SHEENA
"Shion, maraming salamat. Maraming salamat kasi kahit na nakalimutan ko na ang birthday na 'ting dalawa ay naalala mo pa rin ito. Hindi lang 'yon. Binigyan mo pa ko ng regalo. Isang regalo na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Hindi man ito isang materyal na bagay, pero mas higit naman ito rito. Maraming salamat at happy birthday din sa 'yo, Shion." Sa sobrang saya ko ay niyakap ko si Shion ng mahigpit.
Alam kong nabigla siya sa ginawa ko, pero mas nabigla naman ako sa ginawa niya. Hindi ko akalain na muli naming pupuntahan ang isang lugar kung saan kami nagbakasyon nang bata pa kami. Ang lugar kung saan punong-puno rin ng mga magagandang alaala naming dalawa.
Nang kumalas na ko sa pagkakayakap sa kaniya, magkahawak-kamay kaming nagtungo sa isang fast food chain. Katulad nga kasi ng sabi ko kanina, hindi pa kami kumakain ng almusal.
Masaya rin akong nagpalinga-linga sa paligid. Marami na pa lang nagbago sa lugar na ito. Dumami na ang taong bumibisita, pati na ang mga taong nakatira rito.
Pagkadating namin sa isang fast food chain, umupo ako sa double table habang si Shion naman ay umalis upang mag-order ng makakain namin. Sa tingin ko, ang fast food chain na ito ay malapit lang sa lugar kung saan kami nagbakasyon noon kasama sina mom at dad.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating si Shion na may dala-dalang isang tray. Pinatong niya 'yon sa table namin. Nakangiti kong kinuha ang isang plato ng palabok at isang baso ng tubig. Gano'n din ang ginawa ni Shion.
I open my mouth and say, 'Thank you' to him without making any noise. Pagkatapos ay nagsimula na kong kumain. Gano'n din naman ang ginawa ni Shion. Habang kumakain ay may naisipan akong sabihin kay Shion.
"Shion, punta tayo sa kumbento." Nakangiti pa ko kay Shion habang kumakain.
"Ha? Saan 'yon? Mayroon bang kumbento rito?" tanong niya habang patuloy pa rin sa pagkain.
Sandali akong tumigil sa pagkain at sinamaan ko siya ng tingin.
"Your joke isn't funny at all. Bilis na kasi. Punta na tayo sa kumbento. Malay mo may kinakasal ulit doon. Gusto ko sanang makakita ulit." Hindi ko mapigilan mapangiti ng malawak sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa kumbento. Sana ay nandito pa rin 'yon hanggang ngayon.
Kaya lang ay patuloy lang si Shion sa pagkain at hindi sumasagot sa akin. Tsk. Nakakaasar talaga si Shion ngayon. Nakasimangot na lang akong nagpatuloy sa pagkain habang nakikiramdam ako sa kaniya, pero natapos na lang akong kumain ay hindi pa rin nagsasalita si Shion. Naghintay pa ko ng ilang minuto hanggang sa matapos siyang kumain, pero nanatili pa rin siyang walang kibo.
Dahil sa pagkabagot ko sa kahihintay ng sagot ni Shion ay tumayo na lang ako at tumalikod. Maglalakad na sana ako palayo sa kaniya nang bigla niya kong hawakan sa kamay at pinaharap sa kaniya.
"Let's go." Hinila na ko ni Shion patungo sa kung saan pagkatapos niyang magsalita.
Waah! Pupunta kami saan? Hindi ko talaga maintindihan si Shion ngayon. Napanguso na lang tuloy ako dahil kay Shion. Habang hila-hila niya ko ay bigla akong tumigil sa paglalakad na naging dhilan para mapatigil din siya.
"What?" Humarap siya sa akin na magkasalubong ang kaniyang dalawang kilay.
"Anong what? Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko. Pagkatapos ay bigla-bigla mong sasabihin na aalis na tayo," nakanguso kong wika sa kay Shion.
Tiningnan niya ko sa mata at saka ngumiti sa akin.
"I'm sorry. I'm sorry kung hindi ako sumasagot sa 'yo kanina. Gusto ko lang sanang pakinggan ang boses mo. Hindi kasi ako makapaniwala na magiging akin 'yong nag-iisang taong imposibleng maging akin. Na magiging akin ka. In other words, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nahihibang o nananaginip ngayon. Parang kailan lang kasi nang sinimulan kitang iwasan. Nang simulan kong itanggi na hindi kita gusto. Na wala akong nararamdaman kahit ano para sa 'yo, pero wala e. Hindi ko pa rin talaga napigilan ang damdaming mayroon ako para sa 'yo."
Hindi ako nakasagot pabalik kay Shion. Tila naubusan ako ng sasabihin at biglang umurong ang dila ko. Gano'n pa man, nakaramdam ng galak ang aking mga puso dahil sa mga sinabi niya.
Nagbalik lang ako sa katinuan nang hawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako patungo sa lugar na noon pa man ay pinapangarap ko talagang mapuntahan ulit.
"Wow, Shion! Ang dami na talagang pinagbago ng lugar na 'to no? Pero, tingnan mo 'yong kumbento. Katulad pa rin siya ng dati at ang mas ikinaganda at ikinasaya ng damdamin ko ay mas dumami na ang mga santan dito. Hindi lang 'yon. Nagkaroon na rin ng iba pang uri ng bulaklak bukod dito. Wow!" Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid.
Si Shion naman ay naglakad sa direksyon ng mga santan. Sinundan ko siya ng nakakunot ang aking noo. Ano na naman kaya ang plano ng lalakeng 'to?
"Tama ka, Sheena. Ang dami na ngang nagbago sa lugar na 'to," sagot niya sa 'kin nang hindi man lang lumilingon sa aking direksyon.
Kumuha siya ng maraming santan at saka humarap sa direksiyon ko. May isang bagay ang bigla na lang pumasok sa aking isipan.
"Shion, gagawan mo ba ulit ako ng hairband gamit 'yan? Wow! Shion, gawin mo na, please." Nakangiti kong hinarap si Shion at hinawakan ko pa ang kamay niya.
Bumuntong hininga ng malalim si Shion.
"Yeah, yeah. Don't be too excited or else, hindi ko ito magagawa ng maayos. Just wait, okay?"
"Okay!" masigla ko agad na tugon sa kaniya.
Umupo kami sa ilalim ng puno at doon ginawa ni Shion ang hairband na santan. Habang gumagawa siya, ako naman ay nakatingin lang sa mga tao na dumadaan sa aming harapan at sa mga taong nakaupo sa ilalim ng puno katulad namin.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumigat ang talukap ng aking mga mata at napasandal ang aking ulo sa balikat ni Shion. Pagkatapos ay unti-onti na kong nakatulog habang nakasandal sa kaniyang balikat.
Makalipas ang ilang oras ay nagising ako nang maramdaman na may humahawak sa aking ulo. Nang imulat ko ang aking mata ay agad kong nabungaran ang mukha ni Shion na nakangiti habang nilalagay ang santan sa aking ulo.
"Hanggang ngayon, Sheena. Bagay pa rin sa 'yo ang santan na 'yan. Mas lalo kang gumaganda," nakangiti pang wika ni Shion pagkatapos niyang ilagay ang santan sa aking ulo.
Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng aking dalawang pisngi dahil sa kaniyang sinabi. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.
"Thank you, Shion."
Tumayo siya at pinagpag ang ilang grass na dumikit sa kaniyang pantalon.
"Halika! Pumunta tayo sa kumbento. Siguradong wala ng tao doon ngayon." Hinila ni Shion ang kamay ko para tumayo na kaming dalawa.
"Sige. Hihi."
Kita sa aking mukha ang tuwa habang magkahawak-kamay pa rin kami ni Shion.
Magkahawak-kamay kaming nagtungo sa kumbento habang ang isang ngiti ay nakasilay sa aming mga labi. Nang makarating na kami sa tapat ng pintuan ng kumbento, agad naming inalam kung may tao ba sa loob. Nakabukas lang kasi ito at wala naman kaming naririnig na ingay sa loob.
"Shion, huwag na lang kaya. Baka kasi may tao sa loob e. Pagkatapos ay pagalitan pa tayo," nangangambang bulong ko sa aking kakambal.
Lumingon sa akin si Shion. "Its fine. Just be quite, okay?" bulong niya pa sa akin.
Tumango na lang ako kay Shion at saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Pumasok na kami sa loob ng kumbento na tanging ang liwanag lang sa pinto at bintana ang nagbibigay liwanag sa loob. Naka patay kasi ang mga ilaw sa loob. Siguro ay nagpapahinga pa rin si father kaya walang tao.
Nagtungo kaming dalawa ni Shion sa harapan ng altar.
"Ah, Shion. . ."
"Are you afraid?"
Napanguso ako sa tanong niya.
"No, I'm not. I'm not afraid, you know? Tss." Umirap ako kay Shion pagkatapos kong magsalita.
"Liar."
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya mas lalo akong kinabahan.
"Look. Your hand is shaking with fear."
Nakahinga ako ng maluwag nang malaman si Shion pala 'yong humawak sa kamay ko. Pagkalipas ng ilang segundo ay naramdaman kong may bagay siyang nilagay sa ikalawang daliri ng kamay ko.
"Sheena."
"Hmm. . ."
"Balang araw ay posible kayang ikasal tayo rito? Posible kayang maidala ulit kita rito suot ang wedding dress mo?"
Natahimik ako sa tanong niya. Dahil sa liwanag sa bintana ng kumbento, naaninagan ko ang bagay na inilagay ni Shion sa kamay ko. Isa 'yong santan na singsing. Muli ay napa-isip ako sa sinabi niya kanina hanggang sa maramdaman ko na lang na may tubig na pumatak sa aking daliri. Dahil doon ay agad na naputol ang santan na nilagay ni Shion.
"Shion, we can't."
Niyakap ako ni Shion ng sobrang higpit.
"Why, Sheena? I know we can. Let's fight for our love. I love you, Sheena. You love me too, right?"
His voice is too desperate and sad.
"Yes, I love you Shion but. . ."
Pinilit kong ngumiti kahit na patuloy pa rin ang pagbagsak ng aking mga luha.
"But look, Shion. Ang santan. . . naputol siya. Did you know why? Alam niya kasi na buo tayong magkapatid. No, we are not just a siblings. We are twins. I love you, Shion, pero. . ."
"Sheena, that's okay."
Inilapit ni Shion ang labi niya sa labi ko, pero bago niya ko mahagkan ay pinigilan ko siya.
"No, Shion. God is watching us."
Natigilan din siya sa sinabi ko. Tinitigan niya ko. Akala ko tumigil na siya sa nais niyang gawin subalit muli niyang inilapit ang labi niya sa labi ko. Wala akong nagawa kung hindi pumikit na lang at damhin ang labi niya.
"Sheena! Shion!"
Bago magkadikit ng tuluyan ang aming mga labi ay natigilan kami sa sigaw ng isang kilalang boses. Sabay kami napatingin ni Shion sa pinto ng kumbento at doon nakita namin nakatayo ang aming mga magulang.