SHEENA Dama ko ang kaniyang hininga na patuloy na tumatama sa aking tainga. Natigilan ako sa sinabi niya at nang makabawi ako sa gulat ay agad ko siyang itinulak. Pareho kaming napahawak sa lubid ng hanging bridge nang malaks itong umuga dahil sa pagtulak ko sa kaniya. Nang maging normal na ang pag-uga ng hanging bridge ay agad kong binalingan 'yong lalake at tiningnan siya ng masama. Bahagya pa kong natigilan nang matitigan ko ang mukha niya, pero hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya. Parang familiar kasi sa akin 'yong mukha niya, pero hindi ko maalala kung saan ko 'yon nakita dati. "Sino ka? Bakit ka nangingialam? Bakit mo ba ko pinigilan? At saka bakit mo ko niyakap?" magkakasunod kong tanong sa kaniya. Katulad ko ay napatitig din siya sa akin pagkatapos ay tumawa siya ng malakas. M

