SHEENA
"Wala naman po, mom. Wala naman pong may galit sa akin," sagot ko ulit sa tanong ni mom sa akin.
Muli na naman siyang napaisip, gano'n si dad na kasalukuyan pang humihigop ng kape ngayon.
"Ikaw, Shion? Saan ka ba pumupunta at hindi mo sinasamahan o binabantayan ang kapatid mo? Sa pagkakaalam ko dati ay madalas kayong magkasama ng kambal mo. Ano nang nangyari ngayon?"
Galit na binalingan ng tingin ni mom si Shion.
Nag-aalala ako sa isasagot ng kambal ko dahil baka mas lalo pa siyang pagalitan ni mom kaya ako na lang ang sumagot. Parang wala nga rin sa sarili si Shion ngayon e. Nakatulala lang siya.
"Ah, mom. Madami po kasing gawain sa paaralan na pangkatang gawain kaya madalas po kaming hindi nagkakasabay ni Shion," nakangiti kong paliwanag kay mom.
Hinawakan ko pa ang kamay ni mom para pakalmahin siya.
Tumingin saglit si Shion sa akin at pagkatapos ay bumalik na naman siya sa pagkatulala niya.
Ilang minuto pang tumingin si mom kay Shion at hinintay ang maisasagot nito, pero pagkalipas ng ilang segundo ay bumuntong hininga din siya at umupo ng maayos. Nanatili pa ring nakatulala si Shion. Med'yo nag-aalala na talaga ako sa kambal ko.
Ilang linggo na rin ang lumipas magmula nang may mangyari sa aking masama. Nang may nagtangka kasing mangdukot sa akin, nasundan na naman ng pangyayaring ngayon.
Dati ay hindi pa nakaabot sa kaalaman nila mom at dad, iba na ngayon. Madalas ay may bigla-bigla na lang bumabagsak na matigas na bagay sa dinadaanan ko. Minsan naman ay may kotse o ano mang sasakyan ang bigla na lang sumasalubong sa paglalakad ko at ang pinaka malala ay ang muntik na namang pagdukot sa akin.
Buti na nga lang at nakita ako nina Smith at Exconde na bitbit na ng kidnapper. Sumigaw silang dalawa na naging dahilan para ibaba na lang ako ng kidnapper at tumakbo na lang siya palayo. Med'yo natatakot na rin ako sa maaari at p'wede pang manyari. Sana lang ay hindi na ito maulit. Isang malalim na buntong hininga tuloy ang pinakawalan ko.
"Sabay na kayong pumasok ngayon. Tandaan ninyo na huwag na huwag kayong maghihiwalay ha," muling paalala ni mom sa amin ni Shion.
"Opo, mom."
Sabay kaming sumagot ni Shion sa aming mga magulang at pagkatapos ay muli na kaming kumain ng almusal at naghanda na para sa pagpasok.
Hindi ko alam kung bakit tila yata wala ngayon si Karylle. Nasaan kaya siya? Hindi ko rin naman matanong si Shion dahil hanggang ngayon ay parang wala pa rin siya sa sarili niya. Nakatulala siya at napaka seryoso ng kaniyang mukha na tila malalim na naman ang iniisip.
"Hey."
Tumingin agad ako kay Shion nang bigla niya kong tawagin.
Although, he didn't really says my name.
"Bakit, Shion?" nakangiti kong tanong.
"Wala ka ba talagang kagalit o isang taong na may galit sa 'yo?" tanong niya.
Mabilis akong umiling bilang tugon sa kay Shion.
"No, Shion. Wala naman. Hindi ko alam kung magagawa sa akin ng tao na ito ang tungkol dito. Sigurado akong alam mo na kung sino ang tinutukoy ko."
Nakaramdam ako ng lungkot nang sumagi sa aking isipan ang tungkol sa taong tinutukoy ko. Malungkot talaga dahil kahit sadyang masama ang trato ng tao na 'yon sa akin, nararamdaman ko pa rin na may pag-asa pa para maging magkaibigan kaming dalawa. Kaya sana lang, sana lang ay hindi siya ang may gawa sa akin ng bagay na ito.
Tumahimik si Shion. Tila pinag-iisipan ang sasabihin niya tungkol sa pinahayag ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay bigla siyang tumigil sa paglalakad.
"Sheena. Sa tingin ko ay mas nakakabuti sa 'yo kung huwag ka munang sumama sa ibang tao at magtiwala sa kanila. Kahit na kila Neiz, Lyro, Karylle at Lyra."
Ang boses ngayon ni Shion ay mas seryoso na. Seryoso na rin siyang nakatingin sa direksiyon ko.
Nagtaka at natigilan ako sa sinabi niya kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Bakit naman?
"Makinig ka na lang sa akin, Sheena."
Nagsalita pa ulit si Shion at saka pinagpatuloy ang paglalakad. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad at sumabay sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya kanina.
"Bakit naman, Shion? Bakit hindi ko rin dapat pagkatiwalaan ang mga kaibigan mo at lalo na si Karylle?" tanong ko sa kaniya habang patuloy pa ring naglalakad.
"Huwag ka nang magtanong, Sheena. Basta sundin mo na lang kung anong sinabi ko sa 'yo, okay? Saka hindi mo naman sila talaga iiwasan o hindi kakausapin, pero kailangan kapag may kasama kang ibang tao, dapat kasama mo rin ako. Hindi. Kahit mag-isa ka lang, dapat lagi akong nasa tabi mo dahil. . . dahil hindi ko kakayanin kung bigla ka na lang mawala sa amin, sa akin."
Natigilan ako ng mahimigan ko ang malungkot na boses ni Shion. Alam ko at nararamdaman kong okay na kami ni Shion, pero med'yo naguguluhan pa rin ako sa dahilan niya kung bakit pati ang mga kaibigan namin ay hindi ko dapat pagkatiwalaan ngayon.
Ngumiti na lamang ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Napansin kong bahagya siyang nagulat dahil sa ginawa kong paghawak sa kaniyang kamay.
"Please, Shion. Hold my hand too so that I will never hurt by someone again. Just knowing that you are by my side right now, I feel safe already." Ngumiti ako kay Shion pagkatapos kong magsalita.
Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko na lang nakitang ngumiti si Shion kaya nagalak din ang aking kalooban dahil ang ngiti niyang 'yon ay isang ngiti na pangangarapin kong makita ulit.
Magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa eskwelahan. Malapit na kaming makapasok sa entrance ng eskwelahan nang bigla akong matisod sa isang bato. Nagkahiwalay ang kamay namin ni Shion.
Akala ko ay babagsak na ko ng tuluyan sa lupa kaya pumikit ako at hinintay na lang ang pagbagsak ko ngunit naramdaman kong may sumalo sa akin kaya agad kong iminulat ang aking mata, pero natigilan ako nang malamang hindi pala si Shion ang sumalo sa akin.
Bigla niya kong nilagyan ng panyo sa aking ilong. Nagpupumiglas ako ng bigla niya kong binuhat ngunit unti-onti ay bigla akong nanghina.
"Shion. . ."
Hanggang sa nahilo ako at nawalan na ng malay habang nakatatak sa aking isipan ang kambal kong naglalakad palayo sa akin.