SHEENA
Hindi ko alam kung nakakasunod pa ba sa akin si Lyra dahil nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi na tumitingin sa paligid ko. Wala na rin akong pakialam kung saan ba ko pupunta ngayon. Basta gusto kong makalayo sa lugar na 'yon.
Ilang oras kong pinigilan ang mga luha ko na huwag tumulo sa harapan nila kanina, pero hindi ko na mapigilan dahil sa mga pakikitungo sa akin ni Shion. Sino nga ba ako para magalit o ipakitang nasasaktan ako sa harap niya? Hindi hamak na kambal lang naman niya ko.
"Tsk. You, witch! You left me behind," dinig kong hinihingal na wika ni Lyra.
Hindi ko siya nilingon o kinibo. Diretso lang ang tingin ko sa daan na nilalakaran ko habang tulala at patuloy na pinapaagos ang aking mga luha. Hindi na rin naman siya nagsalita pa at sinabayan lang ako sa paglalakad. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay bumuntong hininga siya ng mahaba.
"I don't know what to say after what happened. In ten years, I can say that Shion was change."
Muling nagsituluan ng sunod-sunod ang luha ko dahil sa sinabi niya.
Hinayaan lang naman niya kong umiyak at sumabay lang maglakad sa akin. Nagbalik sa isipan ko ang huli naming pag-uusap noon at mas lalong kumirot ang puso ko dahil dito.
"Sheena, panahon na siguro para ikaw naman ang sumaya. Tama na ang sampung taon na paghihintay mo sa kaniya. Hindi ka naman nagkulang sa kaniya e. Tama na sa ngayon ay sarili mo naman ang isipin mo."
Muli akong napaluha sa binitiwang salita ni Lyra.
Sana gano'n kadali lang na kalimutan ang lahat. Sana gano'n lang kadali mag move-on. Okay na pala ang lahat kay Shion. Masaya na sina mom and dad para sa kaniya. Minsan iniisip ko kung si Shion ba ang may mali sa mga nangyayari ngayon o ako talaga ang naging sarado ang isip para hindi siya maintindihan.
Tumigil ako sa isang bar at pumasok doon. Sinubukan pa nga kong pigilan ni Lyra, pero wala na siyang nagawa nang magpumilit ako. Napakagat-labi na lang siya na sumabay sa akin papasok ng isang bar. Nabalewala ko na ang ingay sa paligid at ang mga taong nagsasayawan. Pati na rin ang nakakahilong ilaw. Dumiretso lang ako sa bartender at um-order ng isang Alfonso.
Pagkabigay sa akin nito ay agad ko itong tinungga habang si Lyra ay walang imik sa aking tabi at nakatingin lang sa akin.
"Sheena, hindi kita susuwayin sa pag-inom mo ngayon pero kapag ikaw ay sumbra na ay asahan mong pipigilan na kita." Tumingin si Lyra sa bartender at tinaasan ito ng kilay.
"Kapag nalasing itong kasama ko, humanda ka sa 'kin at paaalisin kita sa trabaho mo. Naiintindihan mo?"
Tumango lang ang bartender sa kaniya. "Yes po, Ms. Lyra."
Hindi na ko nagulat nang banggitin ng bartender ang pangalan ni Lyra dahil isa nga itong sikat na actress. Binalingan ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay habang ang isa ko namang kamay ay hawak ang bote ng Alfonso.
"Lyra, let me drink kahit ngayon lang," pagmamakaawa ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya sa akin at binawi ang kamay niyang hawak ko.
"Okay, fine. But, I will call my brother kapag lasing ka na. Hindi kita kayang buhatin or what." Napangiti ako sa naging sagot ni Lyra.
Maaasahan ko talaga siyang kaibigan. Nang maubos ko ang iniinom na Alfonso ay muli akong um-order at nilaklak ito. Wala na kong pakialam kung gaano kasama ang lasa nito sa dila ko.
"Yes, Kuya. Pumunta ka na lang dito. Oo, Kuya. No. Don't say this to anyone. Kaya nga e. Tss. Just do what I told you, okay? Bye." Dinig kong wika ni Lyra habang may kausap sa kaniyang cellphone.
Pagkababa niya ay muli niya kong binalingan.
"Ikaw ba, Lyra. Paano mo nagawang hindi magkagusto sa sarili mong kapatid?" tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ang sarili kong mga luha.
Napansin kong natigilan siya sa tanong ko at napakunot ang kaniyang noo.
"Duh? My brother and I are close, but not too close as you two before. Maybe, 'yon siguro ang dahilan kaya umabot kayo sa puntong ganyan," naiilang na tugon ni Lyra sa tanong ko.
Nang muli kong maubos ang iniinom ay muli akong um-order. Napansin ko pang napangiwi si Lyra habang pinagmamasdan akong umiinom.
"I'll never know that you are a drunker woman." Komento niya.
Ngumiti ako sa kaniya at sinagot siya. "Ngayon lang ito."
Lumipas na ang ilang oras at napapansin ko sa sarili na med'yo nakakaramdam na ko ng pagkahilo.
Gano'n pa man, hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pagtulo sa aking pisngi. Ewan ko ba kung bakit hindi ko ito mapigilan. Napapansin ko nga na naaawa na si Lyra sa sitwasyon ko ngayon, pero ayaw lang niyang ipahalata sa akin.
Gano'n pala. Kung hindi ko pala naging close mas'yado at kadikit si Shion ay malabong umabot kami sa puntong ganito. Malabong umabot ako sa puntong ganito.
"Naisip ko lang. Nang mga panahon na hinihintay ko si Shion na magbalik, sila na kaya ng Summer na 'yon?" Napatawa ako ng mapakla sa naisip habang si Lyra naman ay tahimik lang sa isang tabi.
"Naghihintay ako habang siya ay nagpapakasaya na pala sa iba." Tumatawang dugtong ko pa at muling lumaklak ng alak.
"Tama na kaya 'yan, Sheena. Halika na. Papunta na raw dito si kuya." Hinawakan ni Lyra ang kamay ko upang pigilan akong uminom ulit, pero tinabig ko lang ang kamay niya at muling uminom.
Umiikot na talaga ang paningin ko kanina pa, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil umaasa ako na baka kapag uminom pa ko ay biglang maglaho ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Lyra, nasaktan ka na ba dati?" tanong ko rito.
Hindi siya kumibo sa akin. Alam ko rin naman ang sagot sa katanungan ko e. She's never been inlove or in a relationship before. Siguro dahil 'yon sa overprotective niyang kuya kaya walang nakakaporma sa kaniya o dahil hindi pa talaga panahon para tumibok sa isang tao ang puso niya.
"Lyra, ano bang ginagawa ninyo sa ganitong klaseng lugar? Halika na at umuwi na tayo," rinig kong wika ni Lyro na dumating na pala.
Bumaling siya sa akin at nginitian ko naman siya kahit na may bakas pa ng luha ang aking mga mata. Napalitan ng galit ang expression niya nang makita ako.
"Sheena, what happen to you? Bitawan mo na 'yan at umuwi na tayo," nag-aalalang usal niya at inagaw sa akin ang hawak kong bote ng Alfonso na may laman pa.
Wala na kong nagawa kung hindi mapahagulgol na lang at saka unti-onting nagdilim ang aking paningin.