CHAPTER 19

1118 Words
SHEENA Nagtatanong at nangungusap ang aking mga mata habang nakatingin ako sa mga mata ni Shion. Hinahanap ko sa kaniya ang sagot sa aking mga katanungan ngayon. Bakit? Ayaw na ba niyang lumaban? Tuluyan na ba niya kong bibitawan? Ramdam ko ang labis na kirot sa aking dibdib habang nanatiling nakatingin sa kaniya. Pati ba siya ay kakampi na sa mundo laban sa wagas na pag-ibig ko sa kaniya? Nanatili akong tahimik at hinintay ang paliwang na nais kong marinig mula sa kaniya. "Sheena. . ." Tila may sariling isip ang mga mata ko dahil pagkabigkas na pagkabigkas niya sa pangalan ko ay tumulo na agad ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Halos magdugo na nga ang ibabang labi ko kakapigil lang na huwag umiyak ulit sa harapan ng kambal ko. But, I should accept the fact that we are twins. Twins that have the same fate and we share one emotions. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay at ang kaliwa naman niya ay humawak sa pisngi ko. Hindi ko 'yon nagawang tanggalin sapagkat nanlalambot ako sa mga titig niya. "Sheena, this is not the end for us but right now, we are still a child that can't do anything but to follow our parents. Do you understand?" malungkot ang tinig na usal niya. Subalit hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong walang imik habang nakatitig sa kaniya. Gusto ko pa ng isang paliwanag. Isang paliwanag na masasagot ang lahat ng mga katanungan ko at magpapalinaw ng isip ko. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at saka pinunasan ang kaniyang mga luha. "s**t! This is hard! I'm sorry. I'm sorry. . ." Hindi ko na mailarawan ang itsura ni Shion habang pinupunasan ang sarili niyang mga luha. Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga taong naglalabas-pasok sa International Airport. Muli kong binaling ang aking paningin kay Shion. "Babalik ako. . . at sa pagbabalik ko ay haharap ako sa 'yo ng-" Hindi ko na hinayaang matapos niya pa ang nais niyang sabihin. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at saka humagulgol sa kaniyang dibdib. Naghalo-halo na ang emosiyon ko. Iniisip ko pa lang na malalayo siya sa akin ng mahabang panahon ay labis na ang pagkirot ng dibdib ko. Para itong tinutusok ng ilang karayom. Pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin sa oras na bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako at mahinang umiyak sa balikat ko. "Please, Sheena. Don't make this more hard for me. I don't want to leave you like this. Please. . ." bulong niya sa tainga ko. Hindi ako sumagot kay Shion at nanatili lang na umiyak. I understand him. Naiintindihan ko siya, pero kahit anong pilit ko na intindihin siya ay wala akong magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak sa dibdib niya. Hindi ko kaya! Paano ko kakayanin mabuhay mag-isa kung mula pa ng isilang ako sa mundong ito ay siya na ang lagi kong kasama? Nang humina ang pag-iyak ko ay kumalas na siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ko sa aking mata. "Listen, Sheena. Ayo'kong makita kang umiiyak ng dahil sa akin, ng dahil sa sitwasyon na 'tin. You'll never know how much painful to me to see you crying because of me. I love you and God knows how much I love you, pero nang makita pa lang kitang umiiyak at nahihirapan sa sitwasyon na 'ting dalawa ay para na kong namamatay paunti-onti. Hindi ko kaya. I rather leave you than to see you suffering forever because of me. I will leave for now, but I will come back. Babalik ako nang may ipagmamalaki sa 'yo, babalik ako na handa kanang ipaglaban sa kahit sino. Babalik ako at mamahalin kita higit pa sa inaakala mo. So, stop crying now. Please. . ." Imbis na huminto sa pag-iyak dahil sa sinabi niya ay mas lalo lang akong humagulgol sa kaniya. Hindi ako nagsalita ng kahit na ano. Kumalma lang ako ng kaunti nang makitang nasa likod na ni Shion si dad at nasa gilid ko naman sina Smith, Lyra at Lyro. Nang maibaling ko nga ang paningin ko kay Lyra ay tinaasan niya ko ng kilay at naka crossed-arm na humarap sa akin. "Sheena, aalis na kami ni Shion. Umuwi ka na rin. Mag-ingat kayo ng mom mo. I love you." Hinawakan na ni dad ang braso ni Shion at hinila na palayo sa akin. "Shion!" Hahabulin ko pa sana si Shion, pero hinawakan na ko nina Smith. "Bitiwan niyo ko! Shion!" Halos nanliit na ng sobra ang mata ko dahil sa kakaiyak. "Sheena! Promise, I will come back no matter what!" sigaw ni Shion sa akin bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. Biglang nanlambot ang tuhod ko at napaupo ako habang patuloy pa rin ang pag-iyak. Maya-maya pa ay naramdaman kong may humahagod na ng likod ko. "Tss. Iniiyakan lang ang tao kapag patay na ito. Hindi pa patay si Shion kaya p'wede ba? Ang pangit mo na at mas lalo ka pang pumangit kakaiyak mo." Napalingon ako sa kaniya at isang malungkot na ngiti ang tinugon ko sa kay Lyra. "Lyra! Watch your mouth!" suway ni Lyro sa kaniya. Hindi ko akalaing siya pa ang magpapatahan sa akin. "Tss. I just trying to say that crying is not good to our health so stop crying na. At saka, nakasama naman na 'tin si Shion, kuya. It is also sad for us na wala na si Shion kaya dahil wala na siya, ang kambal na lang niya ang guguluhin namin. Don't worry, Sheena. You still have someone by your side." Napatitig ako kay Lyra dahil sa sinabi niya habang siya naman ay nakatingin sa ibang direksiyon at tila nahihiya sa kaniyang inusal. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit at doon umiyak sa kaniya. Sina Smith at Lyro ay nakatingin lang sa amin na may ngiti sa mga labi. "Hindi ko. . . Hindi ko pa rin naiisip ang buhay ko ng wala si Shion. All my life, he is there by my side. That's why. . . That's why I. . ." Hindi ko maituloy ang mga sasabihin ko dahil sa patuloy na pag-iyak ko. "Tss. Why are you hugging me? We're still not close, pero sige. Pagbibigyan kita ngayon. Sa susunod na makita kitang umiiyak ay pagtatawanan na kita ng husto. Naiintindihan mo?" mataray na usal ni Lyra. Gusto ko sanang tumawa sa sinabi niya, pero hindi ko magawa. Kaya tumango na lang ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD