SHION
“Shion? Shion! Hintayin mo naman ako. Hindi pa ko tapos kumain e. Geez.” Sunod-sunod na sinubo ni Sheena ang lahat ng pagkain niya para maabutan lang ako.
“Tss. I have to go now. Bye.” Kinuha ko ang aking bag at hindi na hinintay si Sheena katulad ng aming nakaugalian.
Tumalikod na ko at naglakad palabas ng bahay.
“Huh? Wai-“
Hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni Sheena dahil tuluyan na kong nakalabas ng bahay.
I know I acted rude and arrogant in front of her, but this is the only way for me to ignore her.
Para maiwasan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit na ikagalit niya pa.
Habang naglalakad ako ay may bigla na lang humawak sa kamay ko. Huminto ako sa paglalakad dahil doon.
“Geez. You left me behind. Nagmamadali tuloy akong kumain para maabutan ka lang.”
Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Sheena.
Habang nararamdaman ko ang palad niya na nakakapit sa aking kamay, hindi ko na naman maintindihan ang t***k ng aking puso.
Mukhang tinatraydor na naman ako ng sarili kong damdamin.
“Tss. Sorry, okay? Bitiwan mo na ko.”
Pilit kong tinanggal ang kamay ko na hawak pa rin niya upang makaalis na ko, pero hindi niya ito binitiwan kahit pa nasasaktan ko na siya.
“No. Hahawakan ko ang kamay mo hanggang sa makarating tayo sa school. This is your punishment for leaving me behind.” She smirked at me, but I’ll never get annoyed to see those smirk.
Nagsalubong ang kilay ko nang maunawaan ang sinabi niya.
Tsk! If this one will continue, I will not. . .
“Sheena, I said let me go!” I shouted in front of her face and I noticed that she was stunned to my shout.
Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko at yumuko sa aking harapan. Nakikita ko ang panginginig ng kaniyang dalawang kamay at pagsarado ng dalawang palad niya upang pigilin ang kaniyang iyak.
I’m sorry. . .
“Shion, I’m sorry.”
Habang nakayuko siya ay hindi ko maiwasang titigan ang kabuuan niya. Gustong-gusto ko siyang hawakan at patahanin, pero. . .
“Tss. Kaya sinabi kong mauuna na ko e.” Mahina akong bumuntong hininga at labag sa loob na iniwan siyang mag-isa.
Pinigilan ko ang sariling huwag lumingon sa aking likod dahil kapag nangyari 'yon ay baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong nararamdaman. Ayaw kong mangyari ‘yon.
Nang marating ko ang Saint Agnes High School ay sumalubong sa akin ang isa kong kaklase. I mean, kaklase namin ng kambal ko.
“Yow! Shion, sali ka ba mamaya sa amin mag-basketball ni Lyro?” Isa siya sa piling kaibigan ko. Neiz Joshua Smith ang buo niyang pangalan.
Isa siyang basketball player, pero hindi ako katulad niya. Hindi kasi ako sporty at isa pa, lagi kong kasama ang kambal ko. Ang binanggit naman niya ay si Lyro Exconde. Katulad niya, mahilig din mag-basketball. Mas close silang dalawa kumpara sa akin.
“Sure. Mamaya.” Pinili kong tanggapin ngayon ang paanyaya niya para libangin din ang sarili ko at baka sakaling maglaho ang maling nararamdaman ko para sa kambal ko.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Smith dahil sa naging sagot ko. Hindi naman kasi ako talaga laging sumasali sa kanila at kung sakali ay ngayon pa lang talaga.
“Wow. Sure ka? Nasaan pala ang pinaka mamahal mong kambal?” sumingit sa usapan namin si Lyro.
Hindi ko alam na nandito rin pala siya. Tss. Sumimangot ako nang marinig ang huli niyang sinabi. Pinaalala niya pa.
“Tsk! Shut up, okay?” naaasar kong wika sa kaniya bago naupo sa aking upuan.
Nandito na kami sa classroom at katulad ng dati ay wala pa ang first subject teacher namin. Late kasi lagi ang dating ng isang ‘yon.
“Shion, galit ka ba?”
Natahimik ako nang marinig ang boses ng kambal ko. Kararating lang niya at nakatayo siya ngayon sa harapan ko. Nahimigan ko ang lungkot sa kaniyang boses subalit hindi ko siya pinansin at nagkunwaring walang narinig.
“Oh? Shion, tawag ka yata ng babae na ‘yon.” Bumulong sa akin ni Neiz na nakatayo rin sa gilid ko sabay turo sa pintuan ng classroom.
Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Smith at nakita ko ang isang babae na med’yo payat, maputi, at mahaba ang buhok. Walang gana akong tumayo at hinarap ng walang emosiyon ang kambal ko.
“Excuse me. . .” Tinabig ko si Sheena para makadaan ako.
Muntikan pa siyang matumba dahil sa ginawa ko. I’m sorry. Naglakad na ko patungo sa pinto at kinausap iyong babae na gusto raw akong makausap.
“Yes? Anong kailangan mo?” Walang gana akong tumingin sa babae.
Tumingin siya sa akin ng mga ilang minuto at pagkatapos ay bigla siyang yumuko.
“Ano. . . Kasi. . .”
Bumuntong hininga ako ng malalim at tinitigan ang babaeng nasa harapan ko na mukhang hindi malaman ang nais niyang sabihin.
“So, May I know your name?” tanong ko na lang sa kaniya.
Muli siyang napatingin sa akin. Nagtataka nga ko dahil sobrang pula ng mukha niya ngayon.
“I. . . I am Karylle Agustino. . .” Sumagot sa akin ‘yong babae, pero nasa ibang direksiyon ang paningin niya.
Seriously? Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi sa akin agad.
Lumingon siya sa akin at dire-diretsong nagwika. “I want to ask you if you are free this sunday?”
Sa wakas ay nasabi na rin niya. Agad akong natigilan nang maunawaan ko ang binanggit niya. Ngayon pa nga lang kami nagkita tapos lalabas na kami agad ngayong linggo? Tss.
Tumingin na lang ako sa loob ng classroom at hindi siya sinagot. Nakita ko ang aking kakambal na nakatulala lang sa kaniyang notebook at tila may malalim na iniisip. Bigla siyang gumalaw at lumingon sa gawi ko. Sandali kaming nagkatitigan at ako na ang kusang umiwas ng tingin nang mapansin ko ang mapungaw niyang mata.
“Sure. Saan tayo magkikita?”
Napansin kong nagulat ang babaeng kausap ko dahil sa naging sagot ko. Kahit ako ay nagulat. Parang kusang nagsalita ang bibig ko kahit ang kakambal ko ang laman ng aking isip.
“Talaga? Totoo ba ang sinabi mo?”
Tila nag-transform ang babaeng kausap ko at naglaho bigla ang pag-aalinlangang sa mga salita niya.
Tumango ako sa kaniya bilang tugon.
“Then, puntahan na lang kita sa bahay ninyo.” Ngumiti siya sa akin pagkatapos iipit ang konting hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang tainga.
Nagtaka ako sa sinabi niya, pero hinayaan ko na lang 'yon. Alam niya ang bahay ko kahit ngayon lang kami nagkakilala? Tss. Akmang babalik na ko sa aking upuan nang pigilan ako ni Karylle.
“Ah, p’wede mo ba kong ihatid sa classroom?”
Nagtataka akong lumingon sa kaniyang direksyon. May nais pa sana akong sabihin sa kaniya, pero nagkibit-balikat na lamang ako. “Sige.”
Nakakailang hakbang pa lang ako upang sumama kay Karylle nang may pumigil na sa akin. Lumingon ako rito at nakita ko na naman ang mukha ng kambal ko. Parang automatic na bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing malapit siya sa akin. Tsk.
“Shion. . .” Nakayuko lang siya habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.
“What?”
She raises her head and looks straight at my eyes. “Can we talk?”
“What do you want?”
Umakto pa rin akong walang emosiyon sa harapan niya.
“A, Shion. Kasi-“
“I said, what do you want?”
“I’m just wondering for a while. May nagawa ba kong masama sa ’yo? If mayroon man, sorry.” She sadly stated.
Hindi ako kumibo sa kaniya. Sa halip, umasta pa rin akong walang pakialam.
“Shion, are you listening?”
Walang gana akong lumingon sa gawi niya at matalim ang matang tinitigan siya. Napaatras siya sa ginawa ko at napakagat sa kaniyang ibabang labi subalit hawak niya pa rin ang laylayan ng damit ko.
“Are you still-“
Tinabig kong muli ang kamay niya at matalim ang mata na nagwika. “Don’t touch me! Sinabi ko na sa ’yo ‘yon, hindi ba? Leave me alone already!”
Pagkatapos ay muli ko na naman siyang iniwan at tinalikuran habang si Karylle naman ay gulat na sumunod na lang sa akin.
I know I overacting right now, but this is the only thing I can do to prevent and forget my feelings for her. Dahil kahit anong gawin ko, pagbalik-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko mababago ang katotohanan na ang dugo na dumadaloy sa kaniya ay dugo ko rin.