CHAPTER 7

1644 Words
SHEENA Mga ilang minuto pa kong nanatili sa banyo. Pagkalipas pa ng ilang segundo ay napagpasiyahan kong lumabas na rito. Pagkalabas ay agad akong nagtungo sa kusina upang malaman kung may pagkain na ba. Hindi ko naman nakita roon sina Shion at Karylle. Wala ring nakasalang na pagkain sa kalan kaya nagtungo na lang ako sa kuwarto upang tanungin si Shion tungkol dito. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan kong seryosong nag-aaral sina Karylle at Shion. Sobrang lapit nila sa isa't-isa. Hindi rin naman nila ko napansin kaya muli ko na lang sinirado ang pinto at nagtungo sa living room. Doon ay umupo ako sa sofa at nakatulala sa kung saan. May mga alaala na bigla na lang bumalik sa aking isipan. 'E? Shion, tama ba ang tinuturo mo sa akin? Baka tinuturuan mo na ko ng mali,' wika ko. Yumuko ako at nagkunwaring malungkot. Agad kong nakita ang pag-aalala sa kaniyang mukha at tinitigan ako sa mata. 'Hey, What's wrong? Nag-aalala ka ba tungkol sa tinuturo ko sa 'yo?' Umiling ako kay Shion bilang tugon. 'Nagkaroon kasi ako ng masamang panaginip kahapon,' malungkot kong panimula. Ngumiti si Shion sa akin at hinawakan ang likod ko. 'Then, Sheena, gusto mo bang tumabi ako sa 'yo matulog mamaya?' Inangat ko ang aking ulo at tumingin kay Shion. 'Really? Yey! Thank you, Shion.' Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ng mahigpit si Shion. Bumalik sa realidad ang isip ko at isang malungkot na ngiti ang lumabas sa aking labi. That was us before. Before and not now anymore. Kinabukasan, sumikat na ang araw nang magising ako. Nakatulog pala ako kagabi ng hindi ko namamalayan. Inilibot ko po ang paningin ko sa paligid dahil mukhang hindi ako nakatulog sa kuwarto. Kinusot ko ang aking mata dahil naaantok pa ko. Nalaman kong sa sala pala ko nakatulog at sa sofa ako mismo humiga. Nagtungo ako sa kusina para tingnan kung nakaluto na ba si Shion ng pagkain para sa almusal. May pasok din kasi ngayon e. Kaya kailangan ko na ring mag-ayos at maghanda sa pagpasok. Pagkadating ko sa kusina ay agad kong nakita ang pagkain na naka handa na para sa akin at katabi naman nito ang isang note. Kinuha ko 'yon at binasa. Good morning! Nauna na kaming pumasok, Sheena. Naghanda na kami ni Shion ng almusal para sa 'yo. Kumain ka na lang d'yan. From: Karylle Natigilan ako nang maalala kong dito pala natulog si Karylle kagabi. Teka, teka. Hindi ako nakatulog sa kuwarto ko kagabi, ibigsabihin ay silang dalawa lang sa loob ng kuwarto ni Shion kagabi? Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. "Ano naman ngayon, Sheena? Malaki na si Shion. Kayang-kaya na niya ang sarili niya. Siguro ay dapat suportahan ko na lang siya." Para ba kong baliw na kinakausap ang sarili. Nagsimula na kong kumain at pagkatapos ay naghanda na para pumasok. Habang naglalakad naman patungo sa school ay dumaan ulit ako sa maraming santan flowers at namitas nito. Oo nga pala. Pagkatapos akong iligtas ni Shion sa dumukot sa akin ay hindi na rin namin nalaman kung sinong may gawa sa akin ng bagay na 'yon. Hindi na lang din namin pinagsabi pa sa iba ang nangyari at binalewala na lang namin ito ni Shion. Sana nga ay wala nang mangyari pa sa akin. Pagkadating ko sa classroom ay agad kong hinanap ang aking kakambal subalit hindi ko siya makita kaya nagtanong na lang ako sa kaibigan niyang sina Smith at Exconde. "Hi. Good morning. Nakita n'yo ba ang kapatid ko?" nakangiti kong tanong sa kanila. Napalingon sila sa direksiyon ko at bahagyang nagulat pagkakita sa akin. "Sheena, ikaw pala. Si Shion ba? Sabi niya ay hindi daw siya papasok sa first subject at tatambay na lang daw siya sa rooftop," sagot sa akin ni Smith. Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Sheena, pasensiya ka na pala sa ginawa ng kapatid ko sa 'yo nang nakaraang araw," nahihiyang wika ni Exconde. Ngumiti ako sa kaniya at saka nagwika. "Okay lang 'yon, Exconde. Sige! Hindi pa naman siguro magsisimula ang klase. Kaya pupunta muna ako kay Shion at kapag natagalan ako, hindi na rin muna ako papasok sa first subject," sagot at paalam ko bago muling lumabas ng classroom para magtungo sa rooftop. Siguradong magugustuhan ni Karylle ang flowers na ito. Tama. Kumuha ako ng santan flowers para ibigay ni Shion kay Karylle. Magaling gumawa ng hairband si Shion gamit ang santan at siguradong bagay ito kay Karylle. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na agad ako sa rooftop. Naabutan kong nakahiga si Shion habang nakatingin sa langit at tila may malalim na iniisip. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Napaupo siya bigla nang mapansin niya ang presensiya ko. "S-Sheena? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa akin. "I'm sorry to disturb you, Shion. May sasabihin lang sana ko," nakangiti kong tugon sa kaniya. Napakunot-noo siya dahil sa sinabi ko at clueless na nagtanong. "So, What is it? Malapit na ang first class, but you're still here." Walang gana siyang bumuntong hininga ng malalim at hindi man lang ako binalingan ng tingin. Ngumiti pa rin ako sa kaniya kahit na hindi siya nakatingin. "Here," saad ko at inabot sa kaniya ang dala kong santan flowers. Lalo naman siyang nagtaka dahil sa santan na inabot ko. "What. . ." Tumingin siya sa bulaklak at doon na nabaling ang atensiyon ni Shion. "You know? Shion, I know we're both adults now. So, you know? I understand you well now. You likes Karylle, right? Then, Bakit hindi mo siya gawan ng isang bagay gamit ang santan na 'yan? I know she will definitely likes it and appreciate it. After all. . . You know, Shion? After all. . ." Hindi ko alam kung bakit hindi ko matapos-tapos ang nais kong sabihin sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang ngumiti sa harap niya ngayon. Bigla siyang tumitig sa akin at tila binabasa kung anong nasa isip ko ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Shion. "Throw it away. She is not like you, and you are not like her too." Muling humiga si Shion. "Oh? I see. I'm not really going to be like her, ha?" bulong ko sa sarili. Lumingon si Shion sa direksiyon ko na magkasalubong ang dalawa niyang kilay. "What? May sinasabi ka?" tanong niya. Umiling ako at ngumiti sa kaniya. "Wala, Shion. Hey, can you promise me one thing?" Hindi siya sumagot at nanatili lang tahimik. Muli siyang tumingin sa langit. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita. "Can you promise that if you found the one who will loves you back, can you promise that you will never hurt her?" nakangiti kong pahayag. Nakangiti, pero ang aking luha ay nagsisimula na namang lumabas ng hindi ko namamalayan. "Tsk. Are you crazy or what? You're the only one who knew kung sino talaga ang gusto ko." Sa wakas ay nagawa na rin ni Shion sumagot sa akin. Ako naman ang napatahimik ngayon dahil sa sinabi niya. "Ngayon, paano ako makakapangako sa 'yo?" dugtong niya pa. Nahimigan ko ang lungkot sa kaniyang boses, pero mas lalo akong naguguluhan ngayon dahil sa sinabi niya. "A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Shion? Hindi kita maintindihan." Lumapit siya sa akin habang ako naman ay napapaatras. Iba kasi ang tingin ng mga mata niya sa akin e subalit lumapit pa siya ng lumapit sa akin hanggang sa makorner niya na ko. Napasandal na ko sa pader. Wala akong nagawa kung hindi tumingin lang sa kaniya at dahil doon ay muling nagkasalubong ang aming mga mata. "S-Shion. . ." Hindi ko alam kung ano itong kakaibang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ako makahinga ng maayos at parang sobrang init ng paligid. Parang nilalagnat din ako ngayon, pero. . . "Sheena, is it okay. . ." Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Sa hindi inaasahang pangyayari ay naitulak ko siya, pero hindi 'yon naging sapat para makawala ako sa mga bisig niya. Mas lalong sumeryoso ang mata niya ngayon. Sinubukan niyang ilapit ang kaniyang labi sa labi ko ngunit muli ko siyang itinulak. "No, Shion. You can't! We. . . we are siblings! Kambal tayo!" umiiyak na sigaw ko sa kaniya. Natigilan siya bigla at tila natauhan dahil sa sinabi ko, pero nanatili pa rin akong nakakulong sa mga bisig niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng dala-dala ko ngayon nang makita ang mga mata ni Shion. "We can't, Shion. Magkapatid tayo, hindi ba?" lumuluhang wika ko sa kaniya. Yumuko si Shion sa harap ko. "I'm sorry, Sheena. I know. . . I know the truth. I know, but I can't forget my feeling towards you. I can't." Hinawakan ni Shion ang kaniyang mukha gamit ang kanan niyang kamay. Hindi ko man malinaw na nakikita ang mukha niya ngayon, alam ko at batid ko na lumuluha siya ngayon. Umiiyak ang kakambal ko at wala akong magawa para patahanin siya. Ito kasi ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. Wala akong magawa dahil sa buong buhay ko ay ako ang lagi niyang pinapatahan. Ako ang lagi niyang sinasamahan tuwing may problema ako. Dahil sa emosiyong nangingibabaw sa akin ngayon, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko, pero wala akong pakialam. "I'm sorry, Shion. Wala man lang akong magawa para pagaanin ang loob mo. Anong klaseng kapatid ako? Paano ko papagaanin ang loob mo kung ako ang dahilan ng nararamdaman mo ngayon? I'm sorry, Shion." "Its okay, Sheena. As long as we are still connected to each other, I'm always gonna be okay." Sumagot sa akin si Shion. That's right. We're twins. How I wish na sana, sa ibang mundo, sa ibang galaxy ay kami sana ang tinadhana dahil mahal ko rin ang kambal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD