SHION
Pagkadating namin ni dad sa bahay ay kapansin-pansin na agad ang kakaibang kinikilos ni dad.
"Shion!" tawag niya sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa sa aming sala at nagtungo sa lugar kung nasaan siya ngayon.
"Go to your room now," utos niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung anong damdamin ang nangingibabaw sa kanya ngayon dahil walang expression ang kanyang mukha. Hindi na ko sumagot pa sa kanya. Tumango na lamang ako at naglakad patungo sa aking kuwarto, sa kuwarto namin ni Sheena. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga nangyari ngayong araw. Mas'yado akong nabigla sa bilis ng mga pangyayari. Samantala, naguguluhan at nalilito rin ako sa kinikilos ni dad ngayon.
Actually, hindi ito ang inaasahan kong gagawin niya. Hindi siya aaktong kalmado na parang walang nangyari. Pinapagalitan niya dapat ako ngayon at pinagsasabihan. Tinatanong o pinagpapaliwanag ako sa nangyari. Pero, bakit gano'n? Bakit umaakto siya na parang wala lang ang nangyari? Bakit walang salita na lumalabas sa bibig niya? Bakit iba ang kinikilos niya sa totoong sinasabi ng damdamin niya?
Pagkadating ko sa kuwarto namin ni Sheena ay agad akong dumiretso sa banyo at nag-shower. Patuloy na bumabalik sa aking alaala ang mga bagay na nangyari ngayon. Si Sheena. . . umiiyak siya nang huli ko siyang makita. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao.
Tsk! Wala man lang akong nagawa para manatili sa tabi niya kanina.
Pinikit ko ang aking mata habang inaalala naman ang kaniyang mukha. Sinigaw niya ang pangalan ko. Tsk! Nasuntok ko ang pader na nasa harap ko dahil sa mga alaalang nagbalik sa aking isipan.
I want to hurt myself. I am not a man at all. I can't even fight and protect her.
Pagkatapos kong mag-shower, nagtapis ako ng towel at lumabas ng banyo ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay napansin ko na ang pinto ng kuwarto na nakasarado na ngayon. Iniwan ko kasi itong bukas kanina. Nasagot ang nabubuong tanong sa isip ko nang makita ko ang papel na nakalagay sa ibaba ng pinto. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat dito.
Mananatili ka rito hangga't hindi kita pinagbubuksan ng pinto.
Nalukot ko ang papel dahil sa nabasa. Tsk! He is my father! He can't do that to me! Kinalampag ko at pinagpapalo ang pintuan habang nagmamakaawa kay dad na pagbuksan ako ng pinto.
"Dad! Please, open the door! Dad, please!"
Ngunit dumaan na ang ilang minuto ay hindi ko man lang narinig ang mga yabag ng mga paa niya.
Napaupo ako ng dahan-dahan sa pinto habang muling tumulo ang mga luha sa aking mata. "Dad, please open the door," mahinang sambit ko pa.
Nakarinig ako ng mahinang yabag na mga pares ng paa kaya dali-dali akong tumayo at muling kumatok sa pinto. Hindi lang 'yon. Ilang pares ng paa ang narinig ko kaya baka nandito na rin sina mom at Sheena.
"Mom! Sheena! Dad, please open the door! Sheena, I'm here!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagkalampag ng pinto.
"Shion! Mom, let me go to Shion. Shion!" Dinig kong sigaw ni Sheena nang paulit-ulit, pero ang boses niya ay humina hanggang sa hindi ko na narinig pa ang kaniyang tinig.
Dahil sa labis na pagkainis ay nagtungo ako sa tabi ng aking kama at sinuntok ang pader doon. Hindi ko na ininda pa ang sakit na natamo ng aking kamay dahil sa nangingibabaw kong emosyon ngayon. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog sa kabilang pader na tinatayuan ko ngayon.
"Sheena! Sheena, are you there?" sigaw ko sa kabilang pader sa kabilang kuwarto.
Nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag patungo sa kabilang pader na tinatayuan ko. Muli akong nakarinig ng mga yabag patungo sa pader at mahinang pag-iyak mula rito.
"Shion. . ." Muli akong napaluha nang marinig ang boses ng tao na kanina pa laman ng aking isipan.
Dahan-dahan akong napasandal sa pader habang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha.
"I'm glad that you're okay, Sheena. . ."
Nakahinga na ko ng maluwag nang marinig ko pa lang ang boses ng kambal ko.
"Yeah. You're here. . . That's why I'm okay. Even though I can't see your face, I still can hear your voice and that's enough for me to be okay because I can feel your presence, your care and your love, I will always be okay."
Pinunasan ko ang mga luha sa aking magkabilang pisngi at bahagyang napangiti ng mapait. I hope I can shed the tears from her cheeks too like I did to myself.
"Thank you, Sheena. Thank you for loving me too, for loving your twin brother even if its not the right thing to do," pahayag ko habang nakaupo at nakasandal pa rin sa pader.
Pinikit ko ang aking mata at kumanta para sa kaniya.
SHEENA
Nakasunod lang ako kay mom kung saan niya ko dadalhin habang nakayuko nang may marinig akong sunod-sunod na katok na nagmumula sa kuwarto namin ni Shion. Hindi ko napansin na lalagpasan na pala namin ang kuwarto. Sandali. Si Shion!
Akmang pupunta na ako doon nang biglang hinawakan ni mom ang aking braso at saka umaling sa akin.
"Mom! Sheena! Dad, please open the door! Sheena, I'm here!" rinig kong sigaw ni Shion mula sa loob.
Muli kong binalingan ng tingin si mom habang muling umagos ang luha sa aking mga mata at nagmakaawa sa kanya.
"Shion! Mommy, let me go to Shion. Shion!" pagmamakaawa ko kay mom at nagpupumiglas para makawala sa pagkakahawak niya sa braso ko ngunit pati si dad na kasama namin ngayon ay hiniwakan na rin ako sa kabila kong braso at kinaladkad ako patungo sa kabilang kuwarto katabi ng kuwarto namin ni Shion.
"Dito ka muna hangga't hindi kita pinapalabas sa kuwartong ito, maliwanag?" pahayag ni daddy.
Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon. Pagkatapos ay sinirado na nila ang pintuan ng kuwarto at iniwan ako sa loob. Naglakad ako patungo sa single bed at uupo na sana nang muli kong marinig ang boses ni Shion.
"Sheena! Sheena, are you there?" tanong niya.
Kumaripas ako ng lakad patungo sa pader na naghihiwalay sa dalawang kuwarto.
"Shion. . ."
Muli akong napaluha pagkatapos banggitin ang pangalan niya. Umupo ako at sumandal sa pader.
"I'm glad that you're okay, Sheena."
Pinunasan ko ang mga luha sa aking magkabilang pisngi.
"Yeah. You're here. . . That's why I'm okay. Even though I can't see your face, I still can hear your voice and that's enough for me to be okay because I can feel your presence, your care and your love, I will always be okay."
"Thank you, Sheena. Thank you for loving me too, for loving your twin brother even if its not the right thing to do."
Napangiti ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ulit ako ng marinig ko ang pagkanta niya. Pinikit ko ang aking mga mata para ituon ang aking atensyon sa pagkinig sa kaniyang tinig.
Marinig ko lang ang boses niya ay maluwag na ang pakiramdam ko.