CHAPTER 1

1345 Words
SHION “WOW! Ang ganda naman po ng bahay-bakasyunan na ‘to!” Kumikinang ang mga mata ni Sheena habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. “Mom, Sa atin po ba talaga ang bahay na ‘to?” Hindi ko na rin mapigilang ilabas ang tuwa na nararamdaman ko habang nagpalinga-linga sa paligid ng bahay-bakasyunan na pinagdalhan sa amin ng aming magulang. Pakiramdam ko ay hindi lang siya isang bahay-bakasyunan dahil napakalaki niya. May sarili itong sala, kusina at second floor kung nasaan ang kuwarto namin ni Sheena. Sa tuwa ay tumakbo na kami ni Sheena patungo sa aming magiging kuwarto sa buong bakasyon. Dala ang susi na kinuha namin kay Daddy ay binuksan namin ang kuwarto na unang madadaanan pagkatapos makatuntong sa second floor. “Shion! Shion, tingnan mo! Hindi double deck ang higaan na ‘tin. So, ibigsabihin ay magkatabi tayo.” Tinuro ni Sheena ang bagay na tinutukoy niya. Kulay sky blue ang pintura ng kuwarto. Katulad nga ng sinabi ni Sheena ay may iisa lamang na kind size bed sa kuwarto. Napangiti ako sa aking nakita. Ibigsabihin, makakatabi ko siya sa pagtulog sa buong bakasyon? “Tss. Huwag mong isolo ang buong kama, at huwag mo kong itulak. Kapag nalaglag ako ay isusumbong kita kina Mommy and Daddy.” Biniro ko si Sheena at nagkunwaring naiinis sa kaniya upang alamin ang magiging reaksiyon niya. Iyakin kasi siya e. Hahaha. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makitang nagsisimula na siyang umiyak. Sabi ko na nga ba. Malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Iyakin talaga siya. Lumapit ako sa kay Sheena at hinawakan ang kaniyang mahaba at straight na buhok. “Huwag kanang umiyak, Sheena. Nagbibiro lang naman ako. Sige na. . .” “Ewan ko sa ’yo, Shion. Papatawarin kita sa isang kondisyon. . .” Humihikbi pa rin siya habang nakatingin sa akin. Muli akong bumuntong hininga. Ito na naman siya sa isang kondisyon niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso ngayon. Kung ‘di lang talaga. . . “At ano na naman ang kondisyon mo, Sheena?” Pinunasan niya muna ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi pagkatapos ay muli niya kong hinarap. “Samahan mo ako roon sa nakita kong simbahan. Napansin ko kasi na may kinakasal doon ng mapadaan tayo papunta rito.” Bumungisngis sa akin si Sheena. “E? Baka magalit sina Daddy at Mommy sa atin, Sheena.” Napakamot ako sa aking batok at umiwas ng tingin sa kaniya nang makita kong sumimangot na naman siya. “Sige na kasi. . .” “Sige na nga, pero saglit lang tayo.” Hindi ko maiwasang hindi tumanggi sa kaniya lalo na nang makita ko ang nakanguso niyang labi. Parang may paru-paro na namang nagliliparan sa sistema ko. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko nang bigla na lang akong sugurin ng yakap ni Sheena. “Yey! Thanks, Shion. Hihi.” “So, Tara? Alis na tayo.” Una ko na siyang inilayo sa akin dahil baka marinig niya pa ang malakas na t***k ng puso ko. Nakakahiya! Lumabas kami sa aming kuwarto at bago makalabas ay nadaanan namin sina Mommy at Daddy na nag-aayos ng aming mga gamit. Nagtinginan kami ni Sheena sa isa’t-isa kung sino ang magpapaalam hanggang sa napagpasiyahan namin na ako na lang. Lagi naman e. “Mommy, Daddy. Maglalaro lang po kami ni Sheena sa labas.” Sumagot si mommy sa akin ng hindi tumitingin sa direksiyon namin. Kasalukuyan kasi siyang nag-aayos ng mga gamit na dala namin para sa bakasyon na ito. “Huwag kayong magpapagabi. Huwag din kayong pupunta sa malayo.” “Opo, mom.” Sabay kaming sumagot ni Sheena rito at pagkatapos ay lumabas na kami ni Sheena ng bahay-bakasyunan. “Saan ba ang simbahan na sinasabi mo, Sheena?” tanong ko habang naglalakad kasama niya. “Basta. Malapit lang dito 'yon, Shion.” Naglakad pa kami ng ilang minuto at nadaanan ang ilang tao na nagtitinda at nagc-camping sa mga puno ng acacia hanggang sa tuluyan na naming narating ang sinasabi ni Sheena na simbahan. Totoo nga ang sinasabi niya. Maraming tao ngayon dito at lahat sila ay nakapang-abay na damit. Dumating ang babaeng nakasuot na pang-bride na damit Sakto sa pagsilip namin ni Sheena malapit sa simbahan. Nakatayo lang kami sa isa pang puno ng acacia dahil baka mapagalitan kami kapag lumapit pa kami sa simbahan. “Wow! Sana paglaki ko ay ganyan din ako kaganda kapag nakasuot na ko ng pang-bride na kasuotan.” Napatingin ako at natulala sa nakangiting mukha ni Sheena nang marinig ang kaniyang sinabi. Nag-init ang aking magkabilang pisngi nang maisip ko ang hitsura niya kapag nakasuot na siya ng pang-bride na damit. Ang ganda niya. . . Nadako ang tingin ko sa santan flower na nasa likod ni Sheena. Habang nakatitig dito ay may naisip akong gawin na alam kong mas lalong ikatutuwa ni Sheena. “Oo, maganda ka nga siguro. Wait lang ha. D'yan ka muna.” Umalis ako sa tabi ni Sheena at naglakad sa direksiyon ng mga santan flower. Namitas ako nang namitas ng marami. Kailangan ko kasi ng marami para sa gagawin ko. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa direksiyon ni Sheena. Mukhang hindi niya pa napapansin ang pagkawala ko sa tabi niya. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay bumalik na ko sa kinalalagyan ni Sheena kanina. “Geez. Saan ka ba nanggaling, Shion? Nakapasok na tuloy sa loob ang groom at bride.” Muntikan na kong matawa nang makita ang pag-irap sa akin ni Sheena. Ang cute niya talaga lalo na kapag naiinis na siya. Hahaha. “Namitas pa kasi ako nito. . .” Pinakita ko sa kaniya ang dala kong santan flower. Nabaling ang atensiyon ni Sheena rito. “Anong gagawin mo d'yan?” “Basta.” Pinaghiwalay ko isa-isa ang mga santan flower at pagkatapos ay pinagdikit-dikit ito pabilog hanggang sa nagmukha itong hairband. Lumingon ako kay Sheena at parang lumundag na naman ang puso ko sa tuwa nang makita ang tuwa sa kaniyang mga mata dahil sa ginawa ko. Ngumiti muna ako kay Sheena bago isinuot sa kaniyang ulo ang santan flower hairband na ginawa ko. “'Yan. Peace offering ko sa ginawa ko kanina.” “Wow! Thank you, Shion!” Niyakap niya ulit ako pagkaabot ng santan flower. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng aking dalawang pisngi dahil sa ginawa niya. I hope someday I can tell her the words I’m afraid to tell. Nangyari ang mga bagay na ‘yan nang mga bata pa lang kami ni Sheena. Ako si Shion Buenavista. Ang babae naman ay si Sheena Buenavista. Oo, tama. Magkapatid nga kaming dalawa. Hindi lang 'yon dahil kambal din kami. Simula bata pa lang ay kami na ang laging magkasama. Close na close kami sa isa’t-isa. . . kahit na magkaiba ang kasarian at pag-uugali namin. Ngayon ay pareho na kaming high school students. Magkaklase rin kaming dalawa. Iisa lang ang kuwartong tinutulugan namin. Sa sobrang close namin ay wala rin kaming mas’yadong nagiging kaibigan sa eskwelahan. That’s right. Mundo namin ang isa’t-isa. Well, we are not only a siblings. Magkaibigan din kaming dalawa. Sa buong maghapon ay siya lang ang lagi kong kasama. We almost make our own world together. Sa tingin ko nga ay hindi makukumpleto ang araw ng isa’t-isa kapag nagkahiwalay kami. Ang pangungulila niya ay pangungulila ko rin. Ang kasayahan niya ay kasayahan ko rin at dahil doon, hindi ko namalayang sa kaniya. . . sa kapatid ko. . . sa kambal ko mismo ay nahulog ako. Yes. I loves her, but it's not as a siblings love ‘cause I know there is something more. However, right now and as much as possible, I need to stop my feelings for her before it gets worse. Dahil kung hindi ko pipigilan, tiyak. . . may masasaktan at may masasaktan lang sa dulo at ayo'kong mangyari ang bagay na 'yon. Ayo'kong umabot pa sa gano’n ang lahat dahil batid ko na kapag nawala siya sa piling ko, hindi ko ito kakayanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD