasakyan nila. “Papa, diyan po tayo sasakay?” tanong niya sa Ama habang nanlalaki ang mata sa gulat. “Oo, anak. Diyan tayo sasakay,” nakangiting sagot naman ng ama at hinaplos ang mahaba niyang buhok. Lalo namang nainis si Violete kay Zoe dahil sa ka-ignorantehan nito. Kaya lagi niya itong tinatapunan ng masamang tingin. Tahimik lang si Zoe habang nakasakay sa kanilangp private chopper. Hindi niya mapigilan ang kabang nararamdaman habang nasa taas sila ng himpapawid. Nakikiramdam lang ito sa dalawang kasama na kapwa parehong tahimik. Nagulat na lang ito nang magsalita ang kanyang ama at sinabing malapit na sila. Kahit kabado siya pangyayari ay pinilit niya pa rin ngumiti sa sinabi ng ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD