CHAPTER 8

1647 Words
SHEENA Maaga pa lang ay umalis na ko ng bahay para pumunta ng coffee shop. Saturday ngayon at seven thirty pa lang ng umaga nang umalis ako sa bahay. Mayroon daw kasing sasabihin sa akin ang isang tao. "Good morning, Sheena! Kanina ka pa ba nandito? Pasensiya ka na ha. Nakalimutan ko kasing i-set ang alarm ng clock ko. Kaya na-late na ko ng gising," bati at paliwanag ni Karylle sa 'kin, pagkadating na pagkadating niya. Ngumiti lang ako sa kaniya nang tuluyan na siyang makaupo sa harap ng table na inuupuan ko ngayon. "Okay, lang. Maaga lang din talaga kong dumating ngayon dahil interesado ako sa bagay na sasabihin mo sa 'kin. Siguro ay mga kalahating oras ako dumating bago ang napag-usapang time." Ngumiti ako pabalik sa kaniya. Tumitig si Karylle sa akin ng ilang minuto. Med'yo naiilang nga ko dahil nakangiti lang siya habang nakatitig sa 'kin. Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng mahina at saka muling nagsalita. "You know, Sheena? You really looks like him. No wonder na mag kambal talaga kayo." Kahit naguguluhan ako sa sinabi ni Karylle, ngumiti na lang ako bilang tugon sa kaniya. "Karylle, ano nga pa lang gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko. Si Karylle ang kausap ko ngayon. Nang mag-uwian na kasi nang friday ay bigla siyang lumapit sa akin at sinabi na kung p'wede raw kaming magkita ngayong sabado dahil may sasabihin daw siya sa 'kin. Kaya naman agad akong pumayag na makipagkita sa kaniya ngayon. Wala din naman akong gagawin ngayong araw e. "Oh? 'Yon ba?" Bumuntong hininga muna ng malalim si Karylle bago niya pinagpatuloy ang kaniyang pananalita. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo ang tungkol dito. Nahiya kasi bigla ako sa 'yo ngayon e. Pakiramdam ko kasi ay si Shion mismo ang kausap ko ngayon. Parang umurong tuloy bigla ang dila ko. " Umiwas pa ng tingin sa akin si Karylle pagkatapos magsalita. Lalo naman akong nag-alala at naguluhan dahil sa sinabi niya. "E? Its okay, Karylle. May problema ba? Sabihin mo lang sa akin. Inaway ka ba ni Shion?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Muli siyang tumingin sa akin at pagkatapos ay bumuntong hininga. "Si Shion, he is acting nice to me whenever you're around pero kapag wala ka naman, napaka sungit niya sa akin at ang ikli niya pang sumagot. I wonder, I wonder if you can help me. If you can help me to get close with him." Ngumiti ulit sa akin si Karylle. Nagulat siya nang bigla akong tumayo at hampasin ang table namin. "Sure, Karylle. I will help you." Ngumiti ako pabalik kay Karylle para itago ang totoo kong nararamdaman. "Geez. That Shion, hindi tama ang pagtrato niya sa 'yo." Sumimangot ako habang nakatingin mula sa kung saan. Sandali hindi nakapagsalita si Karylle dahil sa gulat sa sinabi ko, pero maya-maya ay napangiti siya ng malawak dahil sa pinahayag ko. Ngumiti din ako sa kaniya. "Sabihin mo, Karylle. Anong maitutulong ko sa 'yo?" Umupo ako ulit at nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. "Sabihin mo, Sheena. Alam mo ba ang mga bagay na gusto ni Shion? Para naman malaman ko at alam mo na," nahihiyang pahayag pa ni Karylle. Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip ng malalim. Hindi ko alam kung anong p'wede kong isagot sa kaniya. Natigilan tuloy akong bigla. Dati kasi nang madalas ko pang kasama si Shion, sa tuwing tatanungin ko siya kung ano ang gusto niya, sinasagot niya lang lagi sa akin ay kung ano ang gusto ko ay gusto din daw niya. Halimbawa, kapag bibilhan kami ng ice cream nina mom, chocolate sa 'kin at chocolate rin sa kaniya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay muli akong tumingin sa direksiyon ni Karylle. "Sorry, Karylle. Kahit na kambal ko si Shion, hindi ko pa rin alam kung ano ang mga gusto niya. Wala rin naman siyang naikukuwento sa 'kin tungkol sa mga bagay na gusto niya." Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Karylle nang marinig niya ang sinabi ko. "I see." "Don't worry, tatanungin ko na lang siya para sa 'yo." Kumindat pa ko kay Karylle pagkatapos kong ngumiti sa kaniya. Ngumiti siya sa akin bilang tugon. Pagkadating ko sa bahay ay ang mukha agad ng aking kambal ang hinanap ko. Naabutan ko siyang nakahiga sa sofa habang nanonood ng television. Ginawa niya pang unan ang dalawang bisig niya. "Why?" Lumapit ako sa kaniya at umupo sa sofa kung saan siya nakahiga ngayon. "May itatanong lang sana ako," sagot ko. Umupo siya mula sa pagkakahiga at lumingon sa gawi ko. "And, what is it?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapakali at tila hindi na ko sanay makipag-usap sa kaniya ngayon. "P'wede ko bang malaman kung anong mga bagay ang gusto mo?" tanong ko. Nabigla siya ng bahagya sa sinabi ko at nagtataka akong tinitigan. "What kind of question is that?" tanong niya. Yumuko ako bago sinagot ang tanong niya. "Please answer me, Shion. Kahit ang tanong lang na 'yan." "Tss. Are you crazy? You are my twins and you don't even know what I want?" Med'yo napaatras ako ng hakbang dahil sa sinabi niya. Tama siya. Anong klaseng kambal ako at ultimo sarili kong kapatid ay hindi ko alam kung ano ang gusto. "Kasi ano. . . Pasensiya ka na. 'Yong tanong ko. . ." Hindi ko matapos-tapos ang nais kong sabihin sa kaniya. Sobrang nahihiya kasi ako sa kay Shion ngayon at hindi ko alam kung bakit. "Oh? Need badly for someone? Okay. I will answer your obvious question. Gusto ko ang mga bagay na gusto mo," sagot niya at saka naglakad paalis patungo sa kuwarto namin. E? Hindi ko maintindihan ang sagot ni Shion. Ano raw 'yon? Bakit hindi man lang niya sabihin sa akin ng simple? Tss. Kailangan pa talaga ay 'yong mapapaisip ako. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan. Pinagulo niya lang lalo ang isip ko. Kinabukasan ay muli akong nagtungo ng maaga sa coffee shop para makipagkita ulit kay Karylle. Honestly, hindi pa ko sigurado sa isasagot ko sa kaniya. Parang hindi nga ako mapakali ngayon sa inuupuan ko. Patuloy ko lang pinaglalaruan at pinapaikot ang yelo na may kasamang tubig sa loob ng baso na hawak ko ngayon. Feeling ko ay magrereport ako ngayon ng isang topic na nakalimutan kong i-research. Kaya hindi ko alam kung tungkol saan ang irereport ko. In short, para akong isang hindi handang reporter ngayon. Isang malalim na buntong hininga tuloy ang pinakawalan ko. Pagkalipas ng ilang sandali, tuluyan na ngang dumating si Karylle. Pagkaupo niya ay agad naming pinag-usapan ang tungkol sa kahapon. Nakatingin siya ng diretso sa 'kin. Habang ako ay hindi man lang makalingon sa kaniya. Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan sa labas ng coffee shop. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsalita si Karylle. "So, Sheena. Sinabi niya na ba sa 'yo?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako kay Karylle bilang tugon at saka yumuko. Waah! Anong gagawin ko? Bakit parang kinakabahan din yata ako ngayon? Epekto yata ng kape na ininom ko kanina. This is for Shion, right? "Yeah. He already told me yesterday." Nagpalumbaba si Karylle habang umiinom ng iced coffee at saka muling nagtanong. "So tell me, Sheena. What is it?" Sa wakas ay nagawa ko ring dumiretso ng tingin at ngumiti sa kaniya. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang kaniyang tanong. "You know? The thing he likes is. . . Ang gusto ni Shion ay-" Napatigil ako sa pagsasalita nang may maramdaman akong pumatak sa aking mukha. Hinawakan ko 'yon para malaman kung ano ang bagay 'yon at nalaman kong tubig pala. Tumingin ako kay Karylle at nakita ko ang gulat at pagkabigla sa kaniyang mukha. Ako rin naman ay nagulat dahil sa nangyari. Bakit may tubig sa may pisngi ko? Imposible namang umuulan sa loob ng coffee shop. Mas lalong imposibleng umuulan nga rito e ang araw nga sa labas. Teka. . . tubig? Tubig sa pisngi? Hindi kaya luha? Umiiyak ako? Ngayon ko lang nalaman na umiiyak na pala ko, pero bakit? Bakit ako umiiyak? Maya-maya ay biglang ngumiti ng mapait sa akin si Karylle. "It's okay, Sheena. You don't need to force yourself." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero batid ng puso kong may malalim na kahulugan 'yon. Hindi ako kumibo sa kay Karylle sapagkat batid ko na kapag nagsalita ako ay magc-crack lang ang boses ko. Pero, bakit? Bakit ba ko umiiyak ngayon? Tumingin si Karylle sa labas ng coffee shop at sa pagkakataong ito ay napahawak ako sa aking dibdib. Masakit. . . Ang sakit, pero bakit? Kung p'wede lang tanggalin ang isang organ ko kung bakit ako nasasaktan ngayon ay ginawa ko na sana dahil gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang mata ko naman ay walang tigil sa pag-agos at tila parang namatayan ng isang kamag-anak. Tsk. Pinunasan ko ang aking mga luha ng paulit-ulit para mabura na siya ng tuluyan sa aking mukha. Nakakahiya na rin kasi sa mga tao na nandito. Baka isipin pa nila na may ginagawa sa aking masama si Karylle kaya umiiyak ako ngayon. Maya-maya ay muling lumingon si Karylle sa direksiyon ko. "Sheena, like I said before. Its okay. You don't need to force yourself. I think its better kung umuwi na lang muna tayo para makapagpahinga ka. May pasok na kasi bukas, hindi ba?" Nagawa pa ring ngumiti sa akin ni Karylle kahit na med'yo weird na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. "Hindi ka ba galit?" tanong ko sa kaniya. Umiling si Karylle sa akin bilang tugon at saka tumayo. "So, aalis na ko ha? Naalala ko kasi na may mahalagang bagay pa pala kong gagawin e." Tumango ako kay Karylle. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng coffee shop. Naiwan akong nakatulala habang iniisip ang nangyari kanina. Pagkatapos ay muli na naman akong napahawak sa aking kaliwang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD