CHAPTER 9

1014 Words
SHEENA "I'm sorry for what happened yesterday, Karylle." Humingi ako ng tawad kay Karylle tungkol sa kahapon habang naglalakad kami sa campus. Kasabay din namin ngayon si Shion na tahimik lang sa isang tabi dahil wala siyang idea kung ano ba ang pinag-uusapan namin ngayon ni Karylle. Masaya ako at hindi talaga nagalit o nagtampo man lang si Karylle dahil nga sa nangyari kahapon. "Shh. How many times do I need to tell you that It's really okay? Saka isa pa, ilang beses ka nang humingi ng tawad sa akin. Feeling ko tuloy malaking kasalanan ang nagawa mo sa akin." Ngumuso sa akin si Karylle. Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang tugon. "Kasi naman sinabi ko sa 'yo na-" Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si Karylle. "I said, 'Sshh'. That's okay. Sa tingin ko mas may thrill kung ako na mismo ang aalam," nakangiting saad ni Karylle sabay kindat pa sa akin. Natigil kami sa pag-uusap nang biglang sumingit si Shion sa usapan namin. "So, What are you guys talking about?" walang emosyon niyang tanong. Tiningnan ko si Karylle para itanong sa kaniya kung dapat pa bang malaman ni Shion ang dahilan kung bakit kami nagkikita. Ngumiti siya sa akin at siya na mismo ang sumagot sa tanong ni Shion kanina. "We're talking about yesterday. Pumunta kasi kami sa ocean park kahapon at habang kumakain kami sa loob ng mall ay natapunan niya ko ng pagkain. That's why she is saying sorry until now." Nakangiti si Karylle kay Shion para hindi mahalata ng kambal ko na nagsisinungaling lang siya. Pagkatapos ay pasimpleng kumindat si Karylle sa direksiyon ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay tuluyan na kaming nakarating sa campus. Humiwalay ang dalawa sa akin pagkadating sa hallway dahil katulad ng naka-ugalian, hinahatid ni Shion si Karylle patungo sa classroom nito. "Good morning, Sheena." Sinalubong ako ng bati nina Smith at Exconde pagkapasok ko sa aming classroom. "Good morning din sa inyo," nakangiting tugon ko sa kanila. Pagkatapos ay umupo na ko sa aking upuan. Natigilan ako nang maalala ang nangyari kahapon sa coffee shop. I don't really know why I'm crying that time. Hindi ko rin alam hanggang ngayon kung anong ibigsabihin ni Karylle sa sinabi niya sa akin kahapon. Ewan ko kung sadyang pareho lang talaga sila ni Shion na may pagka-weird ang salita minsan. Hindi ko alam. Nagbalik sa realidad ang isip ko nang dumating na rin ang adviser namin kasabay pa si Shion. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad patungo sa upuan niya. Naisip ko lang, ito na kaya ang panahon para sabihin ko sa kaniya ang sagot ko sa tanong niya noon? I know. . . I know that I will be selfish if I pick the first choice, but if I choose the second choice, I'll be the one who will get hurt. Alam ko rin na hindi pa ito ang tamang oras, but I need to answer him now before. . . Before it's too late. Before I can't anymore. Huminga ako ng malalim at sa aking pagbuntong hininga ay nakapili na ko at nakapag desisyon. Desisyon na sasabihin ko na sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Nagsulat ako ng note para kay Shion na magkita kami sa rooftop pagkatapos ng klase. Pagkatapos ay pasimple ko 'yong inabot kay Shion habang nagtuturo ang teacher namin sa harapan. Bahagya pa siyang nagulat at napatingin sa akin. By the way, hindi kami magkatabi ng upuan ni Shion. Sadyang malapit lang ang upuan namin sa isa't isa. Maya-maya ay binasa niya na ang sinulat kong note at nang matapos niya ng basahin ay muli siyang napatingin sa direksiyon ko, pero hindi na ko lumingon ulit sa kaniya hanggang sa matapos ang klase. Pagkatapos kong matapos ang lahat ng gawain sa classroom ay agad akong nagtungo sa rooftop. Naabutan kong nakahiga si Shion habang nakatingin na naman sa kawalan at tila may malalim na namang iniisip. Umupo ako sa tabi niya at saka tumingin din sa kawalan. Noon, lagi kaming tumitingin sa langit ni Shion tuwing gabi. Masaya naming pinagmamasdan ang mga nagniningning na bituin. Inaabangan namin kung may darating o mapapadaan bang shooting star. Kahit ilang ulit at ilang beses na kaming walang nakitang shooting star, sa bawat gabi na dumadaan, nanatili pa rin kaming nanalangin na sana dumaan ang araw na makakita na rin kami. Na sana balang araw ay makasilay na rin kami kahit isa lang. Lumingon ako kay Shion at ngumiti ako sa kaniya. "Ang tungkol sa sinabi ko kanina. . ." Nanatili pa rin siyang nakatingin sa langit, pero sumagot siya kaagad sa akin. "What about it?" walang gana niyang tanong sa akin. "Ang tungkol sa sinabi mo sa akin noon. . ." Nabalot ng katahimikan ang buong paligid at maya-maya ay sumagot din siya sa akin. "Alin doon?" Tumingin si Shion sa aking direksiyon at walang emosyon akong tinitigan sa aking mata. Nag-isip muna ako kung sasabihin ko na ba sa kaniya o hindi. At mga ilang minuto na ang nakalipas, huminga ako ng malalim, tumingin sa kaniya at saka ako nag-ipon ng lakas para sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya pinapunta rito ngayon. "Gusto ko lang sabihin sa 'yo ang sagot ko noon sa sinabi mo nang iniligtas mo ko. You said. . . You said you loves me as a man and not as a my twin and I didn't answer that time because I'm really confuse to your words but now, I already think about it and I already have an answer to it. I think, no." Iniling ko ang aking ulo at muling pinagpatuloy ang pananalita ko. "I feel the samething. Of course, not as your twin but as your-" Tumigil ako sa pagsasalita nang bigla na naman siyang sumingit. Ang tingin niya sa akin ay hindi pa rin nagbabago. Napaka lamig pa rin nito kaya parang may tumusok sa puso ko. "Oh? Really? But, I think your not ready to say it yet. Say it when you already accepted me as your man." Pagkatapos magsalita ni Shion ay tumayo na siya at pinagpag ang nadumihan niyang damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD