CHAPTER 3

1145 Words
SHEENA Nakahiga lang ako sa double deck naming kama ni Shion habang hinihintay siyang dumating. Anong oras na, pero hindi pa rin siya umuuwi. Dahil sa sobrang pag-aalala ko ay muli na naman akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa sala kung nasaan sina mom and dad. "Mom, wala pa po ba si Shion?" tanong ko na naman sa kanila. Gabi na kasi, pero wala pa rin siya. Linggo nga pala ngayon at sinabi niya kaninang umaga na may lakad siya. Sinundo din siya ng babaeng nagngangalang Karylle. Sasama sana ako sa kaniya katulad ng naka-ugalian, pero nagalit na naman siya sa akin at pinagbawalan akong sumama sa kaniya. Kaya naiwan ako rito sa bahay at hinihintay siyang dumating. Mahal ko talaga ang kambal ko, pero nararamdaman kong galit siya sa akin ngayon. Hindi ko naman alam kung anong nagawa ko para magalit siya sa akin ng husto. "Wala pa nga siya, anak. Hintayin mo na lang siya sa kuwarto ninyo. Gabi na, matulog ka na rin dahil may pasok pa kayo bukas." Lumingon sa akin si mom at tinitigan ako ng masama. "Opo, mom." Naglakad na lang ako pabalik sa aking kuwarto. Muli akong humiga sa kama, sa higaan mismo ni Shion. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, double deck ang higaan namin at sa itaas ang higaan ni Shion. Niyakap ko ang unan niya ng mahigpit habang hinihintay siyang dumating. "Geez. Shion, nasaan ka na ba?" Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Nangako siya sa akin. . . "What do you think you're doing?" Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ng kakambal ko. "Shion? Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam kung anong-" "Don't touch my things. Sa guess room na lang ako matutulog." Tumalikod siya sa akin at akmang lalabas na ng kuwarto nang pinigilan ko siya. "Wait! I'm sorry. Bababa na ko." Nagmadali akong bumaba ng double deck dahil baka hindi ko na maabutan si Shion at tuluyan na kong iwan. Pagkababa ko ay umakyat siya agad sa kaniyang kama at nahiga. Isang malalim na buntong hininga ang aking napakawalan nang makita ang naging kilos niya. Galit pa rin talaga siya sa akin. "Shion, saan ka ba nanggaling?" Sinubukan ko pa rin siyang tanungin kahit na hindi ko alam kung sasagutin niya ba ko o hindi. "Ano bang pake mo? " Natigilan ako sa sinabi niya. Kahit na mukhang nagtutubig na naman ang aking mata ay pinili ko pa ring sumagot sa tanong niya. "Siguro, kasi kambal mo ko? Siguro kasi kambal mo ko at nag-aalala ako sa 'yo." Naghintay pa ko ng ilang minuto ngunit hindi na siya sumagot pa. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakaisip ako ng idea para hindi na magalit sa akin si Shion. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Habang papunta roon ay nakasalubong ko pa sina mom and dad. "Where are you going, Sheena?" tanong ni dad sa akin habang si mom naman ay tinaasan ako ng isang kilay. Geez. I know it's already late, but I'm not going outside naman po. I take a deep big sigh. "Just going to the kitchen, dad." Ngumiti pa ko sa kanila para payagan. “I see, but I thought you already ate your dinner?" tanong naman ni mom. "Yeah, mom. May gagawin lang po ako." Ngumisi ako at nag-puppy eyes sa kanila. Para lang payagan nila ko, hindi ba? Baka makatulog na kasi si Shion kapag hindi pa ko nagmadali ngayon. Muli akong bumuntong hininga. Sana naman ay sabihin na sa akin ni Shion ang problema niya. Hindi kasi ako sanay na may samaan kaming dalawa ng loob. "Sige. Basta pagkatapos ay matulog ka na agad. May pasok pa kayo ng kambal mo bukas. Understand?" "Opo." Tumango ako kay mommy at nagtungo na ko sa aming kusina. Buti na lang at pinayagan talaga ako ni mom. Dahil gabi na naman, balak kong ipagtimpla ng gatas si Shion. Milk talaga dahil 'yon ang gusto niya. Hindi ko alam kung isip-bata lang talaga siya o kung ano dahil ‘yon talaga ang gusto niya. Mabilis daw kasi siyang nakakatulog kapag umiinom siya ng gatas. Kumuha ako ng dalawang baso para sa amin ni Shion at nagtimpla na nga ng gatas. Pagkatapos ay nilagay ko ito sa isang tray at nagtungo na sa aming kuwarto. Dahan-dahan ko lang binuksan ang pinto para hindi maingayan si Shion. Baka magalit na naman kasi siya sa akin e. Ginawa ko ang bagay na ito bilang peace offering sa kaniya at sana naman tanggapin niya at hindi na siya magalit sa akin. Gusto ko sanang hangga't maaari ay magkaayos na kami agad. "Shion. . ." Sumulyap ako sa higaan ni Shion. Dahan-dahan kong sinirado ang pinto pagkapasok habang dala ang tray na pinaglagyan ko ng baso na may lamang gatas. "Mmm. . .” Napangiti ako nang sumagot siya sa akin. Buti naman at gising pa siya hanggang ngayon. "Here. Drink this milk para makatulog ka na, Shion. Ako ang gumawa niyan.” Umakyat ako sa higaan niya dala ang tray. Nakita ko siyang nakahiga at nakatalikod sa direksiyon ko. "I don't need that drink anymore." Hindi man lang siya lumingon sa direksiyon ko. Napasimangot ako sa naging sagot niya. Sabi ko na nga ba at galit pa rin siya sa akin. Isa pa, malaki ang galit niya sa akin. "Gano'n ba?” Kahit gaano ko pigilin ang pag-iyak ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang paghikbi ko dahil sa inaakto ng kambal ko ngayon. “I- I will drink it all na lang. Hehe." Parang tinutusok ang puso ko sa tuwing naiisip ko ang pakikitungo ng kambal ko sa akin ngayon. "Tss. I don't want milk anymore. I like coffee instead, but forget about it now. Gusto ko nang matulog kaya bumaba ka na sa higaan ko, p’wede ba?" Nakatalikod pa rin si Shion sa akin. Hindi ko na mapigilang mapaluha habang bumababa ng kaniyang higaan. Ipinatong ko ang tray sa study table na katabi ng higaan namin at saka ako muling lumingon sa direksiyon niya. "It's alright, Shion. I know you're still angry to me. I understand you. I've always waiting for you to forgive me. After all, you are my only twin, right? Goodnight, Shion." Pinunasan ko ang luha sa aking magkabilang pisngi. "Tss. M-Matulog ka na dahil may pasok pa tayo bukas." I'm waiting for his good night words, but he never talked again. Malamang, galit nga kasi siya sa akin. So in the first place, bakit niya pa gagawin ‘yon? "Okay. Good night again, Shion." Hindi na siya muling sumagot pa sa akin. Mukhang nakatulog na siya. Nakatulog na siya ng hindi man lang naayos ang problema naming dalawa. Nakayanan niyang makatulog na may sama ng loob sa akin. Pinikit ko na ang aking mga mata kasabay ang pagbagsak ng mga luha na kanina pumapatak sa aking magkabilang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD