SHEENA
Pagmulat ng aking mata ay ramdam ko ang pamamaga ng aking dalawang mata dahil sa kakaiyak ko kagabi. Bumangon akong may mabigat na nararamdaman. Ang isip ko ay sariwa pa rin sa mga alaalang nangyari kahapon.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at nalaman na nakatulog pala ako nang nakaupo at nakasandal sa pader. Humarap ako sa pader at idinikit ang mukha ko roon.
"Shion? Are you still there?" tawag ko sa kabilang kuwarto.
Hindi ko nilakasan ang boses ko dahil baka nasa paligid lang sina mom and dad ngunit dumaan na ang ilang minuto, pero wala pa ring sumasagot sa akin mula sa kabilang kwarto. Tulog pa kaya siya? Anong oras na ba?
Nasagot ang aking mga katanungan nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si mom na may dala-dala pang isang tray ng pagkain.
"Here, sweetie. Mag-almusal ka muna. Good morning," nakangiting bati niya pa sa akin.
Ipinatong niya ang dalang tray sa study table sa gilid ng kama ko. Hindi ko siya nilingon at sa halip ay humiga ako sa kama at tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Sheena, kumain ka na please. Simula pa kagabi ay hindi ka pa nakain. Nag-aalala na kami sa inyo ng dad mo. Please, kumain ka na."
Dama ko ang lungkot sa tinig ni mom, pero nanatili pa rin akong walang kibo.
Bumangon ako at humarap sa kaniya. Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha niya at bahagyang nagkaroon ng tuwa ang kaniyang mata nang magtama ang aming paningin ngunit muling nabalik sa lungkot ang expression ng kaniyang mukha nang mapagmasdan niya ang blangko kong expression.
Sinubukan niyang hawakan ang kanan kong kamay ngunit mabilis ko iyong naiiwas sa kaniya.
"Sweetie-"
"Are you really worried? Do you really care?" walang emosyon na tanong ko sa kaniya.
Napayuko si mom sa tanong ko at saka bumuntong hininga ng malalim.
"Of course, sweetie. We care, we are worried because we love both of you but I'm also sorry. I'm sorry for doing this to you 'cause I know it's the right thing to do."
Sandaling nagbago ang expression ng aking mukha nang makita ko ang biglaang pagtulo ng luha ni mom. Gusto ko sanang hawakan at yakapin siya, pero hindi ko magawa dahil naalala ko ang mga pangyayari kahapon.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at walang imik. Pilit kong itinago ang totoong emosyon na nararamdaman ko sa harapan niya ngayon.
Tumayo siya matapos punasan ang sarili niyang mga luha. Pilit siyang ngumiti sa akin.
"Iiwan ko na lang ang pagkain dito P
para kapag hindi mo na natiis ang gutom ay makakain ka. Good morning again and I love you."
Hindi na niya ko hinintay pang makasagot at naglakad na siya palabas ng kuwarto. Huminto siya sa mismong pinto ng kuwarto at muling humarap sa akin.
"Ahm. . . your twin brother and your dad. . . Biglaan, pero aalis sila mamayang hapon para magtungo sa Canada. Bigla kasing napahiwalay ang trabaho ng dad mo sa akin kaya napag-isipan namin na isama na lang si Shion sa kaniya at sa akin ka naman para magkaroon kayo sa sarili mo. 'Yon lang. For now, goodbye."
Tuluyan na siyang umalis ng kuwarto nang hindi naririnig ang reaksyon ko.
Gulat ako at hindi makapaniwala sa narinig. Hindi maaari!
Nang tuluyan na mag-sink-in sa akin ang mga sinabi ni mom ay saka lang ako tumayo sa higaan at nagtungo sa pinto ng kuwarto. Sunod-sunod na rin ang paglabas ng mga luha ko habang kinakalampag ang pinto.
"Mom! Buksan n'yo po ito! Mom! Dad! Shion! Ipakita n'yo po sa akin si Shion! Please, nagmamakaawa po ako! Please!"
Paulit-ulit ko lang sinisigaw ang mga katagang ito hanggang sa magaralgal na ang boses ko.
Napahinto lang ako sa aking ginagawa at pagsigaw nang makita kong may gumagalaw ng doorknob. Kahit na hindi alam kung sino ang taong nasa likod ng pinto ay nakaramdam pa rin ako ng tuwa sa puso ko. Segundo lang ang tinagal ng eksena at tuluyan na ngang bumukas ang pinto.
Dala ng tuwa dahil sa taong bumangad sa akin ay mabilis ko siyang sinugod ng napakahigpit na yakap at napahagulgol sa kaniyang dibdib.
"Shion, I miss you. Please, huwag ka na ulit aalis sa tabi ko." Umiiyak na pagsusumamo ko sa kaniya.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang mahinang paghikbi niya malapit sa aking tainga.
"You'll never know how much I miss you. Words are never enough to express my emotions right after I saw you. Let's go." Kumalas siya sa pagkakayakap at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa aking mata.
"Umalis muna tayo rito ngayon. Marami akong gustong sabihin at ipaliwanag sa 'yo, pero huwag tayo rito mag-usap."
Nanatili lang siyang nakatingin sa aking mata kaya ramdam ko ang emosyon sa bawat salita niya ngunit nagtataka ko siyang tinitigan matapos marinig ang sinabi niya.
"Ha? Bakit? Saan naman tayo pupunta? At saka, paano ka nakalabas at nakakuha ng susi ng kuwartong kinalalagyan ko? Paano ka nakalabas sa kuwarto na 'tin? Nasaan sina mom at dad?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Huwag mo na munang tanungin ang tungkol d'yan. Basta. Sumama ka muna sa akin ngayon. Let's go." Hinawakan niya ko sa aking kamay at sabay kaming lumabas ng bahay ng mabilis at maingat.
Naguguluhan man sa sitwasyon naming dalawa ngayon ay nagawa ko ring ngumiti dahil kahit papaano ay kasama ko na siya ngayon. Nandito na siya sa tabi ko. Hindi na ulit ako mag-iisa. Hindi na nga ba talaga?
Nakaramdam ako ng onting pangamba dahil sa naisip ko subalit pagkalipas ay umiling-iling ako at saka pilit na tinanggal sa aking isipan ang mga tanong. Sumakay kami ng taxi ni Shion nang hindi ko alam kung saan kami patungo. Hindi ko na rin naman siya tinanong pa tungkol doon at sa halip ay ipinatong ko na lang ang aking ulo sa kaniyang balikat habang mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay.
Ipinikit ko ang aking mata at bigla na lang napangiti. Sa wakas, nakaramdam din ako ng ginhawa sa aking puso.
"Shion. . ."
"Hmm. . ."
"Kahit anong mangyari ay huwag mo na ulit bibitiwan pa ang kamay ko ha." Naramdaman kong bumagsak ang dalawang butil ng luha sa aking magkabilang pisngi dahil sa inusal.
Pagod na ko. Pagod na kong kalabanin ang mundo na patuloy na tumututol sa pagmamahalan naming dalawa. Pagod na ko, pero. . . kakayanin ko basta't alam kong nasa tabi ko siya at nakakapit pa sa akin.
Hindi niya ko sinagot at sa halip ay naramdaman ko ang pagkapit niya ng mahigpit sa kamay ko. Kaya naman muli akong napangiti.
"Salamat, Shion."
Naramdaman kong tumigil na rin ang taxi na sinasakyan namin ngayon kaya naman idinilat ko na ang mga mata ko. Naunang bumaba si Shion ng taxi na wala pa ring imik at inilalayan naman niya kong bumaba. Nginitian ko siya ng magtama ang aming mga mata at saka ko nilibot ang aking paningin sa paligid.
Binalot ng kaba at takot ang aking dibdib nang makita ang paligid. Lumingon ako kay Shion na nakakunot ang aking noo.
"Shion, what are we doing here?" Naramdaman ko ang panginginig ng bibig ko habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mata.
"Sheena, I love you. I will always do," mabagal na usal niya at saka nagsibagsakan ang kaniyang mga luha.
Naiwan akong tulala at hindi malaman kung anong tamang gagawin.