bc

Little One

book_age16+
2.4K
FOLLOW
4.0K
READ
killer
dark
arrogant
twisted
bold
female lead
male lead
multi-character
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

"Bakit ba ang boba mo?!ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?!" Bulyaw ng isang teacher habang dinuduro duro ang noo ng dalagang nasa 18 years old.

"Ang pangit mo na nga ang tanga tanga mo pa!" Dagdag ng guro na kinatawa ng buong klase.

"Kung tapos kana meron ka pang limang minuto para makaalis ka sa eskwelahan na ito ng nakatayo." Ani ng binatang kasalukuyang nakahilig sa pinto na kinatulala ng lahat ng estudyante. Habang ang guro naman ay halos mawalan ng kulay ang mukha ng makita ang walang emosyong kulay berdeng mga mata ng binata na nakapako ang tingin sa matanda.

"R-Racer." Hindi makapaniwalang bulong ng dalaga habang nakatingin napakagwapong binata na walang emosyong ang mukhang nakatingin sakanila.

"Long time no see...My little one."

chap-preview
Free preview
01
Chapter 1 3rd Person's POV; "A-Alis ka?" Tanong ng batang babae na nasa limang taong gulang habang nakahawak sa laylayan ng damit ng binatilyong nasa kinse anyos na ngayon ay nakatalikod at balak na lumabas sa kubo. "Babalik ako Aki." Bulong ng binata ng hindi tinitingnan ang batang babae. "Pagbalik ko may mga dala na akong mga damit at maraming pagkain para sayo maipapagawa ko na din ang dream house na gusto mo." Ani ng binata bago umikot at lumuhod sa harapan ng batang babae. "Kukuhanin na kita oras na mayaman na ako maibibigay ko na lahat ng gusto mo." Bulong ng binata bago marahang haplusin ang sunog na bahagi ng mukha ng batang babae at matamang tingnan ang asul nitong mga mata na kinalambot ng expression ng binata. "Babalik ako...Amber." ani ng binata bago tumalikod at humakbang palabas. "Amber!" Muntikan ng mapatalon ang dalaga ng may sumigaw sa tenga niya na kinangiwi ng dalaga. "Ano ba nanay Teresita naman eh bakit kayo sumisigaw?" Tanong ng dalaga bago humakbang paatras para lumayo sa ginang habang hawak ang tenga. "Masyado ka bang nagandahan sa nga pinadala ni Racer at natulala kana diyan?" Nakapamulsahang tanong ng binatang si Terrance isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ng binata. "Lahat naman ng pinadadala niyang mga damit,alahas at sapatos maganda." Walang ganang sagot ng dalaga na kinatingin ng ginang. "Nagagandahan ka sa lagay na yan anak?" Sarcastic na tanong ng ginang na kinatinginan ng dalawa sa kasama ng binatang si Terrance na nangangalang Renzo at Drake. "May gusto ka pa bang ibang bagay bukod sa mga yan Young lady?" Sabat ng binatang si Renzo bago ituro ang mga paper bag na nasa paanan ng dalaga. "Meron." Sagot ng dalaga. "Anything you want ibibigay namin aga---." "Dalhin niyo si Racer ngayon dito." Putol ng dalaga na kinahinto ng tatlong lalaki. "Young lady alam mong hindi pwede marami masyadong inaasikaso na business si Boss." Sagot ni Terrance na kinayuko ng dalaga. "Iha intindihin mo na lang si Racer marami lang siguro siyang ginagawa kaya ganito." Pag cocomfort ng ginang na nagsisilbi na din niyang ina. "Sabihin niyo sa boss niyo sa susunod na birthday ko wala siya dito at hindi nagpakita sakin aalis ako at hinding hindi na din niya ako makikita." Kalmadong sambit ng dalaga bago tumalikod at tumaas ng hagdan. "Amber iha!" Sigaw ng ginang na kinamura ng tatlong lalaki. "Anong gagawin natin Terrance?" Tanong ng binatang si Renzo na kinabuga ng hangin ng binata. "Tawagan niyo si Boss at sabihin niyo yung sinabi ni Young lady." Sagot ni Terrance habang sapo ang noo at nakatingin sa nga paper bag na nagkalat na hindi man lang hinawakan ng dalaga. --- "Masarap na pagkain,malambot at malaking kama,maraming stufftoys,magagarang damit,magagandang jewelries, mamahaling sapatos at may sobrang laking bahay." Bulong ng dalaga habang nakasandal sa pinto ng kwarto at nakatingin sa kabuuan ng sariling kwarto. "Aanhin ko lahat ng ito?" Bulong ng dalaga bago nagpadausdos pababa at yakapin ang sariling tuhod habang nakasubsob sa pagitan ng mga ito. "Hindi naman kasi ang mga ito ang kailangan ko." Bulong ng dalaga. --- 'Lasel[Racer]look ang ganda nung buwan.' Ani ng batang babae habang naka piggy back ride sa napakagwapong binatilyo na ngayon ay nakapako ang tingin sa bilog na bilog na buwan kung saan nakaturo ang batang babae. "Wow!look may stal na nahulog." Tuwang tuwa na sambit ng batang babae na kinatawa ng mahina ng binata. "Falling star yun Little one mag... humiling ka malay mo magkatotoo." Ani ng binata. "Magkakatotoo talaga pag humiling ako?" Kumikinang ang matang sambit ng batang babae bago pumikit na kinatigil ng binata sa paghakbang bago bahagyang lingunin ang batang babae na nakapikit. "Nakahiling kana?" Tanong ng binata ng nagmulat ng mata ang batang babae at masalubong niya ang asul na mga mata ng batang babae. "Sana magkatotoo." Ani ng batang babae bago yumakap sa leeg ng binatilyo. "Ano bang hiniling mo?" Tanong ng binatilyo. "Ahm ano....gusto ko ng malaking bahay,maraming pagkain,magagandang damit,sapatos at toys hihi." Ani ng batang babae na kinangiti ng konti ng binatilyo bago ulit humakbang. --- "Hoy boba linisin mo daw itong classroom!" Sigaw ng isa sa mga estudyanteng naiwan pagkatapos ng klase. "P-Pero kayo ang inutusan." Nauutal na sagot ng dalaga na kinatawa ng apat pang babae ng umusok ang ilong ng isa sa mga kabarkada. "Aba sumasagot kana?!" Ani ng dalaga bago walang kaano anong hilahin ang buhok ng kawawang babae. "Ilang years mo pinag aralan yang pagsagot sagot mo ha?Amber panget haha." Sabat ng isa sa grupuhan ng babae na nasa unaha. "T-Tama na lilinisin ko na." Ani ng dalaga ng mapaupo ito sa sahig at pilit na tinatakpan ang sunog na bahagi ng mukha gamit ang mahaba nitong buhok. "Susunod ka din pala ang dami mong sinabi." Ani ng babae bago tumalikod at nakipag apir sa iba pang babae na nasa pinto at nandidiring tumingin sa kaawa awang dalaga. "Bakit ka pumapayag na ganun ganunin ka lang ng mga babaeng yun?" Napaangat ang tingin ng dalaga ng may babaeng walang kaano anong pumasok sa classroom at lumapit sa pwesto niya. "S-Sino ka?estudyante ka ba dito?" Nahihiyang tanong ng dalaga bago yumuko ng lumuhod ang babae para mapantayan ang mukha ng dalaga. "Temporary student dito ako sa classroom na ito papasok simula bukas." Balewalang sagot ng babae bago tulungang tumayo ang dalaga. "A-Ano bakit mo ako tinulungan?baka may makakita sayo bubullyhin ka din nila." Nag aalalang tanong ng dalaga na kinataas ng gilid ng babae. "Mas takot ako sa mangyayari sakin pag hindi ko nagawa ng tama ang misyon ko dito kaysa mabully." Sagot ng babae na kinatingin ng dalaga. "Ha?" Nagtatakang tanong ng dalaga na kinataas ng gilid ng babae. "Tutulungan kita maglinis lubos lubusin mo na dahil hindi na ito mauulit." Bulong ng babae. "A-Ano salamat hindi mo naman kailangan lagi akong tulungan." Sagot ng dalaga bago paulit ulit na nagbow na kinailing ng babae. "Hindi yan ang ibig kong sabihin." Sagot ng babae habang ngumunguya ng bubble gum at nakapamulsahang lumapit sa mga upuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
38.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
167.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
55.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
23.9K
bc

Lust & Love

read
16.6K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
72.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook