SHEENA
"Good morning po, mom. Good morning, dad." Lumingon ako kay Shion na kasalukuyang kumakain. "Good morning din sa 'yo, Shion." Ngumiti ako sa kanila at saka umupo sa aking upuan.
"O, anak. Kumusta ang club mo?" tanong ni dad nang hindi man lang binabaling ang tingin sa akin. Kasalukuyan kasi siyang nagbabasa ng news paper ngayon.
"Okay lang naman po, dad." Nagsimula na rin akong kumain.
Sa totoo lang, ang nangyari kahapon sa pagitan namin ni Lyra ay dahil sa club.
Binigay kasi sa akin ng teacher namin ang role ng main character para sa theatre act na gagawin at kontrabida naman ang naibigay kay Lyra. Kaya nagwala siya ng husto, nagalit sa akin at 'yon ang nangyari. Dinala niya ko sa rooftop at doon niya ko sinaktan, pero naniniwala ako na mabuting tao talaga si Lyra. Friendly at mabait nga siyang makitungo sa iba e. Sa tingin ko, hindi niya lang talaga alam kung paano ang makitungo sa katulad ko.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa school at iniwan na naman ako ng kambal ko. Sa tingin ko ay dapat na kong masanay sa ginagawa niya at inaakto sa akin.
Oo, niligtas niya nga ko at pinagtanggol kay Lyra, pero pagkatapos naman ay bumalik na siya sa pagiging cold niya tuwing kausap at nasa harap niya ko.
Sa tingin ko, gan'yan lang siya dahil nga malaki na kami at hindi ko maitatanggi na sa bawat paglipas ng panahon ay maaari kaming magbago. 'Yon din naman ang mga dahilan na sinabi niya sa akin ng tanungin ko siya, pero hindi naman 'yon ang nakikita at nararamdaman kong problema sa aming dalawa.
Sa tingin ko, may iba pa siyang dahilan kung bakit niya ginagawa sa akin ang bagay na ito. Kaya lang, ayaw niyang sabihan at wala siyang balak ipaalam sa akin ang tungkol sa bagay na 'yon.
S'yempre ay masakit, nakakatatampo, at nakakalungkot para akin na isiping hindi ko na rin alam ang mga bagay na ginagawa ni Shion ngayon. Kaya siguro nga. Kailan ko na ring bigyan ng privacy ang buhay niya.
Siguro nga, ako talaga ang mali dahil hindi ko man lang naramdaman na mas’yado ko na pala siyang nasasakal. Hindi ko alam na siguro sumobra na ko bilang kapatid at kambal niya lang sana.
Kaya naman, nagdesisyon ako na hayaan na lang siya sa nais niyang gawin. Kahit na mahirap para sa akin ang mga nangyayari ngayon. Kahit na mahirap na malayo sa kakambal ko.
By the way, dumaan muna ko sa lugar na maraming makikitang santan flowers bago magtungo sa school. Ito kasi ang paboritong bulaklak ko hanggang ngayon. Sa tuwing nalulungkot ako, dumadaan ako rito para gumaan ang loob ko.
Kukuhanin ko na sana ang bulaklak nang may biglang nagtakip ng panyo sa ilong ko. Unti-onti akong nahilo hanggang sa unti-onting nanlabo ang aking paningin.
"Shion. . .”
SHION
"Yow! Tawag ka ni Lyro. May sasabihin daw siya sa ‘yo," bungad sa akin ni Neiz sabay kindat pa pagkadating na pagkadating ko sa classroom.
Umupo muna ako sa aking upuan bago siya binalingan ng tingin. "Kung gano’n ay nasaan siya ngayon?"
Kukunin ko na sana ang notebook ko sa aking bag nang may humawak sa aking dalawang balikat.
"Good morning, Shion!"
Akala ko si Sheena, si Karylle lang pala. Anong ginagawa niya rito? Hindi naman dito ang classroom niya?
"Oh? Speaking. Nand'yan na si Lyro." Nginuso ni Neiz ang tapat ng pintuan.
Hindi ko pinansin si Karylle at lumingon na lang sa pintuan ng classroom. Nakita ko roon si Lyro na nagpapalinga-linga sa paligid. Nadako ang tingin niya sa gawi ko at nang makita niya ko ay agad siyang nagtungo sa aking direksiyon.
"Hi, Shion. I apologize for what my sister did to your twins yesterday. I'm really sorry. Sinabihan ko na rin si Lyra na humingi ng tawad sa kambal mo, and she said that she will. I'm really sorry."
Nanatili lang akong tahimik ng ilang minuto ngunit maya-maya ay tumango ako sa kaniya. Sincere naman ang pagkakahingi niya ng tawad sa akin. Isa pa, kaibigan ko rin naman siya. Wala namang masamang nangyari sa kambal ko.
"Nasaan na nga pala ang kambal mo? Gusto ko rin sanang humingi ng tawad sa kaniya," dugtong pa ni Lyro.
Natigilan ako sa sinabi niya. Teka. . . malapit na ang klase, pero bakit wala pa rin si Sheena? Nasaan na ba siya?
"Hindi mo ba siya kasabay pumasok, Shion?" tanong naman ni Neiz.
Umiling lang ako sa kaniya.
"Oh? Your twin ba, Shion? Nakita ko siya nang papasok na ko ng campus. Sa tingin ko ay karga-karga siya ng isang tao, pero hindi ako sigurado kung babae ba 'yon o lalake. Nakasuot kasi siya ng hood e."
Naalala ko na nandito pa pala si Karylle.
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi maaari. Hindi kaya. . .
"Bakit hindi mo agad sinabi kanina?! Saan niya dinala ang kambal ko?" Tumayo ako at galit na tinitigan si Karylle na nasa harapan ko.
Natataranta siyang sumagot sa akin dahil sa biglaan kong pagsigaw sa kaniya.
"Hindi ko alam, Shion. Sa may warehouse yata malapit sa labas ng campus. Doon ko kasi siya nakitang nagtungo, pero hindi ako sigurado, Shion."
Nang marinig ang sagot ni Karylle ay agad akong nag-ayos at lalabas na sana ng classroom nang pinigilan ako nina Neiz at Lyro.
"Where are you going, Shion? Malapit ng magsimula ang klase. Mapapagalitan ka ng teacher na ‘tin niyan. Mas mabuti kung sabihin na lang na ‘tin sa teacher pagkadating niya." Hinawakan ako ni Neiz, pero inalis ko lang ang kamay niya.
Matalim ang mata ko siyang tinitigan. "Don't you ever try to stop me. My twins is more important than anyone else. I will save her right now dahil ako lang ang makakahanap at makakapag-ligtas sa kaniya."
Hindi na nila ko napigilan nang tuluyan na kong lumabas ng classroom. Hindi nila ko sinundan. Pagkadating ko sa gate ay dahan-dahan akong lumabas ng campus habang nakikipag-usap 'yong guard sa isang estudyante. Naglakad ako patungo sa warehouse na tinutukoy ni Karylle.
Malapit lang 'yon sa aming campus kaya mabilis lang akong nakapunta. Pagkadating doon ay naabutan ko itong naka-kandado. Inisip ko kung papasok ba ko o hindi dahil naisip ko base sa pinahayag ni Karylle, hindi ako sigurado kung nasa loob nga ba ng abandonadong warehouse na ito ang kambal ko. Mukhang wala rin naman dito ang nandukot kay Sheena.
Bumuntong hininga ako at napagsiyahan pumasok na lang sa loob ng warehouse. Mas maigi ng i-check ang lugar na ito at magbakasakali kaysa naman magsisi ako sa bandang huli.
Naghanap ako ng p’wedeng makasira sa kandado hanggang sa nakakita ako ng isang malaking bato na p’wedeng ipangpukpok dito. Ilang minuto ko iyong sinira gamit ang bato na nahanap ko at nagtagumpay naman ako.
Pumasok ako sa loob ng warehouse. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ang kambal ko. Sakto lang ang laki nito at wala ni isang bagay sa paligid. Kaya batid kong hindi ako mahihirapan na malaman kung nandito ba si Sheena o wala.
Maya-maya ay bigla akong natigilan dahil sa hindi kalayuan ng tinatayuan ko ngayon at kahit madilim sa loob ay nasilayan ko ang aking kambal na nakatali pa ang kamay at paa habang naka-tape naman ang kaniyang bibig.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa kalagayan ni Sheena ngayon ngunit mas pinili kong pigilin ang aking emosiyon para rin kay Sheena dahil batid ko na sa ganitong sitwasyon ay kailan kong maging kalmado. Kailan kong tanggalin ang galit, lungkot, inis at awa na nararamdaman ko ngayon. Tumakbo ako sa kinalalagyan niya.
Inalog-alog ko ang balikat niya upang siya ay magising. Kasalukuyan kasi siyang walang malay.
"Sheena! Sheena! Are you alright?" Tinanggal ko ang tali sa kamay at paa niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagkaroon na rin siya ng malay. Nang makita niya ko ay agad siyang yumakap sa akin ng mahigpit.
"Shion, natatakot ako. Natatakot ako," paulit-ulit niya pang bulong sa akin habang humahagulgol at nanginginig ang buong katawan.
Pinakalma ko siya. "Okay, calm down. Calm down, Sheena. I'm here, so you are safe now. Don't worry, okay?"
Ngunit nanatili pa rin siyang umiiyak. "But, Shion. Anong gagawin ko kapag sinaktan niya ko? Anong gagawin ko kapag. . . kapag pinatay niya ko?"
"Sssh. I'm here so nobody can hurt you now. Please, Sheena. Don't cry anymore. I don't want to see your tears again."
"I'm sorry, Shion." Huminga siya ng malalim at tumigil na rin siya sa pag-iyak.
Sa wakas ay kumalma na rin siya. Kaya naman nakahinga ako ng malalim.
"Now, do you know who did this to you? Tell me, kung anong nangyari sa 'yo kanina. Tell me."
"Papasok na ko sa school kanina. Pagkatapos, habang naglalakad ay dumaan ako sa lugar na may maraming santan flowers. Pagkatapos bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko. Saka na ko nawalan ng malay. Kaya naman hindi ko rin alam kung sino ang may gawa sa akin nito," kuwento niya sa akin.
Inunawa ko muna ang lahat ng sinabi ni Sheena at nang makaisip na ko ng p’wedeng solusyon ay muli ko siyang hinarap.
"Gano’n ba? Sige. Mas mabuti siguro kung huwag muna na ‘ting ipalam kay mom at dad ang tungkol dito. Baka mag-alala lang sila. Wala namang ginawa ang kidnapper sa 'yo."
Tumango siya sa akin bilang pagpayag sa sinabi ko.
"Maraming salamat at dumating ka, Shion."
Ngumiti siya sa akin ngunit isang mapait na ngiti ang naging tinugon ko sa kaniya.
"Of course, I'm your twins. No, hindi lang 'yon ang rason ko.”
Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan niya ko sa mata. Gano'n din naman ang ginawa ko sa kaniya.
Dahil sa emosiyong umaapaw ngayon sa amin at dahil na rin sa nangyari ay hindi ko na napigilang sabihin sa kaniya ang mga katagang hindi ko dapat sabihin.
"I love you, Sheena. Not as your siblings or twins. But as a man. I'm truly glad that you're okay.” Pagkatapos ay ako na mismo ang yumakap sa kaniya.