CHAPTER 25

1105 Words
SHEENA Hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata ay ramdam ko na agad ang bigat ng pakiramdam ko at ang sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako ng nakapikit pa rin at napapahimas sa aking ulo. Nang imulat ko ang aking mata ay bahagya akong nagulat dahil ibang kuwarto pala ang kinaroroonan ko ngayon. Inalala ko ang mga nangyari sa akin kahapon at mukhang naubos na yata ang mga luha ko dahil kahit naisin ko man umiyak ngayon ay hindi ko magawa dahil wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Tumayo ako at niligpit ang higaan na hinigaan ko. Mukhang wala ako sa inuupahan namin ni Lyra. Sa pagkakatanda ko ay dumating si Lyro kagabi bago ako makatulog. Kaya baka sa bahay nga nito ako dinala. Napakamot ako sa aking ulo. Nakakahiya ang nangyari. Baka may girlfriend na 'yong tao at bigla akong madatnan dito. Magpapasalamat na lang ako sa kaniya pagkadaan ko sa trabaho niya. Oo nga pala, si Lyro ay isang professor na sa field ng science biology. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Nakapunta na rin naman ako rito ilang beses na kasama si Lyra kaya alam ko na rin ang pasikot-sikot dito. May nakita akong nakatakip na pagkain sa table at katabi nito ang isang sticky note. Kinuha ko 'yon at binasa. Bayaran mo na lang ang kinain mo at pagtulong sa 'yo ni kuya kapag okay ka na. Hindi na kita ginising dahil maaga pa ang taping namin ngayon. P.S Mas malaki ang bayad kapag hindi mo kinain ang pagkaing niluto ko. Napangiti ako sa nabasa at saka nilagay sa trash can ang sticky note. Nagtimpla muna ako ng kape bago umupo at nagsimulang kumain. May parte ng pagkatao ko na masaya dahil kung sino pa ang madalas mang-away sa akin noon ay siya pa ang hindi nang-iiwan sa akin ngayon. Napahinto ako sa paghigop ng kape ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng bag na dala ko kahapon. Kinuha ko ito at binuksan ang messages. Nagulat ako nang makitang napakadaming messages and missed calls galing kay dad and mom. Napapabuntong hininga akong iniscroll ang lahat ng 'yon at binasa na lang ang last message nila. "Sweetie, where are you? I said the we will going to eat breakfast with your twins and his fiancee, but you'll never come. I hope you take a rest after work yesterday. Don't skip your breakfast, okay?" Pagkabasa ko rito ay agad din akong nag-reply kay mom para hindi na siya mag-alala pa. Pagkatapos kong kumain ay agad ko rin itong hinugasan. Pagkatapos ay naghilamos at nag-toothbrush lang ako dahil wala naman akong dalang damit na pamalit kung dito ako maliligo. Nag-iwan lang ako kay Lyro ng note at nagpasalamat sa kaniya. Inayos ko lang ang sarili ko at umalis na sa apartment ni Lyro. Nilock ko lang naman 'yon dahil hindi na rin naman kailangan pa ng susi para ma-lock 'yon. Pagkalabas ay agad akong tumawag ng taxi at umuwi sa bahay namin ni Lyra. Ayo'ko rin naman kasing umuwi ng bahay dahil hindi pa ko handang harapin ang mga tao doon. Pagkadating at pagkapasok sa bahay ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Plano ko sanang pumunta sa taping namin ngayon, pero baka magulo ko lang ang mga set dahil wala pa ko sa mood ngayon at masakit pa ang ulo ko. Ayo'ko din naman mainterview nila tungkol sa kung anong mangyayari at mapilit akong mapakuwento. Hindi ko pa naman sinasabi kahit kanino ang tungkol sa amin ni Shion. Sina Lyra, Lyro at Joshua Smith lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Shion. Buti na nga lang at naintindihan nila ang bagay na 'yon at hindi kami hinusgahan agad katulad ng ibang tao sa paligid. Napagpasiyahan kong maglakad-lakad na lang at bigyang oras ang sarili na mapag-isa. Kumpara kina Lyra, hindi naman ako gano'n kasikat dahil hindi naman lumalabas ang mukha ko sa television. Hindi naman ako actress at isang writer lang. Puwera na lang kung may tao talagang fans ng storyang ginagawa ko at tiningnan pa ang profile ng writer. Sinara ko lang ang bahay namin ni Lyra gamit ang spare key na mayroon ako at nagsimula ng maglakad. Hindi ko alam kung saan banda ako aabutin ng mga paa ko, basta gusto ko lang maglakad at pumunta sa kung saan. Ewan ko ba kung bakit kahit anong pilit ko sa loob ng sampung taon ay hindi na nagbago ang nararamdaman ng puso ko. Kahit anong pilit ko ay hindi na ko nakaramdam ng tuwa. Feeling ko palagi na lang may kulang. Napatingin ako sa langit at katulad kanina, kahit pilitin kong gustong umiyak ay wala talagang lumalabas na luha sa mga mata ko. Lumipas ang ilang oras at naramdaman ko na ang pananakit ng mga paa ko dahil sa kakalakad. Napagpasiyahan ko na tumigil na lang sa isang hanging bridge. Naglakad ako hanggang sa gitna nito. Pinikit ko ang aking dalawang mata at dinama ang malakas na simoy ng hangin. Mukhang uulan pa yata dahil sa maitim na ang kalangitan na kanina lang ay kulay asul. Subalit hindi ako nabahala kung bigla mang umulan ng malakas at mabasa ako. Sa halip ay hinihiling ko pa na sana nga ay umulan na at mabasa ako. Nang unti-onti ko nang maramdaman ang patak ng ulan ay dumilat ako at humawak sa lubid ng hanging bridge. Hindi ko alam kung bakit nang mabasa ang mukha ko ay saka lang nagsibagsakan ulit ang mga luha ko. Iniisip ko nga na baka napasukan ng tubig ang mata ko at dahil doon ay nakaiyak na ulit ako. Kahit gumagalaw ng malakas ang hanging bridge dahil sa hangin ay hindi ako makaramdam ng takot. Mas pinili kong mag-stay doon kahit na alam kong mahihirapan na kong makabalik dahil madulas na sa dadaanan ko. Parang bigla akong nakarinig sa utak ko ng isang boses na nag-uutos. Inuutusan niya kong tumalon dito at magpakamatay para mawala na ang sakit na nararamdaman ko. Tumingin ako sa ibaba ng hanging bridge at nakita ko doon ang rumaragasang tubig ng ilog. Napangiti ako ng mapakla. Siguro kung mahulog ako dito ay wala ng makakakilala sa bangkay ko o hindi kaya ay hindi na mahahanap pa ang katawan ko. Mas lumawak ang pagkakangiti ko. Huminga muna ako ng malalim bago pinikit ang aking mata at saka hinanda ang sarili na tumalon ngunit itataas ko na sana ang isang paa ko nang may biglang kamay ang humawak sa braso ko at hinapit ako papalapit sa kaniya. "Your life isn't a film, do not end it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD