SHEENA
"Sheena! Shion!"
Bago magkadikit ng tuluyan ang aming mga labi ay natigilan kami sa sigaw ng isang kilalang boses. Sabay kaming napatingin ni Shion sa pinto ng kumbento at doon namin nakitang nakatayo ang aming mga magulang.
Pinagpawisan ako ng malapot at nakakabingi ang kabog ng aking dibdib habang nakatingin sa papalapit naming magulang na hindi mawari kung ano nga ba ang damdaming nangingibabaw sa kanila ngayon. Pagkadating na pagkadating nila sa aming harapan, matalim ang mata kaming tinitigan ni dad. Samantala, si mom naman ay mahahalata ang nagpipigil niyang galit na nararamdaman sa kaniyang mukha.
"What is the meaning of this?" tanong ni dad habang pinapalipat-lipat niya ang kaniyang tingin sa aming direksiyon.
Hindi ko napansing napahawak na pala ako ng mahigpit sa kamay ni Shion kaya napalingon tuloy si Shion sa direksiyon ko.
"Everything's going to be alright. Trust me," bulong ni Shion sa akin.
Ngumiti lang ako sa kaniya bilang tugon dahil nangingibabaw ang kaba sa aking dibdib.
"Mom, dad. Me and Sheena are. . . We love each other. I know it's wrong, but you can't do anything to prevent us now."
Mas lalo akong kinabahan dahil sa pinahayag ni Shion. Samantala, mas lalo namang sumama ang timpla ng mukha ng aming mga magulang.
"Ano? Nahihibang na ba kayo?!"
Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si dad.
"Naririnig mo ba kung anong pinagsasabi mo, Shion?!" sigaw din ni mom sa kapatid ko.
"Yes, and I really mean what I said. I love Sheena and she loves me too. We love each other not as a siblings or as a twin but as a lover. We love-"
Natigilan ako at hindi malaman ang gagawin ng bigla na lang sinampal ni mom si Shion sa kaniyang mukha.
"Shion. . ." umiiyak kong sambit sa pangalan niya.
Hindi ko kasi alam kung sa paanong paraan ko kakausapin sina mom at dad. Lumaki kasi ako na si Shion lagi ang naging shield ko. Siya lagi ang nagiging taga-pagtanggol ko. Ngayon, bakit. . . bakit hindi ko man lang siya kayang ipagtanggol? Bakit hindi ko man lang magawang makapagsalita sa harapan nina mom at ipagtanggol ang pag-iibigan naming dalawa? Habang buhay na lang ba kong magtatago sa likod ni Shion? Sa likod ng kambal ko?
"How could you say those words? Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo? Magkapatid kayo, nakalimutan n'yo na ba 'yon? Isa pa, hindi lang kayo magkapatid dahil kambal kayong dalawa!" nanginginig ang boses na paliwanag sa amin ni mom. Patunay lang na mas'yado siyang emosyonal ngayon.
Samantala, malakas man ang kabog ng aking dibdib ngayon dahil sa kaba at takot sa mga bagay na nangyayari sa amin ngayon ni Shion, huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang aking loob para magsalita sa kanila.
"Mom, dad, hindi po ba kayo na rin po ang nagsabi sa amin ni Shion noon? Ang love ay walang pinipili, walang hinihintay na ano mang kapalit, dumadating ito ng hindi na 'tin inaasahan at higit sa lahat, nararamdaman na 'tin ito kahit sa sino man. Tama po ba ko, mom and dad? Makapangyarihan ang pag-ibig. Kahit kailan ay hindi na 'tin ito mapipigilan. Mahal po namin ang isa't isa at wala na pong mababago doon. Please, hayaan n'yo na lang po kami." Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa aking mata.
"Mom, dad. Si Sheena ang tanging babae na minahal ko. Siya lang ang babaeng nagpakita at nagparamdam sa akin ng tunay na kaligayahan. Siya lang po at wala ng iba. Kaya hindi ko alam kung makakaya ko ba na mawalay siya o malipat ang pagtingin ko sa iba." wika din naman ni Shion sa kanila.
Subalit hindi man lang nagbago ang expression ng mukha nina mommy at daddy. Ano pa bang paliwanag ang nais nilang marinig sa amin? Hindi man lang ba nila inunawa ang lahat ng sinabi namin? Pinakinggan ba nila ang lahat ng paliwanag namin ni Shion?
"Kahit ano pang paliwanag ang sabihin niyo, ang isang mali ay hindi magiging tama," mommy
"Sheena, halika dito!"
Hinila ako ni dad palayo kay Shion, pero dahil sa higpit ng pagkakakapit ko sa kamay ni Shion ay hindi nila kami mapaghiwalay agad. Ang higpit din kasi ng pagkakahawak ni Shion sa kamay ko.
"No, dad. Please." umiiyak na pagmamakaawa ko kay dad, pero hindi nila ko pinapakinggan.
Nagpatuloy pa rin sila sa paghihiwalay sa aming dalawa ni Shion. Pagkalipas ng ilang minutong paghihilahan namin ay tumulong na rin si mom kay dad. Hinila ako ni mom palayo kay Shion habang si dad naman kay Shion hanggang sa tuluyan na ngang nagkabitaw ang aming mga kamay.
"Shion! Shion!" umiiyak kong tawag sa pangalan ni Shion habang hinihila siya ni dad palayo sa akin.
"Mom, please. Bitiwan mo na po ako. Si Shion po. . ."
Halos mapaos na ko dahil sa kakaiyak na pakiusap ko kay mom ngunit umiling lang siya sa akin kasabay ang pagtulo ng kaniyang luha.
"Shion!"
Patuloy lang akong sumisigaw sa pangalan ng kapatid ko.
"Sheena! No matter what happened, I still and will going to love you!" sigaw pa ni Shion sa akin bago siya tuluyang mawala sa aking paningin.
Muli akong humarap kay mom. Lumuluha akong tumitig sa kaniyang mga mata.
"Sheena, listen to me. We did this for your own sake. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Siguro kasi madalas lang kayong maiwan sa bahay. But trust me, Sheena. Ito. . ." Tinuro ni mom ang kaniyang kaliwang dibdib at saka muling nagwika. "Iyang nararamdaman ninyo ngayon, trust me. It's not the kind of love like what you think. Kaya ngayon pa lang, habang maaga pa, we will going to fix your feelings. Okay? Don't cry, sweetie." Tumulo na rin ang luha sa mga mata ni mom.
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko, pero iniiwas ko lang ang kamay ko sa kaniya.
"Don't touch me, mom. You have no idea kung ilan o anong klaseng problema at pagsubok na ang nalagpasan namin ni Shion. Yes, he is my twins. I already knew it, we already knew it. But, so what? Mom, we just learn to love each other. What's the problem with that? Bakit hindi ninyo matanggap? Bakit hindi p'wede? Bakit, mom?!" umiiyak na sigaw ko sa kaniya.
I don't care if I lost my voice after this. Its hurt. Its hurt to be in love with someone that cannot be accepted by my parents or by the world, but only the two of us.
"Let's go. Umuwi na muna tayo. Pag-usapan na 'tin sa bahay 'yan," pahayag niya at mahigpit niya kong hinila palabas ng kumbento.
Hindi na ko nakapalag pa sa kaniya dahil marami pa lang tao na nakiki-isyoso sa nangyayari. Ayo'ko rin namang gumawa pa ng eskandalo. Saka mom ko rin naman ang kasama ko.
Dinala ako ni mom sa parking lot kung nasaan nakaparke ang kotse ni mom. Pagkatapos ay walang sabi-sabi akong pumasok sa passenger seat ng kotse. Si mom naman ay pumasok na rin sa loob at umupo na sa driver seat. Hindi ko alam kung nasaan na sina Shion at dad o kung anong sasakyan ang ginamit nila para makaalis dito dahil iisa lang naman ang gamit lagi na sasakyan nina mom. Wala rin naman kaming dala ni Shion dahil nga nag-commute lang kami.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa mga mata ko. Saan kaya dinala ni dad si Shion? Kumusta na kaya siya? Pinapagalitan kaya siya ni dad ngayon? Sana ay hindi mangyari ang mga bagay na nasa isip ko ngayon.
Shion, no matter what happened, I will always love you. Nagbalik ang isip ko sa realidad ng mapansin na nakatingin pala si mom sa akin gamit ang side mirror.
"Sheena, wipe your tears."
Hindi ko sinunod ang utos ni mom at nagkunwaring hindi siya narinig. Binaling ko ang aking atensiyon sa labas ng sasakyan. Pinaandar na ni mom ang sasakyan at nagsimula na kaming bumiyahe.
"Kanina, maaga kaming umuwi ng dad mo dahil maaga naming natapos ang trabaho. Aayain sana namin kayo ng kambal mo na lumabas para magkaroon man lang sana tayo ng family bonding at ipag-celebrate sana ang birthday ninyo, pero wala kaming nadatnan na anak sa bahay kaya naisipan namin na bumisita na lang sa kumbento at mangamusta kay father George at. . . nakita na nga namin kayo," kuwento ni mom sa akin kahit wala naman akong tinatanong o sinasabi kung bakit sila napunta rito.
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Alam mo, Sheena? May kilala akong anak ng kaibigan namin na da-"
"I don't care, mom. Please just focus to your driving and be quiet. I'm sorry, mom."
Pinutol ko na ang pananalita ni mom bago pa niya matapos ang kaniyang pananalita na maging dahilan pa para uminit ang aking ulo.
"Okay," tugon niya at tinuon na niya ulit ang kaniyang atensiyon sa kaniyang pagmamaneho.
Muli akong bumuntong hininga ng malalim. Alam ko na hindi na maganda ang pakikitungo ko ngayon kay mom. Ngayon, gusto ko talagang humingi ng tawad kay mom at dad, pero hindi ko kaya. Inuunahan ako ng takot at kaba. Sa kabilang banda naman, hindi ko rin mapigilan na isipin si Shion tungkol sa kung ano na ba ang kalagayan niya ngayon. Umiiyak din kaya siya katulad ko? Hindi ko na kaya siya makikita ulit? Tuluyan na kaya siyang mawawalay, malalayo at maglalaho sa buhay ko?