SHEENA
For the last time, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at ngumiti. He is finally here and I can't stop myself to smile so hard.
"Sheena, witch! Where are you? Bakit ba ang tagal mo naman d'yan?! Iiwan na lang kita kung hindi ka pa bababa!"
Muntikan na kong mapatalon sa gulat dahil sa malakas na sigaw sa baba.
"I'm sorry, Lyra. Pababa na ko!" sigaw ko rin dito.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko bago mabilis na kinuha ang isang shoulder bag ko at isang banner. Mabilis akong bumaba ng hagdan at sinalubong si Lyra na nakapamewang na naman at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin. Napaatras pa ko ng isang hakbang dahil sa presensiya ngayon at nginitian siya.
"Pasensiya na talaga, Lyra. Halika na. Baka mauna pang makadating sina dad kaysa sa atin," yaya ko sa kaniya at nauna nang naglakad patungo sa labas ng bahay.
Naramdaman ko naman na sumunod na rin sa akin si Lyra.
"Okay ka na ba talaga?" Natigilan ako sa tanong ni Lyra subalit hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya.
Doble kasi ang meaning sa akin ng sinabi niya. Nang makalabas na siya ng bahay ay sinirado ko na ang pinto ng inuupahan naming bahay at saka nakangiting humarap kay Lyra.
"Oo, ayos na. Hindi ko naman na kailangan pang magpaganda dahil sina dad lang naman ang susunduin na 'tin sa airport," tugon ko sa tanong niya.
Naglakad na kami sa sakayan at pumara ng taxi. Nang makasakay ay bigla akong nilingon ni Lyra at tinitigan niya ko na may pag-aalala sa kaniyang mata. Maya-maya ay bumuntong hininga siya at itinuon ang tingin sa labas ng taxi.
"May kasama raw sila, hindi ba? Sinabi ba nila kung sino?" tanong na naman niya.
Nakalimutan ko na ang tungkol doon. Buti na lang at pinaalala niya.
"Hindi sinabi ni dad kung sino. Suprise na lang daw," sagot ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang maalala ko ang tungkol doon.
"Nakausap mo naman na ba siya? You know? Ten years na at wala pa rin siyang paramdam kahit kasama lang naman siya ng dad mo."
Bigla na naman akong natigilan sa inusal ni Lyra.
That's true. Simula nang umalis siya at bumitaw ng pangako sa akin ay wala na kong naging balita pa sa kaniya. We lost our communication with a blink of an eye although he is with our father. Si dad na nakakausap ko naman lagi.
Naiintindihan ko naman kung bakit hindi nababanggit ni dad ang tungkol sa kambal ko dahil nga sa nangyari noon, pero ang taong ito na natiis na hindi ako makausap sa loob ng sampung taon, its really killing me inside. Iniisip ko na lang na pinagbabawalan lang siya ni dad na makausap ako para tuluyang paglayuin ang damdamin at ugnayan na mayroon kami, pero gano'n ba talaga kahirap na hindi ako tawagan kahit isang beses sa isang buwan?
Kahit na gano'n ay iniisip ko na lang na hawak ko pa ang pangakong binitiwan niya sa akin noon. He will come someday na isa na siyang tunay na lalake na kaya akong ipaglaban ng buo and that day is now. The loneliness is finally over.
"Hey, we're already here. Are you fine? Kanina pa kita tinatapik, pero hindi ka umiimik. Hindi kaya mas'yado kang excited or nababahala ka na sa taong kasama raw nila ngayon?"
Nagbalik sa realidad ang isip ko nang marinig ang boses ni Lyra.
Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala kami nakababa sa taxi at kasalukuyan ng naglalakad papasok ng airport. Bumaling ako kay Lyra at sinagot siya.
"Hmm. . . Lyra, ano bang gusto mong iparating?" Kunot-noo at kunwari ay naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Wala naman. Baka kasi kaya hindi na nagpaparamdam sa 'yo 'yong tao ay mayroon ng-" Napahinto sa pagsasalita si Lyra nang mapansin niyang nagtutubig na ang mga mata ko.
Masasabi ko na sa sampung taon na lumipas ay may mga bagay talaga ang hindi nagbago. Katulad na lang ng pagiging iyakin ko.
"Tss. I'm just kidding, okay? That's why I really hate you. Napakaiyakin mo kahit na may trabaho kanang tao. Isa pa, I just wanted to state some of the possibility para hindi ka na mas'yadong umiyak pagdating ng realidad tapos ako na naman ang guguluhin mo. Tsk," mataray na paliwanag ni Lyra.
Pinunasan ko ang butil ng luhang nalaglag na pala sa pisngi ko at ngumiti sa kaniya.
"Its okay. That's why you are my favorite bestfriend because you are always straight to the point and never tell a lie to me," tugon ko.
Tumigil na kami sa paglalakad at pumuwesto sa gilid ng pintuan ng pinaglalabasan ng mga taong lulan ng eroplano pauwi ng bansa. Nilabas ko ang maliit na dalawang banner na nasa bag ko. Ang isa ay pinahawak ko kay Lyra, 'yong may nakalagay na pangalan ni dad at ang isa naman ay hawak ko, 'yong may pangalan ng kambal ko.
"Wow. Maaga pala tayo ng twenty minutes. Hindi talaga tayo mukhang excited nito no?" maya-maya'y reklamo ni Lyra pagkatapos tumingin sa relo niya.
"Gano'n ba? Kung gano'n, hayaan mong magtungo muna ako sa comfort room dahil kanina pa ko nagpipigil ng ihi ko. I'll be quick, don't worry."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Lyra dahil pagtatarayan lang naman niya ko.
"Ok-what? Hey! Don't left me here!"
Dinig ko pang sigaw niya, pero dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay hindi ko na ito inintindi at agad na hinanap ang banyo.
Dali-dali akong pumasok sa banyo ng mahanap ko ito at umihi na nga. Pagkatapos ay hinugasan ko ang aking kamay at tiningnan ang itsura sa salamin. Hindi pa naman ako mukhang hagard kaya mabilis kong nilisan ang banyo at nagmamadaling bumalik sa kinalalagyan ni Lyra. Sa kamamadali ay may nabangga akong babae.
"Sorry, I didn't mean to bump you. Nagmamadali lang ako. I'm really sorry," paumanhin ko rito.
Ngumiti lang ito sa akin pagkatapos ay tumango at iniwan ako. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad papunta kay Lyra ngunit ilang dipa na lang ang layo ko sa kaniya ay bigla akong napahinto dahil sa nakita ko.
Si dad at si. . . Shion.
"Oh! Your lovely daughter is here. Come here, Sheena!" turo sa akin ni Lyra.
Malakas ang kabog ng aking dibdib habang papalapit ako sa kanila. Nararamdaman ko kasing nakatingin sa direksyon ko si dad pati na rin ang kambal ko. Nang tuluyang makalapit sa kanila ay lakas-loob akong tumingin sa mga blangkong mata ni Shion at nagsalita.
"Welcome back."