CHAPTER 6

1612 Words
SHEENA Sa wakas ay nagsabay rin kaming pumasok ngayon ni Shion, pero hindi kami nag-uusap habang naglalakad. Hindi dahil sa sinabi niya ilang linggo na ang lumilipas sa akin, 'yon ay dahil hindi lang naman kaming dalawa ni Shion ang sabay pumasok ngayon. Kausap ni Shion ngayon si Karylle habang ako ay nasa likod lang at nakikinig sa kanila. "Hey, Shion. Are you listening? Sabi ko kung p'wede ka ba ngayong linggo ulit? Let's go to church naman." Humagikgik si Karylle. Nakayuko ako habang naglalakad at nakikinig sa kanilang dalawa. "Oh? This Sunday? Sure. Sa tingin ko naman ay wala pa kaming mas'yadong gagawin sa school dahil kakasimula pa lang ng klase. Saka siguradong na sa bahay lang ako nang araw na 'yan." Mahinang tumawa si Shion. May matagal na kong napapansin kay Shion, pero binabalewala ko lang 'yon. Baka kasi. . . Baka kasi sabihin na naman niya sa 'kin ang mga katagang 'yon. Hindi ako nakapagsalita nang sabihin niya sa akin 'yon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano bang sasabihin ko at isasagot sa kaniya kapag sinabi niya ulit sa akin ang mga katagang 'yon. "A, Shion. . ." Tinawag ko ang kambal ko, pero mukhang hindi niya ko narinig dahil sa atensiyong binibigay niya kay Karylle ngayon. Hindi niya na rin namalayang naiwan niya na ko sa paglalakad. Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang pinipigilang huwag na namang mapaluha. Habang naglalakad ay bumulong ako sa hangin. "Shion, akala ko ba. . . Akala ko ba ay rito ka lang lagi sa tabi ko? Akala ko ba ay ikaw ang magsisilbing knight in shining armor ko? Nagbibiro ka na naman siguro." Hindi ko tuloy mapigilang isipin ngayon kung p'wede pa kayang ibalik ang dati naming pagsasama. * Pagkadating ko sa classroom ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ni Shion. "Yow, Sheena! Nag-iisa ka yata ngayon? Si Shion?" bungad na tanong sa akin ni Smith. Isa siya sa mga kasama ngayon ni Shion. Kaklase namin siya at Neiz Joshua Smith ang full name niya. Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sinagot ang tanong niya. "A, Si Shion ba? Hinatid niya si Karylle sa classroom nila," tugon ko. Tumatango-tango siya sa sinabi ko. "Talaga? Napapansin kong lagi din magkasama ang dalawang 'yon. Nagkaka-mabutihan na yata ang dalawa. Hahaha. Biro lang. Paano, kahit walang pasok ay may nakakitang magkasama rin silang dalawa," pagkukuwento niya pa sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong tumamlay dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko pa ang noo ko, pero hindi naman ako nilalagnat. Hindi ko alam kung anong problema ko. Kulang lang siguro ako sa tulog ngayon. "O-Oo nga e," malungkot ang himig ng boses ko nang sumagot ako sa kaniya. Pinilit kong ngumiti para hindi mapansin ni Smith ang biglang pag tamlay ko. "Teka, Sandali. Sheena, may tatanong ako sa'yo pero huwag kang magagalit sa itatanong ko? Okay lang?" tanong sa akin ni Smith. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Tumango ako bilang tugon. "Bakit parang malungkot ka yata nang sabihin ko na nagkakamabutihan na sina Shion at Karylle?" Nagtataka niya kong tinitigan. Natigilan ako sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot na p'wedeng siyang maging satisfy sa tanong niya. Muli akong ngumiti sa kaniya at saka nag-iwas ng tingin. "Really? Hindi naman siguro, pero kung gano'n nga ay masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya biglang akong naging matamlay." I slightly smiled to him. Well, the best thing to do when you wants to hide something is to smile. Right? Tumawa si Smith at tinuro-turo ako. "Alam ko na kung bakit. Mas'yado nga pala kayong close ni Shion. Kaya mahirap din para sa 'yo na hindi na siya makasama sa araw-araw." Mukhang hindi niya pinansin ang naging sagot ko sa tanong niya kanina. Ngumiti na lang ulit ako sa kaniya at saka malungkot na tumango. Ngumiti siya sa akin at hindi na muling nagwika pa. Malapit nang magsimula ang klase nang dumating si Shion. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa sarili niyang upuan. Hindi na rin siya nabahalang lumingon pa sa upuan ko para alamin kung nasa loob na ba ko ng classroom o wala pa. I don't know why. I know it's better to see him with other girl, para naman hindi na ako palagi ang makasama niya. Alam ko kasi na may sariling buhay din naman siya, pero bakit gano'n? Kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae? Parang batid ng isip ko na ito ang mas nakakabuti ngunit ang puso ko ay tinatraydor na yata ako. Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. . . * Katulad ng madalas na nangyayari ngayon, gabi na naman umuwi si Shion. Wala sina mom and dad ngayon dahil inaasikaso nila ang business ng family namin. Kaya kami lang ni Shion ang naiwan sa bahay, but to my surprise, may kasama siyang umuwi. Si Karylle. "S-Shion? Why-" Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa bigla at hindi makapaniwalang pangyayari ngayon. "Mag g-group study muna kami ni Karylle kaya doon na lang muna siya matutulog sa kuwarto na 'tin sa tabi mo," paliwanag ni Shion at nagtuloy-tuloy na siya sa kuwarto namin at nagbihis ng pambahay na damit. Si Karylle ay kasama niyang nakasuot na ng pambahay. Mukhang dumaan muna sila sa bahay nito bago umuwi rito. "Good evening, Sheena. Nabalitaan ko kay Shion na wala raw ang magulang ninyo ngayon kaya naisip kong dito na lang muna matulog sa inyo habang nag-aaral kami ni Shion. Of course, nagprisinta rin ako sa kaniya na ako na lang ang magluluto ng dinner na 'tin. Okay lang ba?" Humarap sa 'kin si Karylle at ngumiti siya sa 'kin. Natulala na lang ako dahil sa sinabi niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay ngumiti na rin ako sa kaniya at tumango. "A, Karylle. I think I need to go to the comfort room. Excuse me," paalam ko at dali-daling umalis papuntang banyo. Agad akong napahawak sa aking kaliwang dibdib pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. "Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Okay lang naman ako e. Ang nangyayari ngayon ay para sa kapakanan ni Shion. Sa kapakanan ng kambal ko. Dapat nga suportahan ko pa siya dahil ako ang kapatid niya, dahil ako ang kambal niya." Wala akong idea kung bakit mas lumala ang aking nararamdaman ngayon nang sabihin ko ang mga katagang 'yon. Para akong under ngayon ng isang magic spell, pero binalewala ko lang ulit ang bagay na 'yon. "Okay. Sheena, dapat ay smile ka lang lagi sa kanila para maipakita mo sa kambal mo na supportive ka sa kaniya. That way. . . That way, hindi na siya muling maiinis at magagalit sa 'yo. That way, mas magiging masaya ang kambal mo." Parang baliw na kong bumubulong sa sarili ko na ako lang mismo ang nakakarinig. Sa pagitan ng tama at mali, alam ko na mas nararapat kong piliin kung ano ang tamang gawin. Sa pagitan ng tama at mali, batid ko na hindi nararapat na piliting itama ang bagay na mali na talaga. Gano'n din naman ang paggawa ng mali sa isa pang mali. Alam ko, batid ko at naiintindihan ko ang ibigsabihin ni Shion sa sinabi niya sa akin noon. Hindi naman kasi ako slow poke mas'yado, pero. . . pero tama ba na sagutin ko pa ang mga katagang sinabi niya sa akin noon kung nakikita ko na hindi na naman niya kailangan ng sagot ko ngayon? Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga alaalang napaligpasan na ng panahon. Tuwang-tuwa akong nagb-balance sa mahabang upuan upang hindi malaglag. Masaya akong gawin ang bagay na ito dito sa parke. Lalo na ngayong kasama ko lagi ang kambal ko. Nakaupo siya sa isa pang mahabang upuan na katabi ng upuan na ginagamit ko ngayon habang masaya na pinagmamasdan ako. "Halika, Shion! Gayahin mo ko sa ginagawa ko," nakangiting tawag ko sa aking kambal. "Hindi na, Sheena. Dito na lang ako at pagmamasdan ka." Ngumiti siya pabalik sa 'kin. Sumimangot ako at sandaling tumigil sa aking ginagawa. "Tss. Please, Shion. Samahan mo na ko rito. Dali na," malungkot ang tono ng aking boses na pagpipilit sa kaniya. Bumuntong hininga siya ng malalim. "Sige na nga." Tumayo siya sa kanoyang inuupuan. Pagkatapos ay lumapit siya sa direksiyon ko. "Yey! Tara, Shion!" masayang wika ko at muling pinagpatuloy ang aking ginagawa. Bumuntong hininga ulit siya. "Sheena, hindi ba sinabi ni mommy na bawal na tayo maglaro ng gan'yan? Baka malaglag tayo at masugatan." "E? Minsan lang naman, Shion e. Saka wala naman sina mommy and daddy May binili saglit." Humagikgik ako ng tawa sa kaniya. Kumamot siya sa kaniyang batok at saka tumabi sa akin. Magsisimula na sana siyang mag-balance nang biglang mawala ang balance ko at nadulas ako. Akala ko ay malalaglag na ko sa lupa nang saluhin ako ni Shion. Wow! Ang bilis niya. Parang si Spiderman. "Tsk. Sinabi ko na sa 'yo na huwag kanang maglalaro niyan e. 'Yan tuloy ang nangyari at muntikan ka pang masaktan," inis na sumbat sa akin ni Shion. Ngunit ngumiti lang ako sa kaniya. "Pasensiya na, Shion. Hindi na mauulit. Saka alam ko kasi na hindi mo naman ako hahayaang masaktan. Thank you, Shion." Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing gagawin ko 'yon ay bigla siyang tumatahimik at namumula pa ang kaniyang pisngi. Ngumiti ako habang karga-karga niya ko na parang isang bride. Napamulat ako ng aking mga mata. Pinagkumpara ko ang nangyayari sa noon at sa ngayon. Masasabi kong malayo. Malayong malayo na ang agwat namin sa isa't-isa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD