CHAPTER 20

1122 Words
SHION Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng eroplano. For the last time, I heave a sigh. Hindi ko alam kung ilang oras na kong tahimik at hindi umaalis sa kinauupuan ko simula nang makapasok kami ni dad sa loob ng eroplano. Kanina pa ko walang kibo kahit katabi ko lang siya. Hindi rin naman niya ko kinakausap. I don't know if what I did is the easy way decision, but I do hope that Sheena is fine. Pinilig ko ang aking ulo nang may maisip na naman ako. Sana manatili akong nag-iisang lalake sa puso ni Sheena. *Flashback* Nagising akong nakaupo at nakasandal sa pader. Pumikit-pikit pa ko dahil med'yo masakit ang mata ko kakaiyak kagabi habang kinakantahan si Sheena. Tumayo ako at pinagpag ang pantalong suot ko. Pagkatapos ay dinikit ko ang aking noo sa pader. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwartong tinutuluyan ko. "Shion, here's your breakfast. Good morning. Kainin mo ito dahil may pupuntahan tayo mamaya," wika ni dad at saka inilapag ang dala niyang tray sa study table na nasa gilid ng kama. Tumango lang ako sa kaniya. Hindi pa siya tuluyan na nakakalabas ng kuwarto ay muli siyang lumingon sa akin at saka muling nagwika. "We will go to Canada and we will stay there hangga't hindi pa natatapos ang trabaho ko doon." Tuluyan na kong napalingon kay dad dahil sa sinabi niya. "And we will leave today whether you like it or not. Naihanda na ang lahat ng papeles at passport na 'tin kaya tuloy na tuloy na talaga tayo," dugtong niya pa. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Gusto kong umiyak at magmakaawa kay dad na huwag na lang akong isama, pero parang natuyo na yata ang lahat ng luha ko. Nawala na rin ang boses ko para magsalita. Parang biglang naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa narinig. Wala na nga yata akong magagawa pa. "Wait, dad." Muli siyang napahinto sa pagtangka na paglabas nang tawagin ko siya. Pumihit siya paharap sa akin at tiningnan ako. Bumuntong hininga ako ng malalim at sinalubong ang mga titig niya. "I will glady come with you, but I have one favor to ask. Promise, that this is the last. So please, dad?" Tuluyan na kong napaluha at naging disperado ang huling tono ng pananalita ko. Wala na rin naman akong magagawa pa pagkatapos nito e. Bumuntong hininga si dad pagkatapos makipagtitigan sa akin. Hinilot niya ang kaniyang noo na ipinag-alala ko naman. He is still my father no matter what. He is still our father after all. "Okay. Spill it then." Pagkalaan ay usal niya at muling nagkabuhay ang mapupungay ko ng mga mata dahil sa kakaiyak. "Before we go, can you let me see Sheena for the last time? I really wants to see and talk to her for the last time. After we talk, sasama na ko sa 'yo ng walang angal," matapang na pakiusap ko sa kaniya. "Okay. Iiwan na kita rito. Hihintayin na lang kita sa airport." Bahagya pa kong nagulat dahil hindi ko akalaing gano'n kabilis niya kong papayagan sa favor ko ngunit naalala kong may kondisyon nga rin pala kong binigay sa kaniya para pumayag siya. Akala ko ay wala na siyang sasabihin pa, pero muli siyang nagsalita. "Shion, I still trust you." Pagkatapos ay tuluyan na niya kong iniwan ng hindi sinasara ang pinto ng kuwarto. Nakatingin lang ako sa bukas na pintuan habang may mga luhang patuloy na naglalandas sa aking mga mata. "Shion, I still trust you." I'm sorry, dad. I already prevent this scene to happen, but my love for Sheena is so strong that I can't even think what is right and what is easy anymore. *End of flashback* Pababa na kami ng eroplano ngayon ni dad dala ang aming tig-isang maleta at dalawang bag pack. Pagkapasok namin sa loob ng airport ng Canada ay agad kaming sinalubong ng isang lalake na kasing edad lang yata ni dad at dalawang babae. 'Yong isa ay mukhang kasing edad lang din ni dad at 'yong isa naman ay parang kasing edad ko lang. Nakipagkamay 'yong lalake kay dad at nginitian ito. "Welcome to Canada, Mr. Buenavista. This is my beautiful wife, Psyche Flores." Tinuro niya 'yong isang babae na hindi nalalayo ang edad kay dad. Nakapusod ito at may onting make-up sa mukha. Kulay blonde ang sided bangs nito na tumatakip na sa mata nito, samantala ang ibang buhok nito ay kulay black. Ngumiti siya kay dad at nakipagkamay din dito. "It's nice to finally see you, Mr. Buenavista." Sunod nitong tinuro 'yong isang babae na hindi nalalayo ang edad sa akin at mukhang kanina pa ito nakatingin sa direksiyon ko. Halos magkasingtakad na kami nito dahil sa suot na heels. Naka-formal dress lang ito na tube at may suot siyang gold necklace sa kaniyang leeg. Nakapusod din ang kaniyang buhok na kulay gray at naka make-up na sakto lang para magmukhang natural sa maganda at bilugan niyang mukha. Naiirita nga ko dahil kanina pa siya nakatingin at nakangiti sa akin. "And she is my only daughter, Summer Serenity Flores who is currently in her highschool. However, she is a model in the famous magazine here in Canada and she is planning to be an artist soon," nakangiting pakilala nito sa babae. "Nice to meet you po," walang arteng wika niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Wow. She's great and she is seem to like my son. Well, she's beautiful. Right, son?" Komento ni dad sabay tingin sa direksiyon ko. "Thank you po." Nahihiyang pasalamat naman ng babae rito. "I am Krej Buenavista and the handsome man beside me is my son, Shion Buenavista." Pakilala sa akin ni dad sabay turo sa direksiyon ko. Nginitian ko lang sila dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang kalooban ko. "Hello," nakangiting bati sa akin ni Serenity ba 'yon? Tumango lang ako sa kaniya. 10 years later. . . "Shion, babe. Sigurado ka bang magugustuhan ako ng kapatid mo? Natatakot talaga ko," nakangusong usal ni Serenity habang nakasandal sa balikat ko ang ulo niya. "Of course, babe. She's not that bad. I'm sure na magkakasundo kayo agad." I hold her hand and intertwined it to mine. Pagkatapos ay hinalikan ko ang tungki ng ilong niya para mawala ang kaniyang takot. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang biglang namula ang kaniyang pingi dahil sa ginawa ko. Hindi na kami muling nagkausap pa ng tuluyan nang lumapas na ang sinasakyan naming eroplano sa Philippine Airport. Napakapit ako ng mahigpit kay Serenity at bumuntong hininga nang tuluyan ng lumapad ang aming mga paa sa loob ng airport. 10 years have passed already, but why am I still have to feel this way?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD