SHEENA
Lumingon ako kay dad nang may maramdaman na kakaibang atmosphere sa paligid.
"Dad, I thought may kasama pa kayo?"
Pinilit kong gawing pormal ang tono ng boses ko. Pinilit kong itago ang totoong saloobin ko. Hindi kasi ganito ang ineexpect kong mangyayari.
"Yeah, but something happened kaya nauna na siyang umalis. Huwag kang mag-alala dahil makikita mo siya soon. Right, son?" nakangiting tugon ni dad sabay kindat kay Shion.
Tumango lang ito sa kaniya. Nabigla ako ng yakapin ako ni dad ng walang pasabi.
"I miss you, my daughter. How's your life?" bulong ni dad sa tainga ko.
Niyakap ko rin siya pabalik. "I'm more than okay, dad. Lalo na at nandito na kayo." Pinilit kong pasayahin ang tono ng boses ko kahit na parang ano mang oras ay magc-crack na ito. Kaya naman kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.
Bakit ang weird ng pakiramdam ko ngayon? I should be happy, but I have this feeling that anytime now, I will going to cry. Tsk. Kumalas sa pagkakayakap si dad at saka binalingan ng tingin si Shion.
"Son, hindi mo ba na-miss ang twin mo? Come here and hug her," utos ni dad dito.
Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang lumapit si Shion sa direksiyon ko at niyakap ako subalit hindi 'yon kasing higpit ng inaakala ko.
"I miss you, kambal." walang emosyong wika niya sa akin at ewan ko kung ako lang ba ang nakahalata dahil parang diniinan niya talaga ang pagbigkas sa salitang 'kambal'.
"I-I miss you too," nauutal na tugon ko dito at yayakapin ko na sana siya pabalik, pero kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.
Gano'n pa man, pilit pa rin akong ngimiti kay dad.
"Let's go. I know na gutom na kayo kaya nagpa-reserve na ko sa isang filipino restaurant sa manila. Its been a while since you left kaya I know na miss n'yo na rin ang mga pagkaing pilipino." Binalingan ko si Lyra na nakatulala sa akin na may pag-aalalang mababakas sa mukha niya at tinapik ng mahina ang balikat niya.
"Let's go, Lyra. Kailangan na 'ting sulitin ang araw na 'tin ngayon dahil bukas ay back to work na agad tayo," nakangiti kong yaya kay Lyra.
Bigla naman siyang natauhan at binalingan sina dad. Pagkatapos ay bigla niyang hinila ang braso ko.
"Excuse me, Tito. May nakalimutan kasi akong daanan sa isang bakery shop. Maaari po bang mauna na kayo sa restaurant? Ibibigay na lang ni Sheena ang address kung saan."
Napakunot ang noo ko at nagtaka sa sinabi ni Lyra. Bahagya niyang tinaas ang isang kilay niya nang mabaling ang atensiyon ko sa kaniya kaya mabilis kong naunawaan ang nais niyang iparating. Binalingan ko sina dad na walang idea sa naging usapan namin ni Lyra sa pamamagitan lang ng tingin.
"I'm sorry, dad. We will be quick. Here's the location." Sabay send sa kaniyang cellphone ng location ng Filipino Restaurant na sinasabi ko.
"Okay. We will wait for you," nakangiting tugon ni dad.
Si Shion naman ay tumango lang sa akin at iniwan na nila kami ni Lyra palabas ng airport.
Nang tuluyan nang makalabas sina dad at Shion ay muli akong napalingon kay Lyra nang magsalita siya.
"Okay. Go on. You can cry now," pahayag ni Lyra kaya bigla akong natulala sa kainya.
Huwag niyang sabihin na pinaalis niya sina dad para rito? Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.
"I don't know why, pero hindi ko yata kayang umiyak sa ngayon. Sa tingin ko kasi ay mayroon pang mga bagay na mangyayari na hindi ko inaasahan. Mga bagay na mas lalong magpapadurog ng puso ko. Kaya right now, I should be happy first. I should be happy even though the guy that I've waited for so long, the guy who promise me long ago is playing cold and change a lot." Biglang naging malungkot ang tono ng boses ko.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Lyra ng mahigpit at dahil doon ay tuluyan na kong napaluha.
"I told you that you can cry because its natural. Promise, I will not going to laugh. I know there is a lot of thing that you wants to ask from him, I know that you wants to be angry because of his actions towards you, but I also know how much you loves him and that love is the reason why you turn out to act as if you are really okay." Bulong ni Lyra sa tainga ko.
Humagulgol lang ako sa balikat niya at hindi nagsalita.
"I've waited for him in ten years and now that his finally here, why? I don't know him anymore." Nahinto ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone ko sa dala kong shoulder bag.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Lyra at pinunasan ang mga luha ko sa aking pisngi.
"Let's go. Hinahanap na yata tayo nina dad." Ngumiti ako kay Lyra para hindi na siya gaanong mag-alala pa.
"Shouldn't you fix yourself first? You looks like a crying monster especially your eyes," taas-kilay na usal sa akin ni Lyra.
"No need. Simplicity is a beauty." tugon ko rito at tumawa ng mahina.
Hinila ko na si Lyra palabas ng airport para hindi na siya makapagprotesta pa. Sumakay na kami ng taxi at nagpunta sa kinalalagyan nina dad. Habang nasa biyahe ay hindi na ko nakaangal nang maglabas ng tissue at poundation si Lyra at inayos ang pagmumukha ko. Nilagyan niya rin ako ng liptint.
"You should be beautiful kapag humarap ka sa kaniya. Para naman magsisi siya kahit papaano sa hindi niya pagpansin sa 'yo," usal pa ni Lyra pagkatapos niya kong ayusan.
Isang tipid na ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya. Nang tumigil na ang sinasakyan namin ay magkahawak-kamay kami ni Lyra na pumasok sa restaurant. Agad na nahagip ng mata ko sina dad na katabi na ni mom at si Shion na katabi ng isang babae na hindi ko kilala na katabi rin ni mom. Round table ang inuupuan nila. Napatingin sa direksiyon namin ni Lyra ang apat at una akong napansin ni mom.
"Hi, mom. I thought you have work today?" bati ko kay mom at saka siya hinalikan sa pisngi.
Umupo ako sa pagitan ni dad at ni Shion. Si Lyra naman ay umupo sa gitna namin ni Shion.
"Of course, sweetie. But, I miss this two gentleman here so I guess leaving my work so early is not a sin," nakangiting tugon sa akin ni mom.
"By the way, may nais pa lang sabihin sa 'yo si Shion," dugtong pa ni mom sabay baling sa direksiyon ni Shion.
Doon ko lang muling napansin ang katabi ni Shion na nakangiti na rin sa akin ngayon. Samantala, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nsng mapansin ang magkahawak nilang mga kamay ni Shion.
"Everyone, again. She is Summer Serenity Flores, my fiancee."