PROLOGUE
“Inay! Inay!” tawag ni Zoe sa Nanay nitong si Lilian.
Taranta namang napatakbo si Lilian para puntahan ang anak dahil sa pagkabigla.
“Bakit, anak? Anong nangyari?” pagtatakang tanong nito dahil sa gulat.
Ipinakita ni Zoe sa kanyang Ina ang larawan ng isang may edad na lalaki. Kaya biglang nanlalaki ang mata ni Lilian sa nakita.
“S-saan mo nahanap ‘yan?” nauutal nitong tanong sa anak na bakas pa rin ang pagkabigla sa nakikita.
“S-sinong nagbigay ng litrato na ‘yan sa ‘yo?” dagdag pa nito habang nanlalaki ang mata.
Nagsimula na rin mangulap ang kanyang mga mata.
“Pinasa lang po ito sa ’kin nang kaibigan niyong si Aling Martha sa messenger, Inay,” masayang sabi sa Ina.
Nanlamig bigla ang buong katawan ni Lilian sa narinig. Halos gusto nang mag-unahan ang kanyang mga luha sa pagbagsak. Napahawak na rin ito sa kanyang dibdib na nagsisimula na sa pagkabog.
“Nay, siya po ba ang tunay kong Ama?” pagtatanong na ni Zoe sa ina na lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ni Lilian.
Hindi rin ito agad nakasagot sa tanong ni Zoe. Nanlalaki lang ang mata nito habang pinipilit na 'wag bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Nagulat na lang ito nang may magsalita sa kanilang likuran.
“Sabihin mo na kasi ang totoo, Anak,” sabat ng isang matandang babae.
“Malalaman at malalaman niya rin naman ‘yan pagdating ng panahon,” dagdag na sambit pa ng ina ni Lilian na si Conchita.
“P-pero, 'Nay!” nauutal na usal ni Lilian sa ina.
“Siguro ito na ang tamang panahon. Kaya sige na! Sabihin mo na sa kanya ang totoo,” pagkukumbinsi nito kay Lilian.
Napayuko na lang si Lilian kasabay na ang pagtulo ng kanyang mga luha. Pero huminga muna ito ng malalim habang pasinghap-singhap na bago ibinalik ang paningin sa anak. At ilang saglit lamang.
“Oo, anak! Siya ang papa mo,” aniya habang sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha.
“T-talaga, 'Nay? Kung gano'n, totoo nga na siya ang tunay kong Ama?” maluha-luha na rin nitong aniya.
Bakas na bakas na rin sa mukha ni Zoe ang sayang nararamdaman dahil sa sagot ng kanyang Ina. Matagal na kasi nitong gustong makilala ang tunay na ama. Ngunit kahit isang beses ay wala man lang nabanggit si Lilian sa kanya. Tinago ni Lilian si Zoe sa kanyang ama dahil sa takot na baka madamay pa ito sa galit sa kanya ni Aurora, ang tunay na asawa.
Nagtrabaho kasi noon bilang kasambahay si Lilian sa Pamilya Rodriguez. At hindi sinasadya na magkagusto sa kanya ang kanyang amo na si Roman Rodriguez. Walang anak si Roman at Aurora Rodriguez dahil may sakit sa matres si Aurora kaya hindi sila nabiyayaan ng anak ni Roman.
Dahil sa kakulangan ni Aurora, hinahanap iyon ni Roman sa ibang babae. Kaya aksidenteng si Lilian ang kanyang nagustuhan at gano'n din si Lilian sa kanya. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng mga sandaling iyon. Nang malaman ni Aurora na nagkaroon sila ng relasyon ni Roman ay agad-agad siya nitong pinalayas.
Galit na galit naman noon si Roman nang malaman na pinalayas ni Aurora si Lilian. Alam na rin kasi ni Roman na buntis na si Lilian ng mga sandaling iyon. Kaya hinanap nito si Lilian at nang matagpuan niya ito ay nagsama sila. Hindi naman iyon matanggap ni Aurora kaya pina-ambush niya ang sasakyan ni Lilian dahilan para mabangga ito. Sa takot naman ni Lilian ay hindi ito lumabas ng sasakyan. At laking gulat na lang ni Lilian nang may lumapit sa kanyang babae habang nasa loob pa siya ng sasakyan. Subalit mas palong pang nanlaki ang kanyang mga mata nang buksan na ang pintuan ng kanyang sasakyan. Dahil iniluwa nito si Aurora habang mapait na nakangisi sa kanya.
“Ito ang tatandaan mo, Lilian! Kapag hindi ka lumayo, ikaw at ang nanay mo, saka ‘yang pinagbubuntis mo, lahat kayo mamatay!” madiing banta ni Aurora kay Lilian habang nakatutok na ang mga baril sa kay Lilian ng limang lalake.
Sa takot naman ni Lilian sa ginawa ni Aurora noong mga panahong iyon ay hindi na ito umuwi sa bahay nila ni Roman. Isinama nito ang Ina at nagpakalayo-layo na lamang. Napadpad sila sa Cebu. May kamag-anak doon ang nanay niya kaya roon sila nagbagong-buhay dahil sa takot niya kay Aurora.
Hindi na rin naman hinanap ni Roman si Lilian dahil ang buong akala nitong patay na siya, dahil na rin sa natagpuang sunog na bangkay sa kotse ni Lilian.
Dahil sa saya na naramdaman ni Zoe ng mga oras na iyon ay hindi ito nakatulog. Binuksan muli nito ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ng kanyang Ama sa social media. Kaagad niya naman itong nakita kaya nag-message agad siya rito. Nag-reply naman si Roman sa kanya kaya sobrang saya niya. Nagpakilala agad si Zoe na siya ang anak nila ni Lilian ngunit hindi siya pinaniwalaan ng Ama. Nagalit pa sa kanya si Roman at sinabing patay na si Lilian kaya 'wag siyang lolokohin. Para maniwala si Roman ay ipinasa nito ang litrato nilang mag-ina kaya laking gulat ni Roman sa nakita. Kaagad itong nag-video call sa kanya kahit hating gabi na. Sa sobrang saya ni Zoe ay kaagad naman nitong sinagot ang tawag ng kanyang ama.
“T-Totoo ba talaga? Buhay ba talaga si Lilian? At ikaw ba talaga ang anak namin?” Nangingilid na ang luha ni Roman habang kausap ang anak sa cellphone. At hindi ito mapakaniwala sa nangyayari.
Nagsimula na rin ang pagtulo ng luha ni Zoe nang masilayan sa cellphone ang amang matagal na panahong pinangarap na makita at makilala
“Opo, totoo po! At ako po ang anak ninyong dalawa,” anas nito habang sunod-sunod na rin ang pag-agos ng luha.
Kaagad nitong ginising ang natutulog na ina upang makita ang kanyang ama sa cellphone. Napabalikwas pa ng bangon ang Ina nang sabihin ni Zoe ang tungkol kay Roman.
“R-Roman?” gulat nitong sambit nang makita na ito.
“Totoo ba ‘to?” Nanlalaki ang mata nitong anas. Hindi ito makapaniwala sa nakikita. Pabaling-baling ito ng tingin sa mag-ama habang nanlalaki ang mata sa pagkabigla.
“Lilian, ikaw ba 'yan?” usal ni Roman kay Lilian habang sunod-sunod na rin ang pagsinghap nito.
“Ikaw nga, Roman." At nagsimula nang magsibagsakan ang kanyang mga luha nang masilayang muli ang lalaking minsan nitong inibig.
“Nasaan kayo? Bukas na bukas ay pupuntahan ko kayo." Umiiyak na nitong anas sa mag-ina.
Napuno ng luha ang apat na sulok ng silid ng mag-inang Lilian at Zoe. Hindi na mapigilan ang paghagulhol ng bawat isa nang mga sandaling ‘yon. Sinabi na rin ni Lilian sa kanya kung nasaan sila.
At pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay nakatulog si Zoe ng may ngiti sa labi. Natupad na rin ang pangarap nitong makilala ang kanyang tunay na ama. Kahit madaling araw nang nakatulog si Zoe ay maaga pa rin itong nagising. Pero hindi na tulad nang dati na para bang may kulang sa tuwing gigising siya sa umaga. Ngayon ay kakaiba na ang aura niya. Kaya kaagad itong napansin ng kaibigan niyang bakla na si Leonard, aka Leni.
“Oy, baks!” bulalas nito kay Zoe.
“Ganda ng ngiti natin ngayon, ha!” nagtatakang anas nito at pinalipad ang magandang buhok ni Zoe sa likod.
“Anong meron?” usal pa nito.
Dahil sa sayang nararamdaman ay bigla napatili si Zoe ng malakas na ikinagulat ng kaibigang bakla.
“Diyos mio naman, bakla! Papatayin mo ako sa gulat,” gulat nitong turan kay Zoe at napahawak sa kanyang dibdib.
“Baks, kilala ko na ang tunay kong Ama!" patiling sambit nito at napatalon silang dalawa sa tuwa.
“Talaga, baks? Pogi ba?” pabirong wika nito kaya binatukan ito ni Zoe sa ulo.
“Aray! Ito naman, hindi mabiro." Saka sumimangot.
“Ikaw kasi puro ka kalokohan,” maktol din ni Zoe sa kaibigan. Pero nang mapansin nitong tila nagtampo ang kaibigan ay kaagad niya rin itong niyakap.
Kaagad naman nawala ang inis ni Leni sa kanya. Kaya muli silang bumalik sa kanilang usapin tungkol sa tunay na ama ni Zoe. Sinabi rin ni Zoe na excited na siyang masilayan ang kanyang ama. Masayang- masaya si Zoe habang nakikipag-kwentuhan sa kaibigan. Hindi na nito namalayan pa ang oras. Nagulat na lang ito nang may bigla humintong isang magarang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.
“Aba! May bisita ka 'ata, bakla,” anas ng baklang kaibigan.
“Sino kaya sila?” pagtataka nitong aniya.
Ngunit biglang nanlaki ang mata ni Zoe nang bumaba na ang nakasakay sa magarang sasakyan.
“Papa!” bulong nito sa sarili. At nang masigurado na nito kung sino talaga ang dumating ay bigla itong napasigaw ng tawag sa ama.
“Papa!” Mabilis itong tumakbo patungo sa direksyon ng lalaki at tinalon niya ito ng yakap.
“Papa, ikaw nga!” gulat na gulat nitong anas.