CHAPTER 23

1192 Words
SHEENA Nabitawan ko ang hawak na bread knife nang marinig ang sinabi ni Shion na naging dahilan para malipat sa akin ang atensiyon ng lahat. "Sheena, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni dad. Ipinilig ko ang aking ulo at pilit na ngumiti sa kanila ng malapad. "Yes, dad. Of course, I-I'm just really happy for my twin. Summer, right? Please take care of my twin and. . . don't hurt him. Mahalin mo sana siya ng totoo." Yumuko ako at nagsimula ng kumain. Alam ko kung hanggang saan ko kayang pigilan ang luha kong huwag tumulo sa harapan nila. Kaya hangga't maaari ay sumusubo ako ng pagkain kapag alam kong paiyak na ko. Ramdam ko rin sa bawat pagkain ko ang katahimikang namumutawi sa amin ngayon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng kubyertos at pinggan. Wala rin akong lakas ng loob para balingan ang mga kasama ko lalo na siya. "Ah, Sheena? Thank you kasi pinagkatiwala mo na rin sa akin ang kambal mo. I promise that he will be the happiest man in the world." Nag-angat ako ng tingin nang basagin ni Summer ang katahimikan. Isang ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya. Muli na namang nagbago ang atmosphere sa paligid namin. "So, Sheena. How's your work?" biglang tanong ni dad sabay baling sa akin. "I'm doing great, dad. Lalo na tumataas ang rate ng novel na ginawa ko na napapanood na ngayon sa television. There's a lot of positive feedback too that makes me got on fire and urge to work more everyday," mabilis na sagot ko rito at saka ininom ang isang capuccino chocolate. Napalingon sa akin sina Shion at Summer dahil sa sinabi ko. "Isa kang writer?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Summer. Tumango ako sa kaniya. "Yeah. Before, I use to act on theatre but one day, nagising na lang ako na gusto ko nang magsulat ng isang story. It's a different kind of story and I really want to finish it. Then, nang matapos ko ay sinubukan ko itong ipasa sa isang sikat na publishing house at agad naman nilang nagustuhan ito. Na sold-out nga agad ng maging libro. Then after one year, nagulat na lang ako sa binalita ng publishing company. Nagustuhan daw ito ng isang sikat na producer at nais daw itong gawing teleserye sa isang television station. Of course, I feel great that time and I didn't miss that chance to say no," mahabang kuwento ko sa kanila. Bakas ang tuwa sa mata ni Summer habang nakikinig siya sa akin. "May I know what is the title of novel that you've wrote?" Pagkalaan ay tanong ni Summer sa akin. Napansin ko na kami na lang ang nag-uusap habang ang mga kasama namin ay abala sa pagkain. "The. . . The twins conflict." Napayuko ako dahil naramdaman ko na namang nag-iba ang atmosphere ng paligid namin dahil sa sinabi ko. "Wow! That story? Lagi ko 'yang inaabangan sa Canada. Showing din 'yon doon at masasabi kong sikat na sikat din ang storya na 'yan doon." Naiilang akong napatingin sa kaniya. Ang galing naman niyang magsalita ng tagalog kahit na nanirahan siya sa Canada ng ilang taon. Kung sabagay, baka tinuruan siya doon ni. . . Shion. "Nakakaiyak nga lang at nakakakaba dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanila sa dulo ng palabas. Magiging makasarili ba sila at patuloy pa ring mamahalin ang isa't-isa? O tuluyan na silang susuko at papalayain ang isa't-isa dahil 'yon ang dapat? Madali lang kasing magmahalan ang dalawang tao sa isa't-isa, pero kapag involve na ang ibang tao ay ibang usapan na. I like the opening when you say, do you know what is love? Just like since from the story started, the love that the two character's have was already existed," mahabang kuwento ni Summer. Isang simpleng ngiti lang ang naitugon ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung dapat ba naming pag-usapan ang tungkol sa palabas na 'yon dahil sa sitwasyon namin ngayon. Ni hindi ako makatingin sa iba ko pang mga kasama dahil baka kahit ang mga titig nila ay magtanong na rin sa akin. I don't want to be ask right now because I don't want to expose my real feelings now. Maya-maya ay umubo si dad dahilan para malipat ang atensiyon ko sa kaniya. "W-Well, I'm so proud of you, Sheena and to your success." Ngumiti ako sa kaniya ng pilit at tumango. "Thanks, dad." Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang bibig ko. "How about you, Shion? How's your career?" tanong naman ni mom kay Shion. "Well, Serenity and I are both an artist now. Doon din namin nakilala pa ng husto ang isa't-isa kaya we are both contented to our successful career and infinity love." Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin, pero parang pinapamukha sa akin ni Shion na naging mas masaya siya ng mawala ako sa buhay niya. Muli akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Bakit pakiramdam ko ay ibang tao na ang lalakeng kaharap ko ngayon? Hindi ko rin alam na ibang pangarap pala ang natupad niya kumpara sa sinabi niya sa akin noon. Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong sabihin kung bakit naging ganyan siya. Ano bang nangyari sa kaniya sa loob ng sampung taon? At nasaan na ang pangako niya? Gusto ko ring magalit sa kaniya dahil parang gano'n na lang kadali para sa kaniya ang maging malamig na naman sa harapan ko at parang balewala na naman ako. I want to shout and curse him, but I am also afraid. I'm afraid to his answer that will tear my heart again into pieces. I don't want to left behind again. All I want is a peaceful life. "Wow. I'm so happy for you, son. You are grown matured man now," nakangiting wika ni mom. Pinili ko na lang na manahimik at huwag makisali sa usapan nila. Pakiramdam ko kasi ay pipiyok ako kapag sinubukan ko pang magsalita. "How about you, Lyra? You are so pretty today. How's your career?" rinig kong tawag ni mom kay Lyra. Nakayuko kasi ako at sa pagkain lang nakatingin dahil ayo'kong salubungin ang mga tingin nila sa akin. "Ayos lang naman po, tita. Hindi pa rin naman nalalaos ang beauty ko kaya nananatili pa rin akong sikat na artista dito sa pilipinas," sagot dito ni Lyra. "Sheena? Are you crying?" Napaangat ako ng tingin sa kanila nang marinig ang tanong ni mom. Napahawak ako sa aking pisngi at doon ko lang napagtanto na lumabas na pala sa aking mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Of course, mom. Naalala ko lang ang susunod na scene na gagawin ngayon ng direktor namin. I just feel emotional after remembering that. By the way, let's go na Lyra. Baka hinahanap na tayo doon," paliwanag ko sabay baling kay Lyra na nakakunot ang noo at nag-aalalang nakatingin sa akin. Tumayo ako at gano'n din ang ginawa niya. "Ha? Ah, sige. Tita, sorry but we have to go." Pagkalaan ay wika ni Lyra nang maintindihan ang nais kong iparating. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at hinila na si Lyra palabas ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD