CHAPTER 4

1706 Words
SHION "Good morning, mom. Good morning, dad." Humikab pa ko habang nabati sa aking mga magulang at saka umupo sa aking upuan. Nagpalinga-linga pa ko bago kumain nang hindi ko makita ang mukha ng aking kakambal. Nasaan na ba siya? "Mom, where is Sheena?" Binaling ko ang paningin kay mom. "Si Sheena ba? Maaga siyang nagising dahil may practice raw ang club niya ngayon. Kaya nauna na siyang pumasok," tugon ni mom sa akin. By the way, kasali sa isang club si Sheena. Sa pagkakaalam ko ay theatre club ang sinalihan niya. Malapit na ang program na gaganapin sa school kaya busy na naman ang mga club. Tumango na lang ako kay mom at nagsimula ng kumain. Pagkatapos makakain ay naghanda na ko para pumasok. Siguradong tuluyan ng sumama ang loob sa akin ni Sheena at tiyak na lalayuan na niya ko ngayon kahit na magmakaawa pa ko ng husto. Wala akong magagawa. Hindi tama ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya mas mabuti na itago ko na lang ‘yon kahit pareho pa kaming masaktan. Nang nakarating ako sa aming school ay nakakabahala na agad ang pagsalubong sa akin ni Neiz. "Bro, bakit ngayon ka lang? Halika at tingnan mo ang nangyayari sa rooftop!" Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi pa agad nagproseso sa utak ko ang sinabi niya dahil inaantok pa ko. "Ha? What do you mean?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay hinila na ko ni Neiz papuntang rooftop. What the- Ano bang nangyayari? "Your twin, Shion. Kaaway niya ngayon ang kapatid ni Lyro na si Lyra. Dalian mo! Absent kasi ngayon si Lyro kaya gan'yan na naman ang kapatid niya. Tsk." paliwanag ni Neiz habang hila-hila pa rin ako. Natigilan ako sa aking narinig. Hindi maaari! Baka kung ano nang ginawa niya kay Sheena! Si Lyra Exconde ay kapatid ni Lyro. Mabait at friendly siyang makitungo sa lahat, pero hindi kay Sheena. Ewan ko kung anong dahilan at nagagalit siya kay Sheena. Ang narinig ko lang ay naiinggit daw si Lyra kay Sheena dahil inaagaw daw ng kakambal ko ang mga kaibigan niya. Tsk. Nang makarating kami sa rooftop ay marami na ang nagkukumpulang mga estudyante. Panay ang excuse naming dalawa ni Neiz sa kanila hanggang sa makarating kami sa harapan nina Lyra at Sheena. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao nang makitang nakaluhod na sa sahig si Sheena habang sinasabunutan siya ni Lyra. Tsk! May fears of heights si Sheena. Hindi ko siya mapapatawad kung may mangyayaring masama sa kakambal ko. "Oh? Your twinny is already here. Narinig ko na malaki raw ang galit niya sa 'yo? Totoo ba ‘yon? Mukhang nandito siya para manood lang. Hahaha." Tinuro ako ni Lyra at dahil doon ay nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat pati na ng kambal ko. Nanggigigil na ko, pero pinilit ko pa ring maging mahinahon. Bukod sa babae siya, kapatid siya ng kaibigan ko. "Hindi totoo ‘yan!" umiiyak na sigaw ni Sheena rito. Tumingin ako kay Neiz at tumango naman siya sa akin. Wala si Lyro kaya kay Neiz na lang ako hihingi ng pahintulot na mangialam sa away ng kambal ko at kapatid ni Lyro. "Lyra, Bitiwan mo ang kambal ko! Baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo!" Sumigaw ako para marinig 'yon ng maayos ni Lyra ngunit ngumisi lang siya. "Scary. As if it's true." Tumawa ng malakas si Lyra. Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilang lumapit sa kanila at hawakan ng mahigpit sa braso si Lyra. Matalim ang mata ko siyang tinitigan. "I told you na bitiwan mo na siya. Don't you ever try to touch my twin sister again 'cause if you do, you will regrets it forever." Pagkatapos ay hinila ko ang kakambal ko palayo sa kaniya at dinala siya sa gilid ng rooftop. Nagwawala namang umalis sa rooftop si Lyra pagkatapos ng ginawa ko. Unti-onting nagsisi-alisan ang mga estudyante na nakikiisosyo kanina hanggang sa naiwan kami ni Sheena sa rooftop. Umiiyak pa rin siya nang kausapin niya ko. Nakikita ko ang takot niya dahil sa panginginig ng kaniyang kamay at paa. "Thank you, Shion. I knew that you will come to help me." Sinunggaban niya ko ng yakap. Muli ay naramdaman ko ang kakaibang damdamin para sa kaniya. Nakaramdam ako ng tuwa sa aking puso ng yakapin niya ko, pero panandalian lamang 'yon dahil muli kong naalala ang lagay naming dalawa ngayon. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. "Papasok na ko," cold kong pahayag sa kaniya. "Wait, Shion. Mag-usap muna tayo." "About what?" "About us, Shion. Why are you acting so angry in front of me, Shion? Why are you always ignoring me when I have something to tell you? Why. . . Why you always acting so mean to me? Tell me! Tell me, Shion! I'm really lonely right now 'cause I can't feel you. I can't feel your presence dahil wala ka sa tabi ko. Hindi ako sanay sa inaakto mo, pero Shion. . . Akala ko ba? Akala ko ba, hindi ka aalis sa tabi ko? Pero. . . Pero, bakit sa inaakto mo ngayon ay pinagtatabuyan mo ko? Pinagtatabuyan mo ko palayo sa 'yo, Shion." Humagulgol siya ng iyak sa harapan ko. Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Lalo na ang huli niyang binanggit. Tama nga ba ang ginagawa ko? Pinagtatabuyan ko nga ba siya palayo sa akin? Kailangan ko nga ba talagang gawin ito sa kaniya? Sa kakambal ko? Tiningnan niya kong muli sa aking mata, pero muli lang akong umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Natatakot ako na baka mabasa niya ang sinasabi ng mata ko. Mabasa niya ang tunay kong nararamdaman at tuluyan na siyang lumayo at magalit sa akin. Saka baka. . . siya na mismo ang kusang umiwas at lumayo sa akin. Hindi ko kayang mangyari 'yon. Hindi ko kayang magbago ang taong ito sa akin. Dahil kapag nangyari ang bagay na 'yon, habang buhay kong hindi mapapatawad ang aking sarili. Natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at iniharap 'yon sa kaniya. "Look at my eyes and answer my question, Shion. May nagawa ba kong mali na dapat mong ikagalit?" Nagkasalubong na ng tuluyan ang mga mata namin. Ngayon ay kitang-kita ko ang lungkot at pag-aalala sa kaniyang mga mata subalit mas pinili kong hindi na lang magsalita kaysa magsinungaling pang muli sa kaniya. Sa kakambal ko. Hindi ko rin naman kasi kayang magsinungaling habang nakatitig siya ngayon sa mga mata ko. "Sorry, but I need to go." Ito lang ang mga katagang lumabas sa aking bibig at tuluyan ng umalis sa rooftop. Narinig ko pa siyang sinisigaw ang pangalan ko subalit hindi na ko muling lumingon pa sa gawi niya at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa classroom. "Shion, nasaan na si Sheena? Okay na ba siya?" tanong sa akin ni Neiz pagkaupo na pagkaupo ko sa aking upuan. Wala pa ang teacher namin dahil mukhang late na naman ang dating niya. "She's fine. Pupunta lang yata siya sa clinic kasi sumakit ang ulo niya sa nangyari kanina," pagsisinungaling ko rito. Alam ko kasi na hindi agad siya papasok dahil sa mugto ang mata niya kakaiyak. Isa pa ko sa naging rason kung bakit siya umiiyak. "Gano’n ba? Grabe talaga ang ginawa ni Lyra kay Sheena. Sasabihin ko agad ito sa kapatid niya para pagalitan siya." Hindi na ko kumibo sa sinabi ni Neiz dahil biglang pumasok ang teacher namin. Umayos na kami ng pagkakaupo at nakinig dito. Habang nakatingin sa aming teacher na nagtuturo, hindi ko maiwasang isipin ang lagay ni Sheena ngayon. Kumusta na kaya siya? Umiiyak pa rin kaya siya? Dumaan na ang recess, pero wala pa rin ang kakambal ko. Nakaupo lang ako sa aking upuan habang pinaglalaruan ang ballpen ko. Hindi kasi ako mapakali. Wala pa rin si Sheena. Bumuntong hininga ako ng malalim. "Tsk." Tumayo ako at nagtungo sa rooftop. Wala pa rin si Sheena sa classroom. Kaya malamang ay nasa rooftop pa rin siya. Tsk! Ang babaeng 'yon, wala pa rin siyang pinagbago simula nang bata pa lang kami. Pagkarating sa rooftop ay iginala ko ang aking paningin sa aking paligid. Nahagip ng mata ko si Sheena na nakaupo lang sa gilid habang nakasubsob ang mukha sa dalawa niyang tuhod. Lumapit ako sa direksiyon niya at hinawakan ang kaniyang buhok. Agad siyang napataas ng tingin at napatingin sa akin. Hindi na siya umiiyak, pero mugto pa rin ang dalawa niyang mata. "Shion?" tawag niya sa pangalan ko. "Pumasok ka na kung ayaw mong isumbong kita kay mom at dad." "Ayaw-" "P’wede ba, Sheena? Huwag ka na ngang mag-isip bata d’yan. Malaki na tayo at hindi na bata. Kaya huwag kanang mag-inarte." Alam kong masakit ang mga katagang sinabi ko sa kaniya, pero ayo'kong masira ang buhay niya dahil sa akin. Isa pa, kung nasasaktan siya ngayon ay mas nasasaktan akong nakikita siyang ganito. "Gano’n ba, Shion? Dahil nga ba malaki na tayo kaya kailangan lumayo na tayo sa isa't-isa? Kailangan ba talaga kapag malaki na tayo ay magbago rin tayo sa isa't-isa, Shion? Gano’n ba talaga 'yon? Ipaliwanag mo naman sa akin, Shion. Naguguluhan kasi ako e." Pinunasan ni Sheena ang dalawang pisngi niya nang may tumulo na namang luha. Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Tumahimik ako ng ilang segundo at inunawa ang lahat ng mga sinabi niya. Nagulat kaming pareho nang bigla na lang kumidlat at kumulog ng malakas. Napatingin ako sa langit at unti-onti ng nagbabadya ang paparating na ulan. Samantala, si Sheena ay nakatingin pa rin sa direksiyon ko at hinihintay ang aking magiging sagot. Yumuko ako sandali. Pagkatapos ay muli kong iniangat ang aking mukha. "Sheena, uulan na. Bumalik na tayo sa classroom." Hindi siya sumagot sa akin. Tinitigan lamang niya ako ng ilang minuto at tila hinihintay pa rin ang sagot ko sa tanong niya kanina. Bumuntong hininga ako at saka muling nagwika. "Oo, gano’n nga 'yon." Kasabay ng pagsagot ko ay ang malakas na pagkulog. "Sige. Papasok na ko." Nauna na siyang lumabas ng rooftop. Bumuntong hininga ako ng malalim. Oo, batid ko. Hindi ko man sinasadya, mukhang nasaktan ko na naman ang taong mahal ko. Hanggang kailan ko kaya gagawin sa kaniya ang bagay na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD